"Are you tired? Gusto ko pa sanang mag make out tayo. I miss you, you know"

Ang isiping mag make out kami ay nakakagana. Pero gusto ko ng matulog.

"Hmm-mm" tanging sagot ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Ayoko lang.

"Still mad?"

"What?"

"Are you mad?"

Kinunutan ko siya ng noo. "Saan naman?" Pagalit kong sabi.

"Ang init ng ulo mo sa akin. May nagawa ba ako?"
Dumaan ang sakit sa kanyang mata. Naapektuhan ako niyon at puno ng pagsisisi ang puso ko.

"Wala naman"

Ngumuso siya. Tila nagtatampo.

Hinayaan ko ang pag iinarte niya at nahiga na lamang sa kama.

Ramdam ko ang pagtingin niya sa akin. Binalewala ko siya at hinayaan.

"Hindi mo ba ako susuyuin?"

Nainis ulet ako. What's wrong with him?

"Bakit naman?" Inis kong sabi.

"Kasi sinigawan mo ako. Ang sakit kaya no'n! Ang init init ng ulo mo sa akin at wala naman akong maalala na may kasalanan ako sayo. Hindi mo ba  alam na nasasaktan ako?" Parang bata niyang atungal.

Ewan ko sayo takteng yan, isip bata!

Hindi ko siya pinansin at pinikit ang mata ko. Pagod ako. Dealing with him is draining me off. He's too cute that I can't help to stop myself of wanting his lips on me! Damn it.

Kaya imbis na makipagsagutan ay binalewala ko na lamang siya.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarinig ako ng singhot at hikbi.

Napabalikwas ako sabay upo. Ngayon tanaw ko siyang umiiyak. Nasaktan ako no'n. Umiiyak siya?

What the fuck?

"Are you crying?" Malambot na sagot ko. Gusto kong matawa sa kanya pero baka magalit sa akin lalo kaya pinalobo ko na lamang ang pisngi ko para mapigilan iyon.

Imbis nasagutin ako ay dinumog niya ako ng yakap dahilan ng pagkahiga ko. Ang kanyang mukha ay nakasubsob sa aking leeg at tuloy ang pag singhot niya.

"Hey" muli kong tawag. Tuloy siya sa pag iyak.

"Ang sama mo. Hindi mo man lang iniisip na nasasaktan ako. Ang dali dali mong sigawan ako, at ako hindi ko magawang magalit sayo" bulong niya sa aking leeg.

Nasaktan ako. But, really I want to laugh my heart out. He's too childish for me to take. Isip bata. Nasaan na ang masamang Levi?

"I didn't mean it. I mean....." Hindi ko rin alam kung bakit mainit ang ulo ko sa kanya. Bumuntong hininga na lamang ako nang wala akong naidugtong. "Okay, I'm sorry"

Gumalaw siya at hinayaan ko lang. "Huwag ka nang umiyak, bata" pang iinis ko sa kanya.

Ngunit imbis na magalit siya lalo sa akin ay dinampi niya ang kanyang labi sa akin.

My wolf whimpers in gladness. Mate.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng lobo ko.

Mate. Mine. All mine. Sabi ng kanyang lobo sa lobo ko.

Holy mother of God!

Ito pala ang ibig sabihin niyon? Hindi ko alam! Damn.

"Now you understand?" Sabi ni Levi ng bumitaw sa halikan namin.

Naiilang ako sa kanya. Gusto ko siyang maramdaman sa taas ko. Damn. What's wrong with me.

"Yeah."

Tinitigan niya ako. Saka niya muling hinalikan ang labi ko pababa sa aking leeg. Napaungol ako niyon. Mas lalong uminit ang paghahalikan namin nang naramdaman ko ang kanyang kamay sa bandang tiyan ko.

I want him. All of him.

Naramdaman ko na ang kanyang malilikot na kamay sa aking dibdib. Uminit ng husto ang buo kong katawan. Umarko iyon sa kanyang paghimas.

"Beautiful" he said in between of his kisses.

"But....hmmm" muli niyang halik sa akin. Dahan dahan niyang kinalas ang mga labi naming dalawa. Nalungkot ako.

I groaned in frustration. Nangiti lamang siya niyon.

"Beautiful but not now. May tamang oras diyan. Alam kong hindi ka pa handa. The most important right now ay ang malaman mong akin ka at sayo ako"

"What does it mean though?"

"Parang boyfriend and girlfriend lang iyon sa mga mortal. A lifetime. Ang kaibahan lang ay maari mong ikamatay kapag nailayo ka sa akin sa matagal na panahon."

"Okay"

"So don't you dare running away from me kung ayaw mong mamatay"

Umangat ang gilid ng aking labi. "Ako ba talaga ang mamamatay at manghina?"

Napamura siya. "Fuck too confident, Zaf"

Tinawanan ko siya.

Hindi ko alam na ganito ang pakiramdam niyon. Masaya ako. Sa natuklasan ko. Pero hindi mawala sa isipan ko ang aking ina.

Ano kaya ang nangyari?

Bakit kilala ng Ina ni Levi ang Ina ko?

What's the connection?

Ang hari....may kinalaman ba siya sa pagkamatay ng mga magulang ko?

Nakatulog ako at muli kong napanaginipan ang Ina ko. Pero tulad ng una kong panaginip sa kanya ay wala itong mukha.

Kinabukasan napaisip ako. Bakit sa dami ng aking panaginip sa kanya ay hindi ko man lang makita at masilayan ang mukha niya?

May ibig ba itong sabihin?

Ano naman kaya?

A White WarriorTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang