Trip LANG!!!

3 0 0
                                        

CHAPTER II

           ° ° ° ° Kinahapuhan° ° ° °

"Ate, mamaya na pala ang exam mo?" sabi sakin ni papa habang kumakain pa lang. Kakadating palang kasi ni papa galing sa sabungan. Siya kasi ang napag-uutusan ng matandang mayaman na magsabong ng manok nito. Ang  binibigay na pera ng matanda kay papa sa bawat pagsabong ay iniuuwi ni papa para samin.

"Opo pa... Excited na nga po ako eh"

"Pwede naman sigurong isama mo si bunso... May pupuntahan pa kasi ako... At meron pang iniuutos sakin si Enginer"

Napalis ang ngiti sa aking labi...

"Alangan namang pabayaan mo dito ang kapatid mo?"pagkasabi nun ni papa na parang sa pagalit na tono. "alam mo ang sitwasyon natin ngayun!" dagdag pa niya

"Okay po papa.. ako na po ang bahala sa kapatid ko.." ngumiti na lang ulit ako..

             - - SA Barangay Hall - -

Sakto lang ang dating ko. Di pa naman nagsisimula ang exam kaya naghanap na ako ng mauupuan. Hugis parihaba ang lamesa kaya pumuwesto ako kung saan merong tig apat na upuan na magkakaharap. Iniwan ko munang naka-upo sa sala ang kapatid ko tutal malapit naman, kaya nakikita ko...

"Good afternoon sa ating lahat!" masayang bati ng punong-guro na si Ms. Abuella at tumugon din kami sa kanyang pagbati. Maikli ang buhok na hanggang leeg lang ang haba, makikita ang balingkinitang pangangatawan kahit naka-suot pa ito ng uniporme, morena, at maamo ang mukha na may bilugang mga mata. Siguro nasa 40's ang edad niya pero infernez mukhang bata parin ang itsura niya.

Sa pagkakaalam ko.. may karelasyon
itong tomboy at matagal na raw na nagsasama... hehehe may pagkachesmosa rin ako... Kasi naman kaibagan lang ito ni mama...

Nagsidatingan na ang iba pang mag-e-exam na halos kilala ko dahil mga kalaro ko lang naman sila na sina Tophe, Madunay,Stella at marami pang iba... Hehehe...

"Kayo lang ba?" tanong ni Ms. Abuella

"Opo mam.." sagot naming lahat

"okay! tara at magsimula na tayo!"

Binigay samin ang tig-iisang folder na may lamang isangdaang mga katanungan at isang bond paper para sa mga sagot. Nagsimula na kaming lahat sa pagsagot..

Sabi ko na lang sa sarili ko na dapat mataas ang makuha kong marka...

kalagitnaan na ng exam...

"Ateee!! u-uwi na ta-tayo!" umiiyak na lumapit sakin ang kapatid ko.. Nagsitingingan ang lahat sa gawi ko..

"Sandalilang Vic di pa po tapos ang ate..." pabulong kong sabi sa kapatid ko para di maistorbo ang ibang nag- e-exam..

"ATEeeeeee!!" lumakas pa lalo ang iyak ng nito..

"Opo eto na binibilisan na ni ate.." wala akong ibang paraang naiisip kundi ang secret tequenic na minana ko pa sa aking mga ninuno... 

huminga ako ng malalim...


relax... mona.... consintrate...


iminulat ko ang aking mga mata kasabay nun ang mahigpit na paghawak ko sa aking mahiwagang ballpen...

:
:
:
:
:

:
:
:
:
:

AYUN! ilang segundo lang tapos agad ako!! WUHUUUUU!!!!

AKALAIN NYO YUN!!!  XD ^ . ~
hehehe HENYO ATA TO!!

Babala:
wag na wag po ninyong gagayahin ang aking ginawa, pawang mga eksperto lamang.. ^_~V

      
KINAbukasan

nakuha na namin ang resulta at sabay kaming umuwi ni Stella. Sabay naming binuksan at tiningnan kung ano ang resulta...

Stella Lucido- 76/100

.

.

samantalang ako

.

.

.

.

Mona Austria- 24/100

.

.

.

.

.

pakiramdam ko parang gumuho ang mundo ko. . .

SINO BA KASING LINTIK NA NINUNO KO ANG NAGPAMANA SAKIN NG WALANG KAKWENTA-KWENTANG SIKRETONG YUN!!!!!

ahe ahe ahe ahehehehehe......

binilugan ko lang naman ang mga nagustuhan kong letra... ginamit ko pa ang mini-mini-maynimo....

WALANG BASAGAN NG TRIP mga tsong!!!

sadyang kinakailangan ko lang talagang gawin yun. Alangan namang pabayaan ko ang kapatid ko???

At wag kayong mag-alala kung may pag-aalala kayo para sakin dahil pasado parin ako kahit papano....

                                                  

                                                   

    _ _ _ _   _ end of chapter _  _ _ __

hi! mga kuya't mga ate!!!
pleasssssssssseeeee po!!! do comments.... and suggestionsss... pls. pls. pls para naman po malaman ko ang inyong mga hinaing.....  SALAMAT PO!!!! :D


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

now that i finally Found YOUWhere stories live. Discover now