Mia Maestà

3 0 0
                                    


January 17, 2022
-Sana'y magustuhan mo.

Mia Maestà

To: Mi Amor

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

To: Mi Amor

Nakauwi na ako

Pinatay ko agad ang phone ko pagkatext ko sakanya. Inayos ko ang mga gamit ko bago tatamad tamad na bumaba ng sasakyan. Pagkabukas ko ng pintuan ng bahay namin ay nagsitakbuhan kaagad saakin ang mga alaga naming aso kaya nabuhay ang dugo kong halos maubos na kakakuha ko ng night shift. Paano ba naman, puro day binigay saakin. Kahit sabado at linggo, day shift. Hindi na kami makapagbonding ng araw kapag off niya dahil sa pesteng shift na yan.

"Goodmorning mga mahal ko!" Maligaya kong bati sakanila. Nagtungo muna ako sa sala at binaba ang mga bitbit ko bago naupo sa sahig para laruin at yakapin sila.

"Nagbehave ba kayo kagabi? Tinabihan niyo ba ang mommy matulog?" Malambing kong tanong sakanila. Night shift ako kagabi kaya naiwan sila kasama ang isa nilang mommy. Nakita kong nagtungo papuntang kusina ang isa sakanila kaya sinundan ko siya. Dali-dali namang sumunod saakin ang iba.

Habang naglalakad ay tinanggal ko muna ang pantaas kong scrubsuit at binato iyon sa sahig. Madumi pa ako kaya hindi ko muna hinayaan na madikit sa kung saan-saan ang mga damit ko o kahit ako mismo.

Pero niyakap ko mga anak ko.. Hay. Hindi talaga ako makatiis pagdating sakanila.

Nang makarating sa kusina ay may nakita akong mga pagkaing nakahanda sa dining table. Sapat lang ang mga iyon para sa.. tatlong tao.

"Ang dami naman." Bulong ko sa sarili ko. Lumapit ako sa ref para kumuha ng bottled water. Bago buksan ang ref ay may nakita akong sticky note na nakadikit don pero kumuha muna ako ng tubig bago kunin iyon. Binuksan ko ang hawak kong bote at kinuha ang note saka uminom habang binabasa ang nakasulat.

'Kainin mo lahat baby. Itabi nalang kung hindi kayang ubusin. I love you! Happy Anniversary :pp'

Nangiti tuloy ako habang umiinom ng tubig. Tinignan ko ang mga pagkain na nasa table. Pancakes, spam, egg, hotdog na iisang piraso nalang, ham at fried rice. Natawa ako ng makita ang nag-iisang hotdog. Bumalik ako sa sala para kunin ang phone ko at tinextan siya.

To: Mi Amor

Sana inubos mo na iyong hotdog. Nahiya ka pa hahahaha

Ngingiti ngiti kong text. Ibinaba ko na muna ang phone ko para lagyan ng pagkain ang bowl ng mga dog namin. Nilagyan ko ng dog food ang mga iyon para may kasabay akong kumain. Nagsitakbuhan na sila saakin kaya hinayaan ko na silang kumain at bumalik na ako sa hapag kainan.

Hinila ko ang silya at naupo na. Habang nag-aantay ng reply, na baka hindi pa dumating dahil panigurado busy sa trabaho iyon, ay kumuha na muna ako ng pagkain. Saktong gutom din ako ngayon dahil hindi ako nakakain masyado kagabi sa trabaho. Hindi ko rin naramdaman masyado ang gutom kagabi dahil mas ramdam ko ang pagod.

Mia MaestàWhere stories live. Discover now