I wish I could answer 'yes' pero.. "No, hindi kami. Ganito lang talaga kami sa isa't isa. Nakasanayan na eh. Haha."

Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha ng dalawa nang magpaalam sila sa amin. Nagulat naman ako nang bigla akong yakapin ni Mika ng mahigpit.

Naramdaman kong humihikbi na siya kaya hinagod ko na lang ang likod niya saka inalo siya. "Baby, tama na yan. Napag-usapan na natin 'to di ba?"

I don't want to talk about the issue. Mas lalo lang kasing nalulungkot si Mika tuwing naiisip niya ang sitwasyon. Kaya ko naman magtiis eh, I can live with it as long as hindi siya mawawala sakin.

"Hindi ko maintindihan sina Daddy." her voice was muffled pero naiintindihan ko pa rin ang sinasabi niya. "Bakit di pa rin nila tayo tanggap? Hindi ba nila nakikita na dito tayo masaya?"

"Ssshhhh.." Lumayo ako ng kunti upang makita ang mukha niya. Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang kamay ko saka kinulong ang mukha niya sa pagitan ng mga ito. "Someday they'll understand us. Makikita rin nila ang nakikita natin sa isa't isa. By that time, hindi na tayo kailangan pang magtago sa buong mundo. Kapit lang tayo babe ha?"

Tumango-tango siya saka niyakap ulet ako. Ibinaon ko lang ang mukha ko sa leeg niya at bumulong sa kanyang tenga.

"I love you so much, baby."

-------------

"Mom, we already talked about this.. yeah I know.. I have to go may dinner pa kami ni Ara.. Bye."

Tatawagin ko na sana si Mika para makaalis na kami pero naabutan ko siyang kausap ang Mama niya sa cellphone. Pagkatapos niyang magpaalam dito ay dahan-dahan ko siyang nilapitan at niyakap mula sa likuran.

Naramdaman kong napabuntong-hininga siya kaya nag-alala ako. "Baby, what's wrong?"

"I'm sorry.." Kumalas siya sa pagkakayakap ko saka humarap sakin. "Pasensya ka na kung wala na kong oras sayo these past few days, di ko kasi maiwan yung resort dahil nasa Malyasia pa sina Kuya, di ko na tuloy napapanuod ang mga laro mo, di na rin tayo masyadong nagkikita."

I smiled at her saka pinisil ang ilong niya. "Okay lang yun sakin. Ang importante magkasama pa rin tayo ngayon. Alam mo bang miss na miss na kita? Payakap nga ulet."

Natawa na lang si Mika ng yakapin ko siya ulet nang mahigpit.

"Babe, makikitulog muna ako dito sa condo mo ha?" bulong niya.

"Talaga? Paano ba yan magulo yung guest room kaya mapipilitan kang matulog sa kwarto ko... nang katabi ako." sabi ko sabay ngiti nang nakakaloko.

She laughed then mahinang tinapik ang pisngi ko. "Ikaw ha. Madumi yang laman ng utak mo haha."

-------------

Nakahilata lang ako sa kama ko nang tawagan ako nina Kim at inayang gumala.

"Ayoko nga. Tinatamad ako." matamlay na sagot ko kay Kim sa kabilang linya.

"Kita mo 'to, umalis lang si Mika naging KJ na."

"Eh pagod nga ko. Minsan na nga lang ako makapagpahinga." pero sa totoo lang, wala talaga akong gana. Kaninang umaga ang flight ni Mika kasama ang Ate niya at hindi ko man lang siya naihatid sa airport kasi may driver naman daw sila.

Nanuod na lang ako ng T.V pero kalaunan ay nakatulog rin ako. Nagising na lang ako nang biglang may dumagan sakin.

"Babe?!" bulalas ko nang ang nakangiting mukha ng girlfriend ko ang bumungad sakin pagdilat ng aking mga mata.

LOVE Over MATTER (Mika Reyes - Ara Galang)Where stories live. Discover now