Naghihintay si Toni ng "Na-miss-din-kita" mula kay Lorenz. Ngunit… wala.

"Ehem. Oo nga pala, narinig niyo na yung tungkol sa team building natin?" Pambabali ni Chinchin sa nakaiilang na atmospera sa kanilang mesa.

"Hindi naman iyon team building talaga, it's, pa'no ko ba sasabihin, parang, parang outing lang ganun. Wala namang activities para masabing team building." Sagot ni Michael.

"Ah…" Tatango-tango si Chinchin. "Akala ko hindi naman magtatayo ng building kaya hindi masasabing team building. Corny? Sorry, sorry." Natawa sila, except Lorenz. Seryoso itong kumakain. 

Napansin ni Toni ang pananahimik ni Lorenz. It was not like him, madalas ito ang bangka sa usapan. Buti na lamang at kasama nila si Chinchin para balansehin ang sitwasyon.

"Toni, una na ko. May aayusin lang ako, baka hindi ko matapos bago magbell uli." Pagpapaalam ni Lorenz. "Una na ko ha." Ngumiti ito sa dalawa pang kasama sa mesa --- matipid, ni hindi umabot sa mga mata. Bago ito tuluyang umalis ay hinaplos muna ang buhok ni Toni. Napasunod na lamang ng tingin si Toni rito.

"Ay, lola." Pang-aasar ni Chinchin.

"Bruha." Si Toni.

"Ito kasing si Michael eh. Ano bang nakain mo't nagsalita ka ng ganun sa harapan ng jowa?" Parang nanenermon na sabi ni Chinchin. 

"Why? Is it wrong? Na-miss ko naman talaga si…"

"Ewan ko sayo, Kel." Napakamot pa sa ulo si Chinchin. "Tingnan mo tuloy, nagwalk out si pogi."

"Hindi mo ba narinig, may gagawin daw siya?" 

"Naniwala ka naman dun. Hindi ka kasi nanonood ng teleserye kaya hindi mo alam mga ganong galawan."

"Sabihin mo, nasobrahan ka sa teleserye kaya ganyan ka mag-isip." Sabat ni Toni kahit na marami siyang iniisip.

"Toni, okay ka lang?" Si Michael. Tumango si Toni.

"Okay lang yan, may naka-miss naman na sa kanya." Pang-aasar pa ni Chinchin. "Teka, galit ba kayo ni Lorenz? Pansin ko, parang…"

"Sasama ka sa outing?" Pag-iiba ng usapan ni Michael. 

"H-hindi ko alam eh. Magpapaalam ako kay mama. Alam mo na, medyo, natatakot si mama na…"

"Naku, Toni. Sumama ka na please, mas masaya pag kompleto tayo. Sabihin mo kay tita, iingatan ka namin. Kaming bahala sayo." Si Chinchin na tila nakalimutan na ang inuungkat na isyu kani-kanina lamang.

"Oo nga. Gusto mo, ipaalam ka namin. Pero kung ikaw yung mismong may ayaw, o kung hindi kaya ng katawan mo… wag mo ng pilitin." Si Michael.

Exaggerated na nilingon ni Chinchin si Michael. "Ano ba yan, Michael? Ikaw, okay ka lang ba? Naku, kinikilabutan na ko sayo ha. Bakit ganyan ka ngayon kay… Naku…" Napapalakpak pa ito ng isang beses. "Para kang si Michael 6 years ago." Ang tinutukoy nito ay ang pagpapalipad hangin ng binata noon kay Toni.

Natawa si Toni. "Sira ka talaga. Manahimik ka nga."

Nakikinig si Toni sa usapan ng dalawa ngunit lumilipad ang isipan niya sa naunang umalis.

_____________________________________________

Wala namang gagawin si Lorenz. It was just an alibi. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon pero tila nagpaparamdam si Michael kay Toni. He should know, lalaki rin siya. 

Did he know about their 'break-up'? Kung hindi kasi nito alam, sa pagkakakilala niya rito, hindi nito sasabihin ang mga iyon sa harapan niya. Did Toni accept that already? Wala na bang nararamdaman sa kanya ang dalaga? Hindi na ba nito gusto ang… 

"Hey, are you okay?" Si Lailanie. Napawi nito ang kanyang pagmumuni-muni.

"Ah, yah, yah." He smiled.

"Kanina pa ko rito, para kang wala sa sarili. Hindi mo ko napansing pumasok, noh?" Nakangiting tanong ng dalaga.

"Talaga ba?" Lumingon si Lorenz sa paligid. Siguro nga'y napasobra ang pag-iisip niya dahil hindi niya namalayang marami na palang tao sa loob ng faculty. "I was just…"

"Wait, tanggalin ko lang…" Inabot nito ang kanyang mukha at pinalis ang duming dumikit sa kanyang pilik-mata.

Naabutan ng tatlong kapapasok pa lamang sa pinto ang ganoong eksena. 

Dire-diretso si Toni sa pagpunta sa kanyang puwesto, hindi niya pinansin ang kirot na naramdaman.

Pagkaupo nila ay bigla siyang binulungan ni Chinchin. "Awayin mo na. Dito lang ako."

Kunwari ay tumawa siya. "Anong sinasabi mo? Baliw ka talaga…"

"Hindi mo ba nakita?"

"Ang alin?" pagkukunwari niya pang muli.

"Kung ako ikaw, naku…" 

Tinalikuran na niya ang kaibigan. Iniwasan niyang mapatingin sa gawi nina Lorenz. Pinaalalahanan niya rin ang sarili na wag nang pansinin ang ganoong bagay. He's free. Siya na lang itong nakakulong sa kanilang kahapon.


Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now