Makadisturbo pa ako pag ganon.

Nag alas sais ng gabi at walang Levi na sumulpot sa kwarto ko. Hindi ko alam pero nanghihina ako. Humina ang hininga ko sa sakit na nararamdaman.

Hanggang sa nalaman ko na lang na may luha na sa pisngi ko.

Seriously, Zaf? Umiiyak ka? Sa gagong yun?

Inis sa sarili akong nahiga sa kama.

Ang oa ko naman at umiyak ako sa walang kwentang bagay. So what kung nagyayakapan sila? Hindi naman kami. Niloloko niya lang ako nong sinabi niyang mate niya ako. Iyong mga sweetness niyang pinakita ay kasali yun sa pantitrip niya.

I can't believe myself na mahulog sa kanya!

Bumuntong hininga ako. Lumabas ako ng silid. Nakita ko si Shahana na naglalaro.

"Hey, Shan" lumingon siya sa akin. Agad niya akong ningitian.

"Hello, Ate"

Hinaplos ko ang kanyang kulot na buhok. Ang ganda talaga niya.

"Where's you, uncle?"

Kumunot ang kanyang noo saka ngumisi ng nakakaloko. "Did you miss him?"

"Kinda." Simple kong sagot.

"He's not around. I don't know where he is." Nagkibit balikat ang bata at nagpatuloy sa kanyang paglalaro.

Ngumuso ako. Maybe off for something important? Mapakla akong natawa. Sinong niloloko niya?

Nagpaalam ako sa bata na pumunta muna sa library nang sa ganon ay mapatid ko ang lungkot sa aking kalamanan.

Bummungad sa aking ang napalaking library. From floor to ceiling ang librong nakalagay sa bookshelves. Amoy lumang libro din ang paligid at ang tanging ilaw doon ay liwanag ng araw na sumiwang sa napakalaking bintana.

I trailed the books with my fingers at inisa isang basahin ang titulo doon.

Nahagip ng mata ko ang isang librong makapal.

Wolves history.

Nagising ang interes ko sa librong iyon kaya iyon na nga ang kinuha ko para basahin.

Mas lalo lamang akong namangha nang hindi lang sulat ang nakalagay doon. Pati mga litrato ng mga sinaunang lobo ay nakapaskil niyon. Hindi ko namalayan ang oras.

Umabot ako nang gabi sa pagbabasa. Hanggang sa nahinto ako sa isang pahina.

The great wolves pack in history. Nakasulat iyon sa malalaking letra. Tila nakabold kaya agaw pansin. Sa ilalim nitong letra ay nakasulat ang The Soldiers. Naka italicized ang mga letra no'n na nasa tamang sukat lamang.

Binuksan ko ang pahina at unang bumungad sa akin ang mukhang nasisiguro kong kamukha ko.

Parang litrato ko lang ang pinaskil doon dahil sa pagkapareho namin. Nanlaki ang mga mata kong makita ang pangalan ng babaeng iyon.

Feline Rasalé A.K.A Fera– Orison.
        –The Commander-
July 11, 1453

Tumulo ang luha ko. Si ina 'to. Ang ina ko. Buhay pa ba siya? Nasaan siya? Isa siyang mandirigmang lobo? Isa siyang commander. Umusbong ang paghanga at kagustuhan kong makita siya.

Ang katabi nitong litrato ay isang lalaki na nasisiguro kong aking ama dahil sa apelyido nito. Namana ko rin sa kanya ang mga mata ko.

Zach Gabriel A.K.A Heneral Gabriel– Brooks
              –The General-
January 17, 1452

I groaned. Buhay ang mga magulang ko. Nasaan sila kung ganon? Bakit pinaniwala akong patay na sila?

Nagpupuyos ako ng inis at galit sa mga nakapaligid ko. All those years.....

"Ano ang pakiramdam na natuklasan mo na ang katotohanan sa mga magulang mo?"

Natahimik ako at napalingon sa nagsasalitang ibon. Raven. Sa isang iglap lang ay naging tao ito. Nanlamig ako sa kinaupuan ko. Madilim ang kanyang mga mata. Ganon din ang paligid na dahilan sa pangangatog ng aking tuhod.

Kakaiba ang kanyang kapangyarihan. Hindi ko mawari kung kalaban ba ito o hindi. Hindi ko man lang naamoyan ang kanyang pagdating.

Lumipad ang kanyang kapa dahil sa simoy ng hangin dito sa library. At sa tingin ko ay magkaedad lang kaming dalawa. O di kaya'y mas matanda siya ng isang taon sa akin. Ang tanong, ilang taon na ba siya?

"Hindi ka ba nagtataka? Walang nakasulat sa libro ng date of death pero ang pinaniwalaan mo ay patay na sila" tumabingi ang kanyang ulo. Nasa akin na ang kanyang mukha at tila sinusuri ang bawat anggulo niyon.

Madiin kong kinuyom ang mga kamao ko. Gusto kong maging lobo sa pagkakataong ito.

"Hindi mo naisip na baka nasa panganib ang iyong mga magulang? At ang nagdulot nito ay ang Alpha at Luna?" Nakakainis ang kanyang ngiti.

Wala akong masabi dahil ako mismo ay baguhan sa mundong ito.

"Bakit kaya mas pinili ng magulang mo ang iiwan ka sa mundo ng mortal gayong isa kang lobo?" Nakatitig siya ngayon sa aking mga mata. Akala mo'y doon makikita ang sagot. "Sa tingin mo ano ang dahilan para ilayo ka?"

Suminghap siya at lumayo sa akin. Nagpaikot ikot siya sa akin. Hindi ko namalayang kanina pa pala ako nakatayo at hindi makagalaw.

A White WarriorWhere stories live. Discover now