Profundo

12 2 35
                                    

Hi! I'm Athena. It's been years since my last relationship ended. Honestly I've already moved on with that one. And I'm currently in love with someone. That someone is really special to me. But it turns out that it's a one sided love.

Nakasarado na ang pinto sa puso ko pagkatapos non. Wala ng balak na papasukin ang iba. But it's open, only to one person. Alam ko namang desperada na yun pero masama bang umasa pa rin? Malay mo naman kasi magkatotoo yung napapanaginipan ko lang.

Tahimik lang ang buhay ko araw araw. Walang bagong nangyayari. Minsan iniisip ko na lang na hindi lang ako ang nag-iisang tao na bored na bored na sa buhay.

"Athena babi!! I've got something to tell you!!"

Agad na napukaw ni Rye ang atensyon ko. She's my best friend. She's super energetic but only with me. Ano pa ba namang aasahan sa aming mga introvert? We're best friends and we're both introvert. I don't know how we became friends but it just happened.

"Ano yun?"

"Here it is!!"

May pinakita syang picture sa akin ng lalaki. And it was a picture of our friend, Jet. Nangunot ang noo ko at hinihintay na may sabihin syang muli.

"Crush ko."

Sabi nya kaya natawa ako. Alam ko namang hindi yun totoo pero sinakyan ko naman ang biro nya.

"Wow!! Grabe ang gwapo naman po ng crush mo."

Ngumiti naman sya at umaktong kilig na kilig. Dahil don ay mas lalo akong natawa.

"Ihhh!! Wag mo nga kong pakiligin HAHAHAHA."

Kilig na kilig sya habang ako ay tumatawa lang at sinasakyan ang trip nya. "Oh kalma si Jet lang yan."

Nakita ko namang parang nagningning ang mga mata nya ng mabanggit ang pangalan ni Jet.

"May sasabihin pa ako sayo." excited na sabi nya kaya hinintay ko lang sya na magsalita.

"So it started in November. Tapos sabi ko hindi pa ako pwede then sabi nya maghihintay daw sya."

Tumango tango lang ako habang sinasabi nya yun. Iniisip ko rin kung sino ang tinutukoy nya. Wala naman kasi syang nabanggit na nanliligaw sa kanya.

"I didn't tell you because you know. I want it to be lowkey."

Hinintay ko lang na ituloy nya ang sasabihin nya dahil hindi ko talaga malaman kung sino ang binanggit nya.

"Hindi pa naman kami. Parang mutual lang ganon. Kasi nga hindi pa ako pwede. Magwa-wait daw sya."

Mas lalo akong napaisip dahil sa sinabi nya. We were just talking about Jet tapos napunta kami sa ganito.

"It's up to him naman kung hanggang kailan sya magwa-wait." humagikhik pa sya, "Ako naman yung unang nagkagusto."

Wait nagkagusto? Kanino? Bakit hindi nagsasabi to.

"Hoy sino?" gulat na tanong ko.

"Anooo."

Pinanlakihan ko sya ng mata. Anong ano? Natural yung pinag-uusapan diba?

"Yung guy."

Tama ba yung iniisip ko? Sya ba?

"Si Jet!" sabi naman nya. Nasundan pa yung ng malakas na tawa. "Akala ko naman alam mo."

"Akala ko kasi nagbibiro ka lang." gulat na sabi ko. Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa sinabi nya. "Gagi, I'm so shocked!!"

Napasigaw na lang ako at nagpipigil ng kilig na hindi ko alam kung saan nanggaling.

Profundo (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon