Napakadilim. Wala akong makita. Nababalot ng takot ang aking katawan. Tumatakbo ako palayo pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. Parang walang dulo. Hinihingal na ako. Gusto ko ng tumigil sa pagtakbo pero natatakot akong huminto. Sino ka? Bakit moko hinahabol? Ano ang kailangan mo sa akin.
"Zoeeee" malakas na tawag ni mama.
"Malalate ka na. Tignan mo nga kung anong petsa na. Anong oras ka na naman ba natulog kagabi, ha? Siguro naglaro ka na naman magdamag ano?"
Nakatulala lang ako habang sinesermonan ni mama. Iniisip ko parin ang panaginip ko.
"Kelan ka ba magtatanda anak. Unang araw to ng klase mo."
"Opo, Ma. Maliligo na po ako"
Dali dali akong bumaba at inihanda ang mga kailangan ko. "Rosita" Napalingon ako sa isang boses na aking narinig. Naalala ko ang panaginip na araw araw ko na lamang napapanaginipan. Sino ka Rosita.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dali daling bumaba si Zoe sa bus na sinasakyan. As usual late na naman sya. Kung kelan naman malapit na ang bahay nya sa school doon pa sya palaging late. Kumaripas siya ng makita iyang isasara na ng guard ang gate ng school.
"Kuya!!" sigaw ni Zoe. "Sandali lang please please papasukin nyo po ako." pagmamakaawa nya kay manong guard.
"Hindi pwede, alam mo ma bang 7:30 dapat nakasara na lahat ng gate? Mag-aalsotso na nga eh"
"Eh kuya ano po kasi... ah bago po ako dito. First day ko po ngayon." katwiran niya. Tinitigan sya ng malansa ng security gurad na tila ba kinikilatis siya.
"Ganun ba? Ngayon nga lang din kita nakita dito." Binuksan ng gurd ang gate at dali dali itong isinira ng subuking pumasok ng ilang estudyanteng na late din kagaya ni Zoe.
"Oh dali pasok."
"Thank you po kuya."
