Lesson 14: Real Eyes

18.9K 364 50
                                    

Lesson 14: Real Eyes

XIMON’s POV

~Where do broken hearts go

Would they find their way home

Back to the open arms

Of a love that’s waiting there

And if somebody loves you

Would they always love you

I look in your eyes and

I know that you still care for me~

Nakatingin lang ako sa nakapikit na si Faye hanggang sa matapos ang kanta ng Kuya niya.

I still care Faye. Hindi ko man nagawang ibalik yung pagmamahal na binigay mo sakin, I’ll always care dahil kaibigan kita.

“Saan nga ba mapupunta ang puso ko?” –Faye

Naaawa ako kay Faye dahil sa itsura niyang nakikita ko ngayon sa harapan ko. Ibang iba na ang mata niyang puno ng kasiglahan noon, sa mata niyang puro kalungkutan nalang ngayon.

“Faye...”

Kasalanan ko ba? Kasalanan ba ni Charmaine? Kasalanan ba namin? Pwede mo bang sabihin?

Gusto ko ulit makita yung makulit na Faye. Gusto ko ulit kumain ng Ice cream kasama ka. Gusto ko ulit mag-aral kasama ka. Kaso, yung mga yun, ay para sa kaibigan lang talaga. Sorry Faye, iba ang tinibok ng puso ko.

Alam kong mahahanap mo rin yung sayo, at susubukan kong ayusin ang lahat sa pagitan natin habang hinihintay mo siya.

“Salamat po! Salamat po sa inyong lahat ng nandito! Hello pala sa magandang maganda kong Baby Girl, ang aking kapatid na si Faye! Hello Baby Girl! At sa kaibigan niyang si Ximon, hi bro! Salamat pong ulit sa pakikinig! Kami po ang The Penguins! Goodnight!”

Nag-bow na sila at bumaba na ng Stage. Tumakbo si Faye papunta sa kuya niya, kaya sinundan ko siya ulit.

Tumulong kami sa pagliligpit ng mga instruments nila at sa paglalagay nito sa sasakyan. Nagpaalam na yung mga kabanda ng Kuya niya na mauuna ng umuwi. Ako naman, sumama pa rin ako kela Faye.

“Sinong kasama mo dito? Hindi ka naman nagsabi na maglu-Luneta ka pala.” –Jian

“Biglaang lakad lang din Kuya. Kasama ko sila Stacey, Homer, at Kush. Atsaka itong si Ximon.”

“Ganun? May pagkain kayo dun? Hindi pa ko nagdi-dinner Baby Girl eh.”

“Kami nga rin eh. Hindi pa ko nakakabalik dun sa kanila simula nung umalis kami ni Stacey at iniwan yung dalawang mag-jowa.”

“Hoy, maga nanaman yang mata mo ah, hindi na talaga nakakatuwa yan Baby Girl.”

Yumuko si Faye ay nag-sorry kay Jian.

Pumunta kami sa kung saan nakapwesto sila Faye sa Park.

“Uy! Si Jian at si-- Ximon!” –Homer

Pinaupo nila kami at pinaghanda ng pagkain. Sabay sabay kaming kumain nila Faye at Jian. At pagkatapos ay nagpahinga lang saglit at umuwi na.

“Mauna na kayo Homer.” –Faye

“Sure ka?” –Homer

“Oo naman. Kasabay ko na si Kuya oh. Haha!”

“Eh kayo? Pano kayo?” Tanong nila sa amin ni Stacey.

“Dun muna ko makikitulog kela Tita, sabay na kami ni Insan.” Sabi ko.

The Art Of PanlolokoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon