Chapter 32: Pahinga

Start from the beginning
                                    

"Si s-sam po ate" natatakot ako sa pwedeng maging reaksyon nya pero ayokong mas masaktan pa sya kung mag sisinungaling ako.

Tumayo sya at akmang lalabas na ng kwarto ko.

"Ate-"

"Mag papahinga na ko, matulog ka na rin." malamig na tonong sahot nito sakin..

Di ko na ito masyadong inisip. Bukas.. Bukas ko kakausapin si ate abby. Kelangan ko lang naman mag paliwanag.

But..

How's gabb nga ba? Ano kaya ginagawa nya, this past few weeks di ko pa sya masyadong nakikita. Bukas ko na lang sya kakausapin, pagod na talaga ako.

Kinabukasan..

"Ate?" tawag ko kay ate abby habang pababa ng hagdan.

Nakita ko syang bihis, at nag aayos ng damit na suot nya.

"Kumain ka na dyan, sumunod ka na lang din sa bahay nila sheki. Pinapapunta tayo ni Alice." malamig nyang saad sabay bukas ng pintuan.

"Kain ka muna ate." saad ko.

"Tapos na'ko" saad nya saka sya dumiretso paalis.

Bat nakakaramdam ako ng guilt?



Abby's POV

Bago ako pumunta kela sheki, dumaan muna ako sa bahay nila brei. Sabi kase ni sela andito si gabb eh.

Knock Knock..

"Oh ate abby?" bungad ni Lara.

"Si gabb?" tanong ko sabay sulyap sa loob.

"Asa dining room ate, nag kakape kasama si brei." sagot ni Lara at saka ako pinapasok sa loob.

"Salamat" sabi ko kay Lara.

"Ate, napadalaw ka?" bungad ni brei, napatingin naman ako kay gabb dahil nakutalala lang ito sa kape nya at matagal bago sya tumingin sakin.

"Gabb mag usap tayo." panimula ko.

"Ah brei tara sa kwarto." aya ni Lara.

"Hoy Lara mae anong gagawin mo sakin?!" natatakot sabay maangas nyang tanong.

"Gaga, mag ayos ka na. Pupunta tayo kela sheki." sumama naman si brei at nag thank you naman ako kay lara.

"Gabb ayos lang ba kayo?" tanong ko.

"Nino?" matipid nyang sagot.

"Ni coco, bat di mo sya sinamahan kahapon?" tanong kong muli.

"Ate naman, ano gagawin ko dun? Third wheel?" saad nya at bahagyang napilitang tumawa.

"I told you, wag kang aalis sa sabi nya." medyo may awtoridad kong saad.

"Sya yung lumalayo." tumayo ito at pumasok sa kabilang kwarto.

Inintay ko na lang silang 3 para sabay sabay na kami pumunta kela sheki.

Meet up place..

"Oh natagalan ata kayo?" bungad ni sheki.

"Ah traffic eh" sagot ko, maybe di kame natagalan sa traffic pero I mean yes traffic naman but mas natagalan kami dahil din sa tagal ni gabb sa kwarto.

Kahit di nya sabihin alam ko namang nag inom pa ito ngayong umaga, nung pumasok sya sa kwarto nya nag taka na lang kami na napaka tagal nya mag ayos. Tinawag namin sya para sabihing aalis na, lumabas naman sya kita ko sa mukha nya ang pagkapula na dulot ng alak malamang. Amoy ko din sa kanya kanina nung sumakay na kami sa sasakyan.

Napatigil ako sa pag iisip ng biglang may dumating na kotse. Iniluwa nito si sam at derederestong pinag buksan ng pinto si coleen. Mag kasama pa talaga.

Napatingin ako kay gabb, napakaseryoso ng mukha nya. Ramdam ko naman sakit neto, pero bat wala akong gawin?

Sa totoo lang naman ayoko kay sam simula nung unang pagpapakilala sya ni coco sa amin. Saka iniwan nya noon si coco and now babalik sya ng ganon ganon na lang. Bat ba wala akong magawa, ni ako di maka kilos sa pwesto ko. Di ko maisip ang gagawin ko.

Bigla naman hinawakan ni Sela ang kamay ko at pinisil ito. Tumingin ako sa kanya at nginitian ito.

"Sunduin na lang kita mamaya." saad ni sam at bumeso na kay coleen. Sumakay na ito sa sasakyan nya at pinaharurot.

"Hi mga ate!!" masiglang bati ni coco, natuwa naman ang iba pero seryoso parin ang pustura namin ni gabb at brei, may alam siguro si brei about dito. Nag kakasiyahan silang nag kamustahan ng biglang pumasok na lang sa loob si gabb. Ako lang siguro ang naka pansin kaya agad ko itong sinundan.

Nakita ko syang may hinahanap sa ref ni alice. Sinarado nya ang pinto ng ref at tumayo ng tuwid dala dala ang isang can ng beer.

"Mag kakaganyan ka lang para don?" nag salita habang nakatalikod sya kaya siguro bahagya itong nagulat.

"Ate?" inosenteng tanong nito na kala mo'y hindi alam ang pinupunto ko.

"Gabb halika ka nga, sunod ka." saad ko. Deresto lang ako papunta sa pool nila alice. Tinext ko naman si sela na andito lang kami sa may pool area.

"Ok ka lang?" panimula ko nang umupo sya sa tabi ko.

Umiling sya at tumitig sa mga ulap sabay inom sa hawak nyang beer. Iniintay ko lang na ilabas nya lahat ng sama ng loob nya. Makikinig ako.

"Oh ano to, kayo kayo lang?" napalingon naman kami sa nag salita sa likod. Nakita namin si Alice at Lara.

"Nubayan epal kayo, nag uusap kami eh." iritadong sagot ko.

"So ano chika nyo, wag kang maarte abelaine ha sasapukin kita." saad ni alice kaya napatawa na lang ako.

Lumublob si Alice at Lara sa pool sabay harutan, kukulit ng potek.

"Ate, sila?" biglang salita ni gabb at sabay sabay kaming napatingin sa kanya.

"Ahhh wala, umalis. Shopping daw, nag aya si Sela eh." paliwanag ni alice, Sela knows. I really love this girl so much.

"Ate bat ganon?" panimula muli ni gabb, nanahimik naman kaming tatlo at sabay sabay nag hintay sa susunod niting sasabihin.

"I feel wasted everyday. I mean yes, wasted naman talaga ako sa mga pinagagagawa ko, but my soul. Di ko mafeel na buhay ako. Di ko feel na nararapat ako dito." paliwanag nya sabay lagok sa alak nyang dala dala.

"Gabb kung nag kakaganyan ka dahil kay coco. Wag mo ituloy. Dapat pinapasaya mo sya, pati narin ang sarili mo. You need to be strong talaga kung ipaglalaba-

napatigil na lang ako ng putulin nito ang sinasabi ko.

"That's the point ate, pano ko nga ba sya ipaglalaban kung sya mismo umiiwas sakin. Saka ate di lang naman sya iniisip ko. I have my fam problems. Di ko na alam uunahin ko." napasabunot ito sa buhok nya hang umiiyak ng tahimik.

Bat di ko na isip yon? Masyado ko bang iniisip yung about sa kanila ni coco kaya di ko na isip na may personal problems din ito? Gulung gulo na ako.

"Family problem?" tanong ni Lara.

"Ate tara walwal?" biglang ngiti ni gabb, sa mga ngiti nyang yan nakikita ko parin yung sakit. Tumayo ito at akmang aalis.

"Answer me." biglang saad ni Lara. Nilingon kami ni gabb at saka nang salita.

"Mamaya ko ikkwento, tara tawagan na natin sila ate ecka." ngumiti itong muli at dumiresto sa sofa.

______________________________________

pocky_6363 gusto mo ba?




ghoster na ba ko sa lagay na to?

Revenges And GamesWhere stories live. Discover now