"Toni, tara." Hinila ni Chinchin ang kaibigan. "Dun na tayo sa may pinto ng bus. Mukhang papasakayin na tayo." Nagmadali itong kunin ang mga gamit, nanguna na ito kay Toni sa pagpunta malapit sa pinto ng bus.

Marami-rami kasi silang guro kaya bus ang inarkila ng kanilang paaralan. Sama-sama ang mga guro sa isang bus na kasinlaki ng isang pampasaherong bus at ang isang sasakyan naman ay para sa mga nakatataas.

"Teachers, maaari na raw po tayong sumakay sa loob ng bus. Pakisiguro na lang po na wala po tayong maiiwan dito sa quadrangle."

Excited na nagtungo na nga ang mga guro sa loob ng bus.

Umupo si Toni sa ikalawang hanay ng mga upuan, bandang kaliwa. Sa unahan niya ay sina Bing at Chinchin na parang aso't pusa. Ang mga nakatatanda sa kanila, mas piniling maupo sa bandang gitna at hulihan.

"Nakakahilo kaya roon." Sabi ni Chinchin. "Okay ka lang dyan Toni?"  Tumango siya. Wala pa si Lorenz. Naisip niyang hindi na ito sasama. Pero may oras pa naman, isa pa, marami pa sa mga guro ang wala pa. May kalahating oras pa naman bago ang itinakda nilang oras ng pag-alis. 

Si Michael ay hindi pa rin sumasakay dahil sa ito ang naatasang tumingin sa mga gurong wala pa. Maya-maya lamang ay nagsidatingan na rin ang iba pa. Maingay na sa loob ng bus. 

"May kulang pa po ba? May mga ka-text pa po ba kayo na papunta pa lang po?" Tanong ni Michael. 

"Yes, Sir Kel."

"Malapit na raw sila."

"Okay po. Thank you! Hintay na lang po tayo nang kaunti sa mga kasamahan natin." Bumaba muli ito.

"Dapat iniiwan na yang mga yan eh." Nakairap pang sabi ni Chinchin, nakatayo pa ito kaya kitang-kita ito ng lahat.

"Talaga ba? Kahit si Sir Bary?" Birong tanong ni Eman. Batid naman nila na nagbibiro lamang ito.

"Ay hindi ah. May sinabi ba ko? Naku, eh kung bukas na lang kaya tayo umalis?" Nagtawanan ang mga nasa loob.

Natahimik ang mga nasa loob ng umakyat bigla si Lailanie. Mas lalo kasing umangat ang ganda ng dalaga sa suot. Nakalight-colored blouse ito at puting shorts. 

"Good morning po!" Tila nahihiyang bati nito, "Pasensya na po, nahuli."

"Ay hindi ayos lang." Sigaw ng isang maloko nilang kasamahan. Nagkantiyawan ang mga ito.

Wala nang ibang maookupang puwesto ito kundi ang unahan, katapat nina Chinchin. 

Everyone was stunned when Lorenz arrived. Nakaputing poo shirt ito, nakapantalon at nakaputi ring sneakers. "Good morning, everyone!" Masiglang bati nito, pati ang mga mata nito ay bumabati.

Nilingon ni Chinchin ang kaibigan, "Magkasabay?" Malisyosang tanong nito.

"Pshhh!!!" Saway nya rito.

Napatingin si Chinchin sa kanyang katabi, "Ay, sorry." Buti na lamang ay nakaheadset na ito. "Sa biyahe na?" Tinapik pa ni Chinchin si Bing. Kunwari ay biniro niya ito ngunit gusto lamang din niyang masiguradong hindi nito narinig ang sinabi niya.

Lumibot ang paningin ni Lorenz. Tanging ang tabi ni Toni at tabi ni Lailanie na lamang ang pwedeng maupuan nito. Tila may mga matang nakasubaybay sa kilos ng binata. Nung akmang tatabi ito kay Toni ay biglang pumasok na si Michael sa bus, bitbit na nito ang bag. Tuloy-tuloy ito sa tabi ni Toni.

"Wohow!" Hindi napigilan ng isa nilang kasamahan ang mapa-react. Narinig din sa loob ng sasakyan ang mahinang tawanan dahil sa reaksyon nito. Para itong nanood ng isang pelikula.

Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now