"As usual po, he's still avoiding me, Tita," malungkot kong tugon sa kaniya. Kahit hindi ako pinapansin ni Grant ay hindi pa rin ako titigil. Alam kong balang-araw ay mar-realize niya rin ang halaga ko. 

Ika nga nila, remember why you started and don't give up, find a way. Nasimulan ko na ito kaya tatapusin ko ito. Hinding-hindi ako susuko kay Grant. 

Tita Tiffany looks at me with an expression of sad confusion on her face. 

"Hmmm, don't worry. I have plans," aniya at ngumiti sa akin. 'Yong ngiti na may binabalak dahilan para kumunot ang noo ko. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako sa sinabi ni Tita. 

"Anyway, I baked cookies, dear. Samahan mo ako sa kusina," maya-maya ay anyaya niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya at binitbit ang paper bag. Sabay kaming tumayo at sabay kaming pumasok sa loob ng mansion niya. 

Agad naming tinungo ang kusina nila at napansin ko agad ang mga chocolate chip cookies sa island counter na nakalagay sa wax paper at pinatong ito sa baking sheet. Mukhang pinalamig lang ni Tita. 

"I heard from your Mom that you love baking. Iha, you're almost perfect," sambit ni Tita na ikinangiti ko lang. Nang makarating kami roon ay may kinuha si Tita sa ref nila. Like she said, I really love baking. I know how to cook but I'm more into baking.

"Don't worry, Tita dahil dadalhan ko po kayo ng cupcakes next time," tugon ko dahilan para mapatingin sa akin si Tita. Ngumiti siya at kumuha ng isang baso. Napansin ko rin ang hawak niyang fresh milk.

"Sure, iha. Our doors is always open for you. You're welcome here anytime," wika niya habang abala sa paglalagay ng gatas sa baso. Sa sinabi niyang iyon ay hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti. 

Kalaunan ay inabot niya sa akin iyon at agad ko namang tinanggap. Nilapag ko ang paper bag sa island counter at umupo sa stool. She then offered me her cookies. Kumuha ako ng isa at agad na kumagat. 

I chewed it and I immediately taste the vanilla and chocolate chips from it. Grabe, ang sarap. Napasulyap ako kay Tita na nakangiti habang pinagmamasdan ako. Nilunok ko muna ito at sumimsim sa gatas. Nilapag ko ang gatas at nagsalita. 

"It's delicious, Tita," ani ko na lalo niyang ikinangiti. 

"Thank you, dear. Kain ka lang," she offered to make me nod. Gaya ng sabi niya kumain lang ako ng kumain. Maya-maya ay may narinig akong palalapit na yabag.

"Oh son, you're here. Threscia is here," napatigil ako sa pagnguya nang nagsalita si Tita. Tama ba ang narinig ko? 

Napalunok ako at inayos ang sarili ko bago lumingon. Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin. Kalaunan ay umiwas siya ng tingin at lumapit naman si Tita sa kaniya.

Huminga ako ng malalim at iniwas ko rin ang tingin ko sa kaniya. I then continued eating my cookies and took a sipped from my milk. 

"I'll go upstairs," his deep voice echoed on the four corners of their mansion. Bumuntong-hininga na lang ako at nang maubos ko ang cookie ay inabot ko ang table napkin at nagpunas doon. 

"Right. Take Threscia with you. Utusan ko muna kayo na pumunta sa supermarket para mag-grocery," lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa narinig ko. Inabot ko ang isang baso ng gatas at dahan-dahan kong ininom iyon. Inaabangan ko kung ano sasabihin ni Grant.

"Ask some maid to do the task," tugon ni Grant. Ayaw niya talaga akong makasama. Bakit ba ayaw niya sa akin? Huminga ako ng malalim at nilapag ang baso sa island counter. 

"Marami na silang gawain, anak," wika ni Tita at lihim lang akong mapangiti.

Sige, push mo 'yan, Tita.

HIS #2: Availing The Odds (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt