Sinabihan ako ni Ate na sundan lang siya. Mabibigat ang mga hakbang ko habang paakyat kami ng hagdan.

Kaya ko bang makita ang urn na kinalalagyan ni Mika? Gayung kani-kanina lang ay handang handa na nga akong sundan siya sa kabilang buhay.

Natigil ako sa pag-iisip nang huminto kami sa harap ng isang kwarto.

Kaya ko ba?

"Mauna kang pumasok, Ara." ani Ate Aereen saka bahagyang binuksan ang pintuan.

Kusa na akong dinala ng mga paa ko sa loob ng kwarto.

At halos tumigil ang paghinga ko sa nakita.

It was her.

But not as what I have imagined a few seconds ago.

My Mika.

Nakahiga siya sa kama at tila mahimbing na natutulog.

"M-Mika..." di na ako nakapagpigil pa at tumakbo papunta sa kama saka lumuhod sa tabi niya. "Baby.."

Hinawakan ko ang malambot niyang kamay at hinalikan iyon.

Hindi man lang nagbago ang itsura niya, parang katulad pa rin nang una ko siyang nakita nung college.. at nung huli ko siyang nakita, ngunit wala nang mga dugo ngayon, payapa lang siyang nakapikit habang may nakakabit na life support sa kanya.

"Sana hindi sumama ang loob mo sa pamilya't mga kaibigan niyo ni Mika. It was our family's idea na wag nang ipaalala sa'yo."

Napatingin ako kay Ate nang magsalita siya.

"You knew my Mom and Dad. Kahit pa hinayaan nila kayo ni Mika sa relasyon niyo ay hindi pa rin sila sang-ayon dito. Nung naaksidente kayo, they made sure na hindi madadawit ang pangalan ng kapatid ko, that explains kung bakit ikaw lang ang pinalabas na sakay ng kotse. They even made sure na di na kumalat ang balita."

Nagpahid ng luha si Ate Aereen habang patuloy sa pagkwento. "After two weeks, sa kabila ng kalagayan ni Mika ay isinama nila siya sa Canada. They cut all her connections here. Akala ng mga kaibigan niyo ay pinaputol na namin ang life support niya roon. Mom and Dad thought Mika could start anew once na nagising siya dun.  Almost two years kaming tumira dun, nauna kaming umuwi ni Perry dito a few months ago. And then recently, sumunod rin sila dito. They've decided to cut her life support dahil wala na daw talagang pag-asa, gaya ng paulit-ulit na sinabi ng doktor for the past two years."

Parang dinurog nang paulit-ulit ang puso ko sa sinabi niya. 'Wala nang pag-asa'. Kaya ba nakita ko ang kaluluwa niya?

"T-There must be a-another way.." kung kanina ay parang namanhid ako nang makita si Mika, ngayon naman ay parang bumuhos na ang lahat ng emosyon ko nang mag-sink in sakin ang sinabi ni Ate. Wala nang tigil sa pagdaloy ang mga luha ko."B-Baby, nandito na ko oh. M-Miss na miss na k-kita."

Dumukwang ako para halikan siya sa noo. "I-I love you so much, Mika. D-Dito lang ako sa tabi mo. H-Hinding-hindi na ulit tayo m-magkakalayo pa ulit. D-Di na ko p-papayag na ilayo ka nila sakin. Di na ko papayag, baby."

"Aereen?! Ano ‘to?"

Pareho kaming napatingin ni Ate sa pintuan. Gulat na nakatayo roon sina Tito Manuel at Tita Baby na napatakip pa ng bibig niya nang makita ako.

Tumayo si Ate Aereen at nagsalita. "Dad, naniniwala akong gigising pa si Mika. Dinala ko rito ang taong mahal niya."

Nasapo ni Tito Manuel ang noo niya. "You heard the doctor, hija. Brain dead na ang kapatid mo. Sana kasi noon pa tayo nakinig..."

"Ano? Para sana noon pa ninyo napatigil ang life support ng kapatid ko?"

"Aereen, makinig ka samin. We need to let go of Mika. She needs to rest na, anak." naluluhang paliwanag ni Tita Baby.

Let go? No! Di ako papayag!

Nasa harap ko na ulet si Mika. Nahahawakan ko na siya.

She slipped away from me twice at di ako papayag na maulit pa yun! I was about to protest nang maunahan ako ni Ate sa pagsalita.

"Muntikan ko nang mabangga si Vic kanina sa kalsada. That's how I found her. Don't you think may dahilan kung bakit sa tagal ng paghahanap ko sa kanya ay ngayon ko lang siya nakita? Don't you think na may dahilan bakit dalawang taon nating hindi mabitiwan si Mika?"

"Stop it, Aereen! Stop this non--"

"No Dad. Listen to me." matigas na sabi ni Ate Aereen. "Haven't you heard about miracles?"

As if on cue, I felt it.

Her hand.

It moved.

"Baby.." maingat kong hinaplos ang pisngi niya. "B-Baby, naririnig mo ba ko? N-Nandito kami."

"W-What happened?" tanong ni Tita Baby saka agad na lumapit kay Mika.

"G-Gumalaw yung kamay niya." sagot ko habang hindi inaalis ang tingin kay Mika. Mas hinigpitan ko pa ang paghawak sa kamay niya at hinalikan isa-isa ang mga daliri niya. "Babe.."

"Are you sure?" gulat na tanong ni Tito.

"O-Opo."

Nabuhayan ako ng pag-asa. Sigurado ako sa naramdaman ko. Hindi ako maaaring magkamali.

Nagsimula na rin sina Tita at Ate na kausapin si Mika. Umiiyak na rin sila habang nagsasalita. Si Tito naman ay di pa rin makapaniwala.

Then something happened.

Unti-unting bumukas ang mga mata ni Mika.

-----------
Thanks for Reading:)
-----------

AN: I'll post the Epilogue po maybe sa weekend, basta next month. Super busy kasi this week sa school:)) Maraming salamat:))

LOVE Over MATTER (Mika Reyes - Ara Galang)Where stories live. Discover now