Suuuuuper late ud
**
ARA POV
"Ano ba! Tigilan mo na nga ako!" mangiyak ngiyak na sabi ko kay Thomas.
"Tss. Wala ka pala eh!"
"Bro, tama na. Paiyak na yan." awat ni Jeron kay Thomas.
Sino bang di maiinis dahil magddalawang linggo na akong kinukulit nitong chinitong bansot na 'to!
Di ko alam kung sobra ba siyang nainis sa mga inasar ko sa kanya para gawin niya sa akin 'to.
Nung una nakaya ko pa eh, natotolerate ko pa yung simpleng pang-aasar niya sa akin, pagtapon ng tubig sa damit ko ( na di DAW sinasadya), at pagannounce sa buong campus na and I quote, "Ara Galang, kahit di mo na ako ligawan ay alam mong oo ang isasagot ko." Oh diba? Leche.
Kaso napuruhan na talaga ako ngayon, natagpuan ko siyang suot suot ang jersey ko.
"Ano ba! Saan mo nakuha yan?! Ibalik mo nga!" Inis na inis na talaga ako sa bansot na ito!
" Chill hahaha! Naiwan mo sa gym!" Humalakhak pa ang loko nang makita nyang namumula na ako sa galit.
"Naiinis na ako ha! Hubarin mo na! Baka mapunit pa ang jersey ko!"
Nagseryoso bigla ang mga mata niya.
"Sige." He smirked.
At ina ng kalinawanagan!! Naghubad siya sa harap ko!
Namula naman ako at nahiya kaya tumingin ako sa malayo. Hinahagilap ko ang mga mata ni Jeron na humahalakhak na at pagulong gulong sa lapag.
Hay nako Jeron! Kahit kelan di ka maaasahan!
"Oh eto na." Aba ang walang hiya, itinapon pa sa mukha ko!
Nakahubad siya ngayon at unti unting lumapit sa akin. Umaatras naman ako at patuloy lang na lumilinga linga kung saan saan.
Sinesenyasan ko si Jeron na pigilan niya si Thomas pero kumaway ang intsik at sumakay na ng elevator.
Schette! Nasa wall na ako! Anong gagawin ko!!
Na-corner na ako ni Thomas at wala akong magawa kundi mapapikit. Lord, maawa ka!
Nararamdaman ko na ang hininga niya malapit sa tenga ko. "Ara."
Pakshet!!! Bakit biglang uminit?! Bukas naman ang fans dito sa gym ah?!
"Did you have fun while I showered my revenge on you?"
Dumilat ako. Eye to eye na kami ngayon.
"Ginagago mo ba ako Thomas?"
Humalakhak siya at napaupo sa sahig. "HAHAHAH schette you're really different! Even what you say is different!"
Napapaluha na siya at pinupunasan niya na iyon. " Okay I'll admit na. I was playing my games on you but swear I didn't mean any of what happened! Hahaha masarap ka lang talagang asarin!" Hagikgik pa niya.
"Whatever. I didn't get affected naman." Inirapan ko siya.
Tumayo siya at inayos ang sarili niya. "Yeah you didn't. That's why you're different. You don't care."
Naglakad na siya papuntang elevator.
Pero tumigil siya bago niya pindutin ang buttons.
"Something's happened Ara. I dunno what. But it has something to do with you. May something sayo. Everytime I see you, I want you to notice me. Damn! This is harder than I thought! But that's why you're different, you didn't care."
What the-
"Ang bango mo rin pala Ars. Hahaha" Sumakay na siya ng elevator habang may ngiti sa kanyang labi.
At sa di malamang kadahilanan, nakangiti na rin ako.
**
Huhu sabaw ulet sorry! At sorry rin 2 weeks ako di nag ud. Wala kasi akong maisip dahil paiba iba ang takbo ng storyang to. Basically, ending lang pinaghandaan ko dito HAHAHA. So yun thanks for bearing with me!
YOU ARE READING
All of Me
Teen Fiction"You're willing to save him, the love of your life, but who will save you? Especially that he can't remember you."
