HORROR HOUSE

29 4 0
                                    

Unang opening ng peyra syempre pumunta kaming magbabarkada. Ang saya saya ko kasi ang dami kong nakikitang mga pailaw at kung ano-ano pa. Sobrang ingay rin at makikita mo sa mga tao roon ang mga ngiti sa labi.

Marami na kaming rides na nasubukan kaya't nagdesisyon naman kami na sa horror house naman.

Alam ko sa sarili ko na hindi ako matatakutin. Marami na akong nabasa at napanood na mga horror movies at kung ano-ano pa kaya walang wala sa'kin ang mga gan'yan lalo na at peke lamang ang mga ito.

Una-una ako sa pagbili ng ticket dahil sa excitement. Una rin akong pumasok sa loob ng Horror House.

Maraming mga nakamaskara ang nanakot sa amin pero wala lang ito, maskara lamang 'yan. May mga humihigit na rin kaya napapapikit na lamang ako.

"bes, hindi na ako natutuwa," sabi ng bestfriend kong mangiyak-ngiyak sa takot.

"H-haha a-ano kaba! fake lang ang mga 'yan," sabi ko na nauutal-utal

Takte hindi pala nakakatuwa ito. Binabawi ko na. Oo marami akong nababasa at napapanood na pero hindi pala biro kung sa totoong buhay na nangyayari kahit na peke lamang ang mga ito.

"B-bes, nandyan ka pa ba?" tanong n'ya.

"O-oo," sagot ko habang kinakapa siya.

Sobrang dilim ng paligid kaya hindi ko alam kung nasaan na siya. Nawala rin ang mga pagkakahawak n'ya saakin kanina ng may humigit sakaniya.

Tumingin ako sa paligid ko para hanapin siya at may naririnig na rin akong umiiyak na babae at humihingi ng tulong.

Mas lalong lumalakas ang iyak kahit na hindi naman ako naalis sa pwesto ko. Maya maya pa ay may biglang humawak sa balikat ko kaya napasigaw ako.

Hindi ako makagalaw sa pwesto ko at nakapikit na lamang ako. Nawala ang pagkakapit nito sa balikat ko kaya unti-unti kong minulat ang mga mata ko.

Pagmulat ng mga mata ko nakita ko ang isang babae na nakatabingi ang ulo, duguan ang mukha, umiiyak ng dugo, may saksak ng bubog sa leeg nakatingin sa mga mata ko at nakangiti ng pagkalaki-laki.

Humawak ang babae sa braso ko kaya napasigaw ako at tumakbo papalabas ng Horror House.

Wala na akong pakialam sa mga nabubunggo ko o naapakan. Ang pumasok lamang sa isip ko ay ang babaeng iyon habang nakangiti sa'kin.

Nang makalabas ako ay tumingin-tingin ako sa paligid dahil baka nasundan n'ya ako. Upang makasiguro ay umuwi na lamang ako sa amin.

Nang mahimasmasan ay saka ko lamang naisip ang bestfriend ko na naiwan sa loob ng Horror House kaya't agad ko itong tinawagan.

"Hello, bes! nasaan ka? sorry umuwi na'ko g*go hindi pala nakakatuwa ro'n! Hindi na mauulit!" mabilis kong sabi sakaniya pagkasagot ng tawag.

"Hi miss, I'm here," sagot ng kung sino sa tawag.

"G*go, Altea! Hindi nakakatuwa!" sigaw ko rito.

"Ha? ano bang sinasabi mo? Iniwan mo'ko rito sa loob buti na lamang nandito si Sebastian!" sigaw nito pabalik.

"Miss, I'm here," sabi ulit ng kung sino kaya't napalingon ako sa paligid.

Pagtingin ko sa likod ko nakita ko ulit ang babaeng nasa Horror House habang papalapit ng papalapit sa'kin kaya't napatulala ako at hindi malaman ang gagawin.

"Miss, you're next. Come here," sabi nito na nagpakawala ng malay ko.

Her Other Side (One Shot Stories)Where stories live. Discover now