ang mga halaman at puno
paligid natin punong-puno
nagbigay ng kulay at buhay
sa 'ting dilim nang walang humpay
kung wala iyon, tayo'y mapanglaw,
puno ng galit, parang halimaw
pero dahil sa makintab na araw
ang buhay na itim, naging dilaw
hindi natin maikakaila
ang ganda ng pilipinong lupa
puno ng berde, kahel, at pula
tiyak bilib ka sa kakaibang ganda
kaya alagaan natin ito
unahin ito kaysa sa luho
para ating pilipinong pulo
makita kahit tayo ay lolo
- m.s.n