CHAPTER 29

12 0 0
                                    

SI NICCOLO ang naglagay ng mga damit nila sa bag at lahat nang importanteng kakailanganin nila. Tahimik lang na nakamasid si Iris sa asawa na mabilis ang kilos at ayaw siyang pagalawin baka raw duguin na naman siya.


Kaya naman nakaupo lang siya sa gilid ng kama habang naglalagay ito ng mga gamit sa dalawang maleta.

Hindi pinapahalata ni Iris na kinakabahan siya sa gagawin nilang pag- alis. Something in the back of her mind doesn't want to leave the house. She wants to stay here. Pero alam din niyang hindi sila magiging ligtas dito pagkatapos nang mga nangyari.

Niccolo's enemy is getting desperate. And if staying in Temptation Island is the only way to help her husband, for him not to worry about her safety anymore, then she well stay there.

"- Iris."

Napakurap- kurap siya saka napatingin kay Niccolo. " You were saying?"

Ilang segundong nakatitig lang sa kaniya ang asawa bago siya nilapitan at maingat na hinila siya patayo saka masuyong niyakap. Kaagad din niyang ipinalibot ang mga braso sa katawan nito para yakapin din ito.

" Nag- aalala ka ba?" Tanong nito habang yakap siya.

Hindi siya nakaimik.

" Huwag kang mag- alala, hindi kita pababayaan." Anito na parang nangangako. " I will keep you safe, Iris. No matter what."

TEMP ISLAND 5: DMAMWhere stories live. Discover now