“Congrats girl!” sabi ni Aria. Nakita ko din sila Sandra at Jaica kasama ang kanilang asawa at mga anak.

“Ang taray! Tatlo na!” sabi ni Sandra at yumakap sa kaibigan.

Kumain kami at ang iba ay uminom. Nawawalan ako ng ganang kumain kaya nag-usap na lang kami nila Chelsie. Hindi din siya umiinom kaya maayos ang lagay namin. Hindi parehas sa mga lalaki na nag-iinom na nga. Wala kasi talaga akong gana at parang inaantok na nga ako.

“Mommy I want fries.” Napatingin ako may Ashton na lumapit sa kaniyang mommy. Tumango si Chelsie at kumuha ng fries para sa anak.

“Thank you my mommy! Love you!” Napangiti ako doon.

“Love you more baby boy!” ani Chelsie sa kaniyang anak.

“How sweet,” sabi ko.

“Sana nga ay ganun na lang, ayaw ko pa na lumaki sila agad,” sabi ni Chelsie. Naupo na din si Naih sa tabi namin habang si Venn at Aria ay nakisali na din sa amin. Baka mamaya ay mag-iyakan na naman kami.

“Baka mamaya, umiyak na naman tayo ah.” Natatawang sabi ni Aria.

“Kasi naman, nakakaiyak talaga,” sabi pa ni Naih at hinawakan ang kaniyang tiyan. Kumakain siya ng mansanas na hiniwa pa ni Zymon para sa kaniya. Ayaw niya daw kasi na iba ang mag-slice, hindi daw niya kakainin kung hindi si Zymon ang mags-slice.

“Oo nga, sana hindi pa. Ayaw ko pang maging lola!” sabi ni Venn.

“Ang advance masyado! Matagal pa iyon,” sabi ni Chelsie at kumuha nung vegetable salad.

“Doon na din iyon papunta!” Nagkatinginan pa si Venn, Naih at Aria na sabay-sabay na nagsabi nun.

Natawa kami at napailing na lang. Napatingin pa kami sa mga lalaki na papunta na nga sa gawi namin. Ngumiti ako kay Yosef na ngayon ay nasa tabi ko na at nilagay ang kamay sa hita ko. Nakita kong naupo na din ang mga lalaki katabi ang mga asawa at may binulong pa si Caelus kay Chelsie, namula pa ang pisngi ni Chelsie doon.

“Already drunk?” I aksed Yosef. Tumingin siya sa akin at umiling. Parang batang naghahanap ng mommy.

Cutie.

“I want a cuddle,” be whispered on my ear.

Cuddle! Talaga bang cuddle lang hmp!? Nung last time na nagcuddle kami, nakita ko na lang sarili ko nasa ibabaw ko na siya.

“Why are you blushing baby?” He asked. Agad akong umiling sa kaniya.

“Wala! A-Ano…ang init eh!” sabi ko at pinaypayan ang sarili. Nakatingin lang siya sa akin habang ako ay kung ano-ano na ang iniisip.

Sienna! Nag-iba ka na! Hindi ako ‘to huhu. Why naman ganito?

“Baby it’s raining,” he said.

Napatigil ako sa pagpaypay sa sarili nang marinig iyon. Napatingin ako sa labas at nakitang naulan nga.

Ha!? ‘Di ko namalayan!

“H-Huh? A-Ano…naiinitan a-ako,” sabi ko. Hindi makatingin sa kaniya.

“Well..me too baby,” he whispered on my ear.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Where stories live. Discover now