Teka. Akala ko si Nanay Precy ang nag ma-massage sakin.

Lumingon ako, nagulat ako na si Samraz ang nasa likuran ko. Ang lakas na naman ng kaba ng dibdib ko.

"A-anong ginagawa mo jan?" kinakabahan kong tanong.

"Minamasahe ka." Nakangiting sabi pa nya.

What! Totoo? Si Samraz ang nagmamasahe sakin?

"Oh kumain ka na." sabi ni Nanay Precy at inilapag ang lahat ng pagkain na ni-request ko sa kanya. "Senyorito Samraz. Sabayan nyo na po si Senyorita Mari."

"Okay lang sakin, na wala akong kasabay." Sabi ko habang umiinom ng kape.

"Sige po. Nagugutom na rin ako." biglang sabi nya at muling ngumiti. Umupo sya sa upuan malapit sa tabi ko.

Nanaginip ba ako. Anong nangyari at mukhang mabait si Samraz ngayon.

Umayos ako ng upo ko at hindi na lang sya pinansin. Muling naalala ko ang sinabi nya sa akin nuon.

Baka magsisisi ka, kapag naging mabait ako sayo.

Tulala ako habang kumakain. Ito na ba ang sinasabi nyang pagsisihan ko. Dahil bumabait na sya sakin.

Tinapos ko kaagad ang pagkain ko. Para iwasan sya. Agad akong bumalik sa sala kung saan naroon sila lola at lolo.

"Okay ka na ba?" tanong ni lolo na nakangiti.

"Okay naman po ako."

"Nakakatuwa at close na close talaga kayo ni Samraz." sabi pa nya.

Huh? No lolo. Hindi kami ganon. Ngayon lang sya ganyan.. Kaplastikan lang yun. Sabi ng isip ko.

Nakakapagtaka kasi na, kung kaylan umuwi sila lolo, saka sya naging mabait sakin.

"Lolo, lola. Babalik na po ako sa bahay." Sabi nya sa mga ito.

"Ganon ba hijo. Ibig bang sabihin nyan eh babalik ka na rin ng mindoro?" Tanong ni lolo.

"Opo. Marami pa po akong trabahong iniwan duon."

"Kelan ka ba babalik ng mindoro?"

"Sa lunes na po." Sabi nya at tumingin sakin. Parang gustong ipahiwatig na, makaka-attend pa sya sa birthday ko.

Bago pa sya makalabas ng bahay namin, ay inunahan ko na syang lumabas. Plano ko talagang magpunta ng park. Baka sakaling makita ko sa Branden para imbitahan sa araw ng birthday ko.

Naglalakad lakad ako ng mapadaan ako sa bahay nila Samraz. Napahinto pa ako, ng makita ko na bagong pintura na ito. Hindi na mukhang luma.

Muli akong naglakad, palinga-linga ako sa paligid. Naalala ko kasi ang sabi sakin ni Branden na taga rito lang sya. Kaya ibig sabihin, malapit lang din ang bahay nito sa amin.

May fitness club daw sya pero bakit wala naman akong makita.

Naglalakad-lakad pa ako hanggang sa makapunta ako sa park. Umupo ako sa dati kong inupuan. Alas syiete na ng umaga, siguradong makikita ko pa sya dito.

Patingin-tingin pa ako sa paligid ng makita ko ang isang grupo na laging nag jo-jogging dito sa park.

"Hi. Nakita uli kita." Sabi ni Branden at huminto sa mismong harapan ko. Kaya bigla akong tumayo.

"Kamusta?" Nakangiting bati ko pa.

"Hindi ka yata nag jogging ngayon?" Sabi nya at nakangisi.

"Hindi eh. Masakit kasi ulo ko kanina pero ngayon okay na ako." sabi ko pa at muling ngumiti.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya na may mabigat na tono ng pananalita. Parang sinasabi, na sya ang may-ari ng park na ito at bawal akong pumunta dito.

"P-para makita kita." Sabi ko, pero biglang bumigat ang nararamdaman ko. Parang ibang tao kasi itong kaharap ko.

"At bakit naman?" Sabi nya na nakangisi pa. "Napag-isipan mo na bang mag pa member sa fitness club ko?"

"Hindi sa ganon. A-ano kasi.." hindi ko alam paano ko sasabihin at iaabot ang invitation letter ko, para sa araw nh birthday ko.

"O di kaya, para sabihin sakin na may gusto ka sakin." Nakangising sabi pa nya. Nanlaki ang mata ko na isipan nya ako ng ganon. "Bakit Mari? Hindi ba sapat sayo ang isang Samraz Chavez?" Lalong nanlaki ang mata ko sa gulat ng sabihin nya sakin iyon.

Anong problema nito at bigla syang nagbago?

"A-anong pinagsasabi mo?"

"Tsk! Tsk! Tsk! Wala pa lang taste si Samraz at ikaw pa ang pinatulan nya. Pwe! Hindi ka naman maganda." Pang-iinsulto pa nya sakin kaya nasampal ko sya ng napakalakas.

"Sobra ka ah! Hindi ako pumunta dito para insultuhin mo ako! Eh ano sayo kung hindi ako maganda! Eh hindi ka naman gwapo!" Galit na sabi ko sa kanya. "Ang aga-aga! Ganitong pangungutya ang matatanggap ko! Mula pa sayo!"

"Wag kang mag assume na may gusto ako sayo. Hindi naman ang tulad mo ang tipo ko."

"Pisteng yawa ka dong! At sino naman may sabi na may gusto ako sayo. Makapal pala ang mukha mo. Eh wala ka naman sa kalingkingan ni Samraz, na kahit mga bakla nagkakandarapa sa kanya." Sabi ko pa.

Tumingin sya ng masama sakin at hinawakan ang braso ko hanggang sa mapaupo ako sa bench. Ang isang kamay nya ay nakahawak sa balikat ko. Napangiwi ako sa pagkakadiin nito sakin. Nakayuko sya at hinawakan ang chin ko para magtama ang paningin naming dalawa.

"Okay na sana kung hindi si Samraz ang boyfriend mo eh. Pero bakit ikaw pa ang nagustuhan nya." Kalmadong sabi nya. Kinabahan ako ng sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko at parang hahalikan nya ako.

Jusko po. Tulong kahit sino. Tulungan nyo ko. Hahalikan ako ng bastos na lalaking ito.

Napapikit na lang ako. Parang lahat ng lakas at tapang ko kanina bigla na lang nawala.

"Bitawan mo sya!!" Sabi ng isang boses lalaki. Sinapak nya si Branden kaya bumagsak ito sa lupa.

To be continued...

Accidentally In Love with my FrenemyWhere stories live. Discover now