Ngunit ng nakita nilang hindi iyon seryoso ay bumalik sila sa kani kanilang kausap.

Maliban sa kanyang kapatid na nakatingin na sa kanya. Nang iinis. Lumihis ang tingin nito sa akin at nagwink.

Leviticus, growl in anger beside me. Napairap ako sa kawalan. Tumawa ang kanyang kapatid na mas lalo lamang niyang ikinagalit.

"She's pretty"

"I know right" malamig niyang sabi nito.

"And the pretty lady just said I'm a cool" pagmamayabang niya na kay Levi ang tingin. Tila iniinis ito. Sinaway ng kanyang asawa ito ngunit tinawanan lamang siya nito.

"By the way, beautiful. I am Leviathan, the handsome older brother of Leviticus." Nilahad niya ang kanyang kamay sa akin.

Ningitian ko siya "Zafira Gabriella" akmang tatanggapin ko na ang kamay nito ay siya namang pag agaw ni Levi sa kamay ko. He groaned in frustration.

"You just don't shake hands with my brother, mate" nasa leeg ko na ang kanyang mukha. Nagpupuyos ng panibugho.

"Look, a possessive mate!" Anunsyo ng kanyang kapatid na ikinalingon ng lahat ng lobo sa amin. Uminit ang pisngi ko lalo nang nagtawanan ang lahat.

"Stop it son" saway ng Luna sa nakakatandang anak.

"I will kill you, Vathan!" Pagalit na sabi ni Levi sa kapatid.

"Levi..." Puno ng warning ang boses ko. Humaba ang nguso niya. Binibiro lang naman siya ng kapatid. Ang pikon niya naman.

Tumingin siya sa akin at umatras. Dinistansya ang kanyang sarili sa akin at kumain. Nagtatampo.

Dahan dahan kong ginapang ang kamay sa ilalim ng lamesa para hawakan ang nanginginig niyang kamay. He's seriously mad. Pero iniwas niya ito sa akin. Ako naman itong ngumuso dahil sa kanyang ginawa. Hinayaan ko na lamang siya at inabala sa pagkain ang sarili.

"Samahan mo mamaya si Zafira sa inyong paaralan, Leviticus" anang Alpha. "Nakahanda na ang lahat niyang kakailanganin sa skwelahan ninyo"

Tumango lamang si Levi sa ama at hindi man lang ako nilingon. Wow!

Galit ba siya?

Hinatid niya ako sa kwarto ko nang natapos kaminhmg kumain. Wala siyang imik sa akin. Galit nga.

Hinayaan ko na lang siya. Akala ko ay pagdating sa kwarto ay kakausapin na niya ako pero nabigo ako sa kaalamang umalis siya agad matapos ng paghatid sa akin.

"Pissed off wolf" sabi ko sa sarili.

Inayos ko ang sarili dahil nga sabi ng Alpha pupunta kami ng school. Ang isiping makakapag aral pa pala ako ay masaya. Ngunit hindi ko rin mapigilang hindi isipin ang buhay ko sa mortal. Namimiss ko na iyon. Ngumuso ako.

Matapos ang trenta minutos ay may kumatok ulet at sinabing nakahanda na sa baba ang aking mga damit at nandon na si Levi.

Masaya akong bumaba. Ngunit napawi ang lahat ng iyon ng nakitang may kahawak ng kamay si Levi at nakangiting nag uusap ang dalawa. May punyal na sakit akong naramdaman sa aking bandang dibdib. Akala ko ba.....

Iniwaksi ko ang isipang iyon. Siguro, biro lang niya iyon at isang prank gaya ng mga kalokohan niya noon. Hindi na bago sa akin kung yun man ang totoo.

Lumingon siya sa gawi ko at natigilan. Binigyan ko siya ng walang expression na mukha at nilampasan silang dalawa ng babae niya.

Matangkad ang babae, mahaba at tuwid ang buhok. Puno ng kolorete sa mukha at napaka sopistikada.

Kung ikokompara ay wala ako sa kalingkingan niya. Ang sakit na nararamdaman ay kinibit balikat ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Napangiti ako nang makita si Manong na nakaabang sa akin. Inimuwestra niya ang looban ng sasakyan at agad akong pumaloob.

Hinintay namin ng kunti si Levi na nag hahangos na naupo sa tabi ko. "Tara na manong" masaya kong sabi.

Nasa akin ang buong atensyon ni Levi. Alam kong binabasa niya ang lahat kong expression. I even block him in my mind. Para hindi niya ako makausap gamit iyon.

In-on ko ang music sa cellphone ko at sinuksok ang headset sa tainga.

Hinawakan niya ako sa beywang ngunit pasimple ko itong hinawi.

Nagpatuloy ako sa pakikinig ng musika sa tenga ko.

"Hey" kinuha niya ang headset sa kabilang tenga ko. Puno ng lungkot ang kanyang boses at mata.

Binalewala ko lamang siya at walang sabi sabing binalik sa tenga ang headset na natanggal.

"It's not like what you think, Zaf" nagsusumamo ang kanyang boses.

Hindi ko talaga siya pinansin hanggang sa dumating na lamang kami sa paaralan. Tuluyan ko na siyang binalewala dahil nahahalina na ako sa ganda ng aking natanaw ngayon.

A White WarriorWhere stories live. Discover now