Simula

26 2 0
                                    

Simula

xMaligaya©January 2022
Trigger Warning!

ISA, dalawa at tatlong hakbang papalayo ng taong mahal ko. Naging apat, lima, anim hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.

Ni hindi niya ako nilingon, ni hindi niya pinahid ang mga luhang naglandas sa magkabilang pisngi ko kagaya ng ginawa niya noon.

Rumagasa ang lawa ng luha sa aking magkabilang-pisngi habang dinaramdam ang masakit at matinding pagsikdo ng aking puso na hanggang ngayon ay gusto pa ring tumutol sa kaniyang naging desisyon.

Wala. Nawala na ang init at lambing sa kaniyang mga pagtingin. Wala na. Nawala na sa akin ang lalaking pinag-alayan ko ng lahat-lahat sa akin.

"For the past three years, I've been a good wife." Bumuntonghininga ako ng malakas habang ang aking mga labi ay nanginginig, pinipilit ang sariling huwag magpatangay sa sidhi ng aking nararamdaman.

Ramdam ko ang unti-unting pagkabasag ng aking buong pagkatao at mula sa pira-piraso'y naririnig ko ang paghikbi ng aking puso.

Para akong mababaliw, ni hindi ko kayang ihakbang ang aking mga paa kagaya ng kaniyang ginagawa dahil umaasa pa rin akong babalik siya. Babalik siya sa akin at sasabihin niyang nagkamali lang siya at nalito ng sandali.

Nagpalinga-linga ako sa paligid, pinagmasdan ang mga tao sa tabi ng kalsada na nakasaksi kung paano niya itapon ang tatlong taon naming pagsasama bilang mag-asawa.

Ang iba ay naaawa at mukhang nakikisimpatya, ngunit may iba rin na pinagdududahan ako.

"Baby, please. Bumalik ka na," bulong ko sa hangin sa gitna ng aking mabibigat na paghinga.

Matagal akong nakatayo at nakabilad sa araw, hinihintay pa rin ang kaniyang presensya. Pero hindi. Ni anino niya'y hindi ko man lang nakita.

"Sa loob ng tatlong taon, nagbulag-bulagan ako. Sa loob ng. . . sa loob ng tatlong taon, nag. . . n-nagbingi-bingihan ako dahil mahal kita," humihikbi kong saad kasabay ng pagsikip ng aking dibdib.

Sa tatlong taon na pagsasama naming dalawa, harap-harapan akong niloko at. . . pumayag ako. Pinabayaan ko lang at tinanggap kong may kahati ako.

Pero ngayon. . . Ngayong mga oras na ito, sigurado akong masayang-masayang-masaya na ang babaeng iyon, dahil wala na siyang kaagaw sa lalaking pinag-alayan ko ng buong buhay ko.

Mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal pero bakit niya nagagawa sa akin ang bagay na ito, na para bang ni minsan ay hindi ako ang tinibok ng kaniyang puso?

Bakit nakuha niya akong lokohin? Ibinigay ko ang lahat. Ang puso ko, ang buhay ko, ang katawan ko at naging sunod-sunuran ako, kaya saan ako nagkulang?

Nalilito ako. Naiinis ako. Nagagalit ako't nababaliw sa kaiisip kung saan ako nagkamali?

"Ako dapat ang nasa tabi mo. Dapat ako iyon pero bakit siya ang pinili mo?" mapait kong tanong bago marahas na pinunasan ang aking mga pisngi.

"Bakit hindi ako? Bakit hindi na lang ako ulit? Minahal mo naman ako noon, e." Tumawa ako ng mahina kahit na ang gusto ko ay isigaw ang kirot at hapding aking nararamdaman.

I was bursting in tears while chuckling before I decided to slowly turned around and walked away. Hindi ko alam kung paano ko napagsabay ang pagtawa at pag-iyak ko dahil isa lang ang maliwanag sa akin ngayon. . .

Mag-isa na lang ako. Gigising, kakain at matutulog akong mag-isa.

Isa. Dalawa. Tatlo.

Isa. Dalawa. Tatlong hakbang papalayo sa taong mahal ko. Isa. Dalawa. Tatlo pang hakbang papalayo sa buhay ko. Binilang ko ng binilang ang aking mga hakbang, iyon ang aking pinagkaabalahan upang hindi ko madama ang pagguho ng itinayo kong mundo.

ReclaimedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon