Mahal, Walang Iwanan... Hanggang kamatayan

Start from the beginning
                                    

"Sa tingin mo, iiwanan ko siya lalo na't alam kong may asong nag-hihintay na sunggaban siya at habol lang ng habol sa kanya!" Hinawakan ng mahigpit ni Bill si Ren kahit na nagpupumilit itong kumawala sa kanya. Gigil na gigil naman sa galit si Ren. Habang sina Prince, Neth at Lea naman ay pinilit papuntahin si Nathan sa isa pang kwarto. Mas mabilis lumamig ang ulo ni Nathan kumpara kay Ren kaya naman mas madali nila itong napaki-usapan. Habang sa isa pang kwarto naman pinapunta si Ren kasama si Bill at Ira. Hindi pa rin mapakali si Ren.

"Ate Ira, kailangan ko talagang makausap si Ara" Pagsusumamo ni Ren kay Ira.

"Alam mo kasi Ren, hindi ako ang mayhawak ng desisyon. Si Ara." Sagot ni Ira.

"Pero delikado talaga dito. Yung babaeng nakilala ko , kakaiba talaga siya. " Pagsisimulang kuwento ni Ren.

"Kakaiba talaga ang mga tao dito." Pagkukumento ni Ira.

"Pero iba ate. . . Ibang-iba. . Dahil hindi siya tao." -Ren

"Anong ibig mong sabihin?" Nagsimula na ngang makinig si Ira kay Ren.

"Nagulat ako nung bigla siyang nawala. Hawak niya ako pero nawala siya ng isang iglap ng marinig niya ang boses ni Ara." Nagsimula ng magkwento si Ren.

"Ano siya sa tingin mo?" Tanong ni Ira.

"Isa siyang. . Nawawalang kaluluwa." Nagsitayuan ang balahibo ni Ira

"Baka naman isa siyang kaluluwang may gusto sayo." May biglang naalala si Ira.

"Paano?" Naguguluhang tanong ni Ren.

"Alam mo kasi Ren, hmmm nung una akong dumating dito. May nakita akong isang litrato sa isa sa mga bahay dito. Gusto ko ngang itanong sayo kung may kapamilya ka ba dito dahil kamukhang kamukha mo yung lalaking nasa litrato pero imposible dahil ang pagkakaalam ko ang pamilya mo ay galing sa Amerika. Kaya ayokong magkaroon ng konklusyon. " Kwento ni Ira.

"Saan? Saan mo nakita?!" Hindi makapaniwala si Ren sa naririnig.

"Anong balak mo?" Tanong naman ni Ira.

"Patahimikin siya." Walang takot na sabi ni Ren.

"Pero Ren, delikado." Pagbabala ni Ira pero hindi iyon nakakumbinsi kay Ren.

Samantala, si Ara naman ay humarap sa salamin habang tinitignan ang sarili na luhaan. Pero may kung anong kakaiba ang pumasok sa kanyang katawang lupa. Nagbago ang kanyang pakiramdam. Ngumiti ang mukhang kanina'y malungkot. Lumabas siya ng kwarto. Nagulat naman sina Lea at Neth sa kanya dahil nakangiti lang ang dalaga.

"Ara?" Gulat na napatanong si Bill.

"Si Ren?" Tanong ni Ara.

"Huh? Umalis saglit babalik na din sila." Sagot naman ni Prince.

Pumunta si Ara sa harap ng bintana at tila matiyagang hinintay ang nobyo. Dumilim na at nakita niya ang mahal niyang nobyo kasama si Ira at isa pang hindi kilalang matandang babae pabalik sa kanilang bahay-bakasyunan.

Lumabas si Ara ngunit hinawakan siya sa kamay ni Nathan para pigilan.

"Minsan kailangan mo ring--" Napatigil si Nathan ng halikan siya ni Ara. Matapos nun ay ngumiti ang dalaga. Nawala naman sa harapan niya si Nathan ng suntukin ni Ren. Galit na galit na patuloy na sinusuntok ni Ren si Nathan. Nakatayo lang si Ara at pinagmamasdan ang dalawa. Nagulat si Ira ng makita niya ang kakaibang Ara.

"Umalis ka." Dikta ni Ira sa kakaibang Ara. Ngumiti lang ang dalaga. Isang mapanginsultong ngiti. Sinampal ni Ira si Ara. Napayuko si Ara at pagtingala ni Ara ay iba na ang kanyang mukha. Natumba si Ira. Biglang hinawakan ng matandang babae si Ara at nawalan na lamang ng malay ang dalaga.

Nagising siya ng punung-puno na lamang ng kandila sa paligid.

"Ara, kumapit ka lang." Bulong ni Ren. Hawak niya ang mga kamay nito.

"Mara, alam kong ikaw yan." Sabi ng matandang babae.

"Tumigil ka na. Matagal ng wala si Ben." Unti-unti ay nabuo ang kuwento ng dahil sa matandang babae. Kinwento niya kina Ren at Ira ang mga pangyayari matagal na panahon na ang nakakalipas.

Si Mara ay magandang dilag. Mayumi kung kumilos at maraming kalalakihan ang nabihag ng kanyang alindog pero iisang lalaki lang ang bumihag sa puso niya at iyon ay si Ben.

Isang makisig na anak ng haciendero. Ngunit binigo siya nito. Hinintay niya ng matagal ang binata sa kanilang tagpuan na mumunting paraiso sa ilalim ng puno. Matagal siya naghintay sa pangakong winasak lamang ang buong pagkatao niya. Bali-balitang umalis na si Ben sa Sitio kasama ang isang mayamang dilag papunta sa Amerika. Labis na nasaktan si Mara ngunit nagpakamartyr pa rin ito. Hinihintay niya pa rin at binabalik-balikan ang isang pangako ng pag-iibigan. Ngunit isang araw ay natagpuan na lamang ang bangkay ni Mara sa ilog at napagalamang siya'y ginahasa rin doon mismo. Ang larawan na nakita ni Ira ay larawan ng lolo ni Ren sa tahanan ni Mara.

"Ren. . . Ren. . Ren!" Napaluha na lamang si Ara habang sinisigaw ang pangalan ni Ren.

"Walang iwanan di ba?" Umaasang sasagutin ni Ren ang pangako niya sa kanya.

Gulat ang lahat sa mga pangyayari.

"Patawad. Nabigo ko kayo." Wika ng matandang babae.

"Hindi . . Hindi . . Buhay siya di ba? Natutulog lang si Ren. Di ba ate Ira? Prince? Bill? Lea? Neth? Nathan?" Napahagulgol lang sina Neth at Lea.

Sumuko si Ren para kay Ara. . .

Ilang linggo na ang nakakalipas ng sa di malamang dahilan ay huminto ang tibok ng puso ni Ren kay Ara.

"Kumain ka naman." Nilapagan muli ni Nathan si Ara ng makakain. Tumayo si Ara mula sa pagkakahiga at pumunta sa harap ng bintana. Hindi na naman pinansin ang binatang si Nathan. Muli ay ginawa niya naman ang araw-araw niyang gawain.

Sa bintana matagal na naghihintay ang dalaga sa nobyo nito. Napangiti ang dalaga dahil ramdam niya ang yakap ng binata mula sa likuran.

"Mahal." Wika ng dalaga.

Umihip ang malakas na hangin na para bagang humahalik sa kanyang leeg.

'Walang Iwanan . . Hanggang kamatayan.'

Mahal (One Shot Story)Where stories live. Discover now