Gem №.1: Phantasm Began

Start from the beginning
                                    

"Oh! Ano ba? Ano bang nangyari?" Tsinek niya ang kamay ng dalaga. "Ayan kasi! Kung saan-saan nakatingin. Sino ba kasing tinitignan mo doon sa labas? May sinisimuyan ka ba huh?!"

"Ah?! Sinisimuyan pala ah!? Mas gusto ko pang manakal ng taong katabi ko kaysa sumimoy sa sinasabi mo!" Habang nagsasalita siya, Ipinulupulupot niya ang dulo ng tela ng costume, kung sa'n walang karayom sa ulo ng matalik niyang kaibigan.

Ginawa niya 'yon, una, para itago ang pamumula ng mukha. Alam na alam nito na inaasar lang siya ng matalik na kaibigan sa crush nitong si Chen.

Pangalawa, para itago ang halu-halong emosyong unti-unting nabubuhay sa sistema niya.

Nakita ko na naman siya...

Hindi alam ni Kaitchi ang dapat maramdaman. Hindi tungkol kay Chen ang iniisip niya ngayon.

Tungkol ito sa lalaking, ilang beses na rin niyang nakita. Sa lalaking palagay niya, likha ng imahinasyon niya. Dahil kung totoong hindi niya basta imahinasyon ang mga sandali na nakikita ito, bakit hindi ito binibigyan ng pansin na tila 'di talaga nakikita ng iba? Bakit siya lang?

Sa palagay niya, ang misteryosong lalaki ay hindi isang estudyante. Dahil kung oo, bakit iba ang pananamit nito kaysa sa ordinariyong tao?

Sa palagay niya rin, maaaring kung 'di isang imahinasyon ang nakikita niya ay isang multo ng kung sinumang 'di matahimik mula sa sinaunang panahon. Kaya malakas ang loob na sumulpot-dili sa school campus, kung kailan nito naisin.

Hmm, pakialam ko ba kung mawala siya!?

Sinubukan niyang paglabanan ang sarili ngunit sa huli binalikan pa rin niya ng tingin ang building na inuupuan ng misteryosong nilalang. Umaasa siyang wala na ito.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Nanduruon pa rin ang binatang pasulpot-sulpot kung magpakita sa kanya.

Tila normal ngunit malungkot ang mga mata nitong nakatitig pabalik sa mga mata niya. She is sure to herself. Malungkot ito.

"Ayoko na Kai!!" Nabalik siya sa sarili matapos marinig ang malakas na angal ng matalik na kaibigang, matagal-tagal na rin niyang sinasakal.

"Ikaw na babae ka!" At kunuha ni Mito ang ulo ni Kaitchi para ikulong sa braso niya. Halos hawig sa ginawa nito sa kanya. Ang kaibahan lang nito, lambing ang ginagawa ni Mito. Habang parusa ang ginawa sa kanya ng dalaga kanina.

This is how their friendship goes... Sakitan na may kasamang lambingan sa tuwing hindi magantihan ng isa, ang isa, sa salita.

Tanggap 'yon ni Mitojiero, kahit sa opinion ng ibang mga lalaki, abused na abused na ni Kaitchi ang kabutihang loob niya. Wala ito sa kanya. Knowing Kaitchi, ang mambugbog ang ganti niya sa lahat ng mamimikon sa kanya. Binigyan niya pa ang dalaga ng titulong "Dakilang Pikon ng Golden Age".

At dahil dakilang pikon ang best friend niyang si Kaitchi. Alam niyang 'di ito papayag na malamangan. Hinihintay na niyang gawin nito ang ultimate revenge niya.

Pero...

Isang nananahimik na Kaitchi lang ang nakakulong sa braso niya. Anong nangyari? Hindi siya sanay. Isang nakakapanibagong bagay na tila ba hindi kayang tanggapin ng isip at puso niya. At kung bakit at anong dahilan? That's the exact thing he doesn't want to dwell upon, right now.

"M-may-may problema ba?" Tanong ni Mito habang wala sa loob na pinawalan sa bisig ang dalaga.

Hindi niya alam kung bakit... Pero parang hindi niya gusto ang maliliit na pagbabagong ito kay Kaitchi.

Naalala niya pa. Kindergarten sila noon, nang una silang maging magkaibigan.

Wala sa personality niya ang dumaldal. Kung bakit? Dahil sadyang ganun ang pag-uugali niya. Isa siya sa mga tahimik na batang nabuhay noon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Emerald: A Precious Stone PlanetWhere stories live. Discover now