“You want?” I asked him because he’s just looking at me!

“No,” aniya.

Naubos ko agad ang mangga at gusto ko nang matulog. Hindi ko alam, parang napagod agad ako kahit na wala naman akong ginagawa.

“Are you pregnant?” He asked.

Napatigil ako at napatingin sa kaniya. Agad na nag-isip.

Oh my god.

Ilang linggo na ba akong ganito. Panay ang pagkaramdam ko ng pagkapagod, nasusuka din ako tuwing umaga at gusto ko na agad matulog ngayon.

Hindi agad ako nakasagot sa lalaki. Baka nga? Hindi ako sigurado!

“I bought PT, love,” he said.

Kinuha niya iyong tatlong pregnancy test doon sa nakita kong paper bag na maliit.

Kinuha ko na agad iyon kahit na hindi na siya magsalita. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan ako at masaya. Pagkatapos kong magtake ng PT ay agad akong lumabas at nakita ko agad si Yosef na nakatingin sa akin.

Sabay naming tiningnan ang pregnancy test. Sobrang bilis ng tibok ko ng makita iyon. Two red lines.

I’m pregnant!

“I’m pregnant…Sef,” sabi ko, pinipigilan ang luha sa mga mata ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit. Naramdaman kong nabasa na ang balikat ko dahil sa luha niya. Hindi pa din ako makapaniwala na magkakaanak na ulit kami. Sigurado akong matutuwa so Yaakov nito. Gustong-gusto na niyang magkaroon ng kapatid.

“I’m so happy..very..” he said and kissed me on my forehead. Nanatili kami sa ganung posisiyon.

I’m pregnant again!

Hindi na nag-aksaya ng oras si Yosef. Kinabukasan ay pumunta agad kami sa OB ko at nalaman ko ngang 3 months na akong buntis. Sobrang saya ng lahat nang malaman iyon, lalo na si Yaakov na nagtatalon pa. Pinagyabang niya pa sa mga pinsan ang tungkol sa pagkakaroon niya ng kapatid.

“Congrats baby girl!” sabi ni Chelsie sa akin at niyakap ako. Ngumiti ako sa kaniya at nakita din sila Venn na nakangiti sa akin.

“Sa wakas! May bagong kalaro na ang mga bata at si Yaakov!” ani Naih sa akin.

Nagkwentohan pa kami at kumain. Ang mga bata ay naglalaro na dahil tapos na din silang kumain habang nasa hapag kami habang nagkukwentohan.

Nakahawak sa hita ko si Yosef habang nakatingin lang sa akin. Hindi ko alam sa kaniya. Kanina niya pa ako tinitingnan at hindi ko alam kung bakit.

“Why?” I aksed him.

Busy ang lahat kaya wala sa amin ang kanilang atensiyon. May pinag-uusapan sila na hindi ko masiyadong maintindihan.

“I love you pretty,” he whispered.

Naging maselan ang pagbubuntis ko ngayon. Lagi akong umiiyak lalo na kapag wala si Yosef sa tabi ko. Gusto ko na lagi siyang nasa tabi ko kaya kapag nakita kong wala na siya ay umiiyak na lang ako. Si Yaakov naman ay lagi ding nasa tabi ko at binabantayan ako.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Where stories live. Discover now