"- Tutto e pronto?" Everything ready? Narinig niyang tanong ni Niccolo kay Pletro habang papasok ito sa hapag- kainan.

" Si, Signor. Tutti sono in posizione come hai richiesto." Yes, Signor. Everyone is in position as you requested."

" Bene. Voglio che sia al sicuro." Good. I want her safe.

" Yes, Signor."

Kaagad na napalitan ang seryosong emosyon sa mukha ni Niccolo nang makita siya. Kaagad itong ngumiti at yumakap sa kaniya sana inangkin ang mga labi niya.


" Hmmm... ang bango ng asawa ko, ah." Komento nito saka humigpit ang yakap sa beywang niya.

Pabiro niya itong inirapan saka inalis ang braso nito sa beywang niya at pinaupo ito sa upuan. " Colazione e pronto. Mangia." Breakfast is ready. Eat.

Kumunot ang nuo nito sa kaniya nang tinabi niya ang pinggan niya at pinggan lang nito ang nilagyan niya nang pagkain.

" Hindi ka kakain?" Tanong nito.

Umiling siya. " Wala akong gana e. lkaw nalang. Saka papasok ako ngayon sa opisina. Madami akong pipirmahan do'n."

TEMP ISLAND 5: DMAMWhere stories live. Discover now