Tatlong taon na ang lumipas, maraming nagbago kay Mishael. Bukod sa nagpapagamot na siya at maayos na ang kalagayan niya, hindi narin siya masyadong cold sakin at sa mga tao sa paligid niya kagaya noon. Tahimik parin siya at di mo mahula ang iniisip niya, pero mas magaan na siyang kasama. Matagal ko na siyang naging boyfriend. Tatlong taon na din.

Nagbuntong hininga ako habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Anong nasa isip mo?" tanong bigla ni Mishael. 

"Hmm. Wala lang..." Ngiti ko at bumaling ako sa kalsada. "Naisip ko lang kasi na ang bilis ng panahon. 26 na si Dishon, siya ang pinaka-unang nakatungtong sa edad na yan sa kanilang barkada. Moses is 23, Jahziel is 24. Tsaka si Kuya Jahleel 27 narin."

Sa barkada kasi nina Kuya, they're not all from the same batch. Dishon is the eldest, two years older siya kay Kuya Jahz. Kaya lamang siya nanatili sa eskwelahan ng matagal dati ay dahil lagi siyang nag ooff-sem para sa mga business trip na pinapapunta ng dad ni Dishon sa kanya, kaya matagal siyang nakapatapos sa kurso niyang entrep. Besides, he was already handling the business na kaya hindi siya nastress sa kanyang future kahit wala man siyang diploma.

Moses is the youngest, 23. Though I think he's still in school right now for a second course. He graduated engineering just recently, ngayon ay nagpatuloy siya sa kurso na nagrerelate sa business. 

"You're still 22. Age is not yet a problem for you. Don't worry." Umangat ang isang gilid ng kanyang labi at niliko niya ang kotse. Di ko maiwasang mapansin ang perpekto niyang panga at ang perpektong hugis ng kanyang ilong.

"Hmm.. You're right. Ikaw malapit ka naring mamomroblema sa edad kasi 23 ka na. Mas matanda ka pa sakin at kahit anong gawin mo ay mas una ka talagang tumungtong ng 30 kaysa sakin." Tawa ko.

Tumaas lang ang isang kilay niya nang sumulyap siya sakin at tumawa naman din siya ng konti nang umiiling siya't bumaling sa kalsada.

It's always nice to see him smile and laugh like this. Tuwing naaalala kong muntik na siyang sumuko sa kanyang buhay noon ay gumagaan ang loob ko tuwing nakikita ko siyang maayos na ngayon. It was... at least worth it after all.. that I chose to be with him.

Ugh. Seriously, Athalia? Tatlong taon.. at inaalala mo parin yung lahat ng nangyari dati?

Umiling ako at nilipat ko na lang ang atensyon ko sa panonood sa labas ng bintana.

****

"Ang daming tao." Nasabi ko na lang nang nakapunta na kami sa entrance. Hindi biro. Ang daming tao talaga. Syempre, panganay na anak ng nagmamay-ari ng Le Teves Hotel ang Properties ang may birthday. May nakikita pa akong mga politicians, mga kilalang tao, mga artista.

Naramdaman ko ang pagpisil ni Mishael sa aking kamay habang nakatayo siya sa tabi ko. Nakasunod kaming dalawa sa aking kapatid na hawak ang kamay ng best friend ko. Sina Jahziel at Rickzyn.

Kuya Jahziel wore a stunning silver and navy blue tux, and Rickzyn looked amazing in her little silver dress. Ako naman ay nakasuot ng kulay itim na dress at pumps na bumagay sa aking suot na golden jewelry. Nakapusod ng maayos ang aking buhok.

Tumingin ako kay Mishael. He looked even more dashing than any other man in the room. Nakasimpleng dark blue long sleeve polo siya na nakatupi sa may braso, light beached denim jeans at brown leather shoes. Ngumuso ako. Effortless talaga siyang manamit. At kahit simple lang ang suot niya ay bagay na bagay pa din sa kanya.

"Guys!" Nang makapasok na kami sa malawak at malamig na reception hall ng Le Teves ay tuwang-tuwa kaming sinalubong ni Dishon. Naka-all grey tux siya at kitang-kita ang perpekto at malaking hubog ng kanyang pangangatawan. He still looks like the devious playboy he'll always will be.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Where stories live. Discover now