I’m now 5 months pregnant. Medyo malaki na nga ang tiyan ko at halata na ito kaya nagd-dress na ako. Hindi na din ako nagsusuot ng bra kapag nandito ako sa bahay namin. Medyo kumakati ang nipple ko at saka lumalaki siya.

Speaking of bahay namin, nagulat ako last month dahil dinala kami ni Yosef dito sa malaking bahay na halatang bago. Matagal na pala niya itong pinagawa at tinago lang sa akin. Sobrang nagulat nga ako at hindi ko iyon nahalata kaya pala madalas siyang umaalis.

Nasa firm si Yosef ngayon at si Yaakov at ilang mga kasambahay ang kasama ko dito sa bahay namin. Naglalaro si Yaakov habang may lollipop sa kaniyang bibig. Minsan ko lang siya pakainin ng ganun dahil baka masira ang ngipin niya, mabuti na lang at naiintindihan niya na hindi iyon pwedeng kainin lagi dahil nakakasira iyon ng ngipin.

Ilang oras pa lang na wala si Yosef pero miss ko na ang lalaki. May meeting kaya siya? Nagtext siya sa akin kanina pero hindi na iyon nasundan, siguro ay may meeting pa ang lalaki sa bago niyang mga kliyente.

Kumunot ang noo ko nang may narinig na kung ano sa labas. Nakatingin si Yaakov sa labas at nakangiti.

“What’s that sweetie?” I asked. Agad na tumingin sa akin ang anak ko at umiling, parang ayaw sabihin kung ano ang nakita sa labas. Kumunot ang noo ko doon.

Dahan-dahan akong naglakad at tumakbo sa akin ang anak ko, niyakap ako parang pinipigilan ako na lumabas. Mas lalo tuloy akong nagtaka sa inakto ng anak ko. Ano bang nangyayari ngayon?

“Mommy! You shouldn’t go outside!” My son said while hugging me. I creased my forehead. I’m so confused now.

At nakita kong biglang pumasok si Yosef. May hawak na bouquet ng flowers. Nakita ko din sila Caiden at mg asawa nila.

Nilingon ko ang anak ko na nakangiti na sa akin. Kaya pala ayaw ako palabasin ah. May tinatago pala.

“What is this?” I asked Yosef who’s looking at me right now. Pumunta sa likoran ko sila Caelus at nakatingin lang ako sa lalaki na nasa harapan ko. Naghihintay sa sasabihin niya.

“Sienna I can’t wait to say this to you.. I waited for you for years and now you’re here, with our son and carrying our second baby. I promise to give you a happy life and I will always be here for you,” bago pa man ako makapagsalita ay lumuhod na siya.

Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko at narinig ang tili ng ilang mga kasambahay at nila Naih.

“Marry me and be my wife baby,” he said.

Napalingon pa ako sa aking likoran at nakitang may hawak ng mga cellphone ang mga lalaki. Tumatalon-talon pa sila. Napailing na lang ako, napakasupportive naman.

“Of course love! It’s a big yes!” sabi ko at agad niyang sinuot ang singsing at niyakap ako.

I’m getting married!

Agad na pumunta sa amin si Yaakov at yumakap din sa amin ng kaniyang ama. Hindi ako makapaniwala na ikakasal na nga ako.

I always think before that I don’t need a man in my life because my parents are strict, especially my dad. Tapos ngayon nga ay ikakasal na kami at magkakaroon ng pangalawang anak. Ang bilis talaga ng panahon.

Agad na pumunta akin sila Chelsie na tuwang-tuwa para sa amin.

“Finally! After years!” ani Naih sa amin. I smiled at them.

“Omg girl! Sabi ko na eh, dito din ang punta niyo!” ani Chelsie at niyakap ako ng mahigpit.

Nanatili pa sila sa bahay namin. Nag-order si Yosef ng pagkain at sinabi niya din sa akin na dadating ang mga Salazar bukas para mag-usap tungkol nga sa kasal namin. Sinabi ko na din kay mommy at tulad ko. Excited din siya. Mas excited pa nga sa akin.

Tiningnan ko ang singsing na nasa daliri ko. It’s been days since he proposed to me and I still can’t believe that I’m marrying Yosef.

Marami kaming napagdaan ni Yosef. He was my first boyfriend, siya ang una ko sa lahat. Hindi ko akalain na kami din talaga. Well, may mga ganun ata talaga. May mga problema na kailangan niyong ayosin na dalawa na magkasama at may mga problema na kailangan niyong ayosin na magkahiwalay. Kasi baka nasa isa sa inyo ang may problema? Kaya kailangan nung isa na ayosin na muna ang sarili niya para hindi kayo magulong dalawa.

Akala ko noon ay okay lang na mag-isa. Since elementary ay may mga lalaki na lumalapit sa akin. Hindi ko lang makausap dahil parang may CCTV ata si daddy at palagi niyang nalalaman iyon. Hanggang sa highschool ay ganun din, hindi ko lang alam kung anong nangyari nung nagcollege na ako. Strikto pa din naman sila pero napagtanto ni mommy na sobra na kaya hinayaan na din niya ako at hindi din agad iyon nalaman ni daddy.

Then, I met Yosef. The cold man. Hindi ko alam na sa simple niyang mga galaw ay mahuhulog ako sa kaniya. Tapos may fiance pa siya noon! Pero hindi din natuloy ang pagpapakasal dahil ayaw din ni Yosef.

Limang taon kami ni Yosef at sobrang dami naming napagdaanan. We graduated together. We live together. He even helped me to review for my board exam. He was there when I take the exam and he also there when I passed the exam! He make time even though he’s studying in law school. And I really appreciated what he was doing back then.

And now we’re engaged and having our second child. Time flies si fast, it’s been a while.

“What my baby’s thinking?” Napalingon ako sa lalaki nang maramdaman siyang naupo sa tabi ko. Nilagay niya ang kamay sa aking tiyan at pinakiramdaman kung sisipa si baby.

“Random things,” sabi ko sa kaniya. He kissed my tummy and looked at me, smiling.

I really love him and our children.

“I love you,” he whispered.

“Mommy! Daddy! Can I sit too?” My son asked and looked at us. Napangiti ako sa anak at binuhat siya ni Yosef para maupo sa tabi namin.

I kissed Yaakov’s forehead and I kissed Yosef lips and smiled at them.

“I love you two…” sabi ko at hinawakan din ang tiyan ko. “And of course my another baby, I love you my love,” dagdag ko at ngumiti ulit.

Napahawak ako sa bibig nang maramdaman ang pagsipa niya.

Oh my god! My baby kicked!

“Baby kicked!” I said. Nanlaki ang mata ni Yosef at inilagay ang tenga sa aking tiyan.

“God…” he whispered. Nang lumayo sa akin at nakita kong naiiyak na siya.

Si Yaakov ay tinapat din ang tenga sa aking tiyan.

“Hello baby! I’m kuya Yaakov!” My son said. “Wow!” sabi niya nang maramdaman ding sumipa nga ang kapatid.

Nakatingin lang sa amin si Yosef na hindi pa din talaga makapaniwala.

“Thank you…thank you so much love. I love you, I love you…” aniya at hinalikan ako sa aking labi. Bumaling din siya sa kaniyang anak at hinalikan ito sa noo pagkatapos ay humalik ulit sa aking tiyan.

I smiled at them. It’s very unexpected that we’re still together. Akala ko ay hindi magiging kami, hindi ko inaasahan na aabot kami hanggang dito.

At masaya ako dahil nangyari ‘to, I promise to be a good wife to my husband and a good mother to our kids.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Where stories live. Discover now