Franz's POV
"Insan! sige na! tulungan mo na akong manligaw kay Issyss! SIGE NAAAA!" SAbi ng pinsan kong si Jie nang naka praying position sa harapan ko.
Pano ko to matutulungan? Ano ako, magpapakamartyr?! Ang sakit kaya!
Nandito kami ngayon sa bench, kakatapos lang magpraktis ng basketball. Alam niyo mahal na mahal ko tong kumag na sa harapan ko ngayon. Wala kasi akong kapatid kaya siya nalang ang tinuturing ko. Yan din ang rason kung bakit ako nasasaktan tuwing nagpapakita siya ng interes kay Issyss.
Si Issyss ang babaeng gusto ko na sa kasamaang-palad ay gusto rin ng pinsan ko. Bakit hindi?
She's PRETTY
She's SMART
She's SERENE
and she has these PERSONALITIES every man WANTS.
"Anjan na siya COUS oh!" sabi ni Jie sabay hampas ng mahina sa balikat ko. Dadaan sina Issyss at ang mga kaibigan niya sa kinauupuan namin ngayon. She walks like a GODDESS.
"Hi Franz!" bati ng isang kaibigan ni Issyss. How I wish she would do the same.
Simpleng "Hello" lang ang sagot ko.
Ayun si Jie naghahanap ng pansin galing kay Issyss, How I want to talk to her also. pero hindi pwede kasi baka yun pa ang maging rason mag-away kami ng insan ko. Pero alam niyo? Nagseselos ako.
Di ko namalayan nakatitig na pala ako kay Issyss at tamang tumingin din siya sa direksyon ko. syempre nagsmile ako. pero iniwas niya kaagad ang tingin niya at tumingin ulit kay Jie. Akala ko pa naman kung....
Pero sino ba naman ako diba? I am just a lucky boy that can shoot some loops. while she's this very smart girl.
Oo nga't maswerte ako sa pag papashoot sa ring ng bola pero ba't ang malas ko magshoot sa puso niya.?
==========================
YOU ARE READING
^_^ LOVE SQUARE ^_^ (COMPLETED)
RandomAlam niyo, ang hirap magmahal ng taong mahal din ng kaibigan mo. Pero pano pag nalaman mong mahal ka din niya? Sinong pipiliin mo? Kaibigan mo na palagi mong kasama? O ang lalaking gusto mo sana? Idedicate ko ang Love Square sa mga Watty family ko xD
