Chapter 6( Battle Field)

Start from the beginning
                                    

"Good morning dad." bati ko sa kanya.

Hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. Lumagapak sa aking mukha ang kanyang palad.

Sa sobrang gulat ko at sa lakas ng kanyang sampal, ako ay napatili at natumba sa sahig.

Nasapo ko ang pisngi at tinitigan si daddy na namumula sa galit sakin.

"D-D-Dad!"

Nilapitan niya ako at sinabunutan upang patayuin. I close my eyes ,tightly. Sobrang sakit ng pagsabunot niya na halos matanggal ang aking mga buhok.

"You are such a disgrace! Ano pa ba ang dapat ko na gawin para magtanda ka Noren?!" padarag niya akong binitawan at hinawakan ko ang aking buhok.

"D-Dad, why are you l-like this?" umiiyak kong' tanong. Kumalabog ang pintuan at pumasok si mommy.

Napasinghap siya at niyakap ako. "Ronaldo Mikael! What have you done!?"

Hinaplos ni mommy ang aking pisngi.

"G-Goodness! N-Noren ,lets get out-"

"Huwag mo akong pangunahan Nenitta! You have no say on how I discipline your bitch daughter!"

Natahimik si mommy pero yakap parin ako.

"Hindi ka talaga madadala kapag hindi ka tinuruan ng leksyon!" may kung anong pinindot si dad sa kanyang mesa at ilang segundo lang ay bumukas ang pinto. Pumasok ang isang tauhan niya.

"Sir, ano ang maipaglilingkod ko?"

Umupo si dad sa kanyang upuan at nataranta si mommy sa hindi ko malamang dahilan.

"Bring her in our training field. Don't treat her special!"

Tinitigan ako ng tauhan ni dad. What? Bakit ako papadala doon? Wala akong balak maging kasapi nila!

"Got it Florentino?"

"Got it,sir!"

"Ronald! You cannot do this to your own daughter! I can discipline her-"

Dad groaned, habang ako ay hindi makapaniwala. Ang pamilya ko pa ang tutulak saakin sa bangin ng kamatayan?

"Shut up, Please get out all of you! Alisin mo na itong anak ko sa harapan ko!"

"No dad!" agad pumasok ang apat na kalalakihan upang hilahin ako palabas ng office ni dad.

"Ano ba! Bitawan niyo ako! M-Mom!"

Hinila ako ng mga lalaki at nilingon ko si mommy. Nakatayo siya at umiiyak na pinagmasdan ako na kinakaladkad palabas ng mansyon.


Time went so fast, naalimpungatan ako ng magising dahil sa pagtigil ng aming sinasakyan.


"Nandito na tayo!" sigaw ng driver na si Florentino, siya ang inatasang bantayan ako at itrain para maging kasapi ng org.

Ever since I was a child, I have known about the training field. A dormitory for those who want to be members of the mafia.

They have challenges before you get out.

First, courage.
Second, you know how to shoot, or kill people.
Third, you know how to handle your emotions.

Mga bagay na ayokong gawin o salihan.

Hinila ako ng dalawang lalaki.

"Get off me!!" agad nila akong binitawan ng makalabas ng sasakyan. Kumalabog ang puso ko ng makita ang tayog ng gusali. Hinding hindi ako makakatakas sa lugar na ito.

Naiiyak akong isipin kung bakit nagkaganito ang buhay ko.


Nakita kong amuse na nakatingin si Florentino sakin.

Oo na, alam ko na maganda ako.

Inirapan ko siya at umiling siya.

"Your dad told me that wont treat you like a princess here. Follow me and I will show you your room and assignments."

Inirapan ko siya ulit at sumunod sa kanya.

It's been a long time since I went here, I can hardly remember those who have gone around here.

Tila isang palasyo ng makapasok ako. Naalala ko itong nasa harapan ko, ang lumang tore na mataas. Diyan pinapasok ang mga ilang nagtitraining at ang narinig ko noon, kung hindi lang talaga malakas ang pananalig mo na makakalabas kapa ay baka mabaliw ka sa loob.

Gutom, walang ilaw, walang tubig o kahit ano sa loob ng tatlong araw. Pagkatapos nun' ay isasabak ka agad sa battle field.

Ang battle field ay pa kurting bilog, ang mga manonood ay nakapalibot sa battle field at mataas ang parte nito kumpara sa battle ground na dudungawin pa nila.


I shivered, thinking that...mararanasan ko ang lahat na iyon.

Iyong battle field na pahirapan para makuha mo ang weapon na panglaban mo sa iyong kaaway. Swerte mo kung pupuruhan kalang at hindi ka papatayin.


Dito, kung mamamatay ka,ililibing kalang. With no memories, no ones there to cry for you, just your body burried under the ground until they will all forgot....like you never exist.



Paano kapag, namali ako? I know alot about of guns but I do not know how to use or handle them. I do not know how to kill! Hindi ko gagawin iyon!



Bakit nagawa ng sariling daddy ko ito sa akin?

Marami akong nakita. Mapababae o lalaki ay manghang napatingin sa akin. Alam ko na kilala nila ako at siguro, iniisip nila kung bakit ako pinasok dito.



Ang lugar na ito ay parang kastilyo. Maging ang mga kwarto na nakikita ko ay luma ang pintuan at ang mga haligi nito ay mga bato.



"This is your room. May mga damit na sa loob. And...give me your cellphone."

Nilahad ni Florentino ang kamay niya sa akin. I gritted ny teeth and rolled my eyes.


Akala ko malilimutan na niya yung cellphone ko na hindi pwede dito. Kinuha ko mula sa loob ng aking bra ang aking cellphone at binigay sa kanya.


He smirked.


"Magbihis ka at kailangan mo nang matuto. Walang pahinga dito. Kung gusto mo mabuhay, maghirap ka."

Tinitigan niya ang labas at napatingin rin ako doon.

"Papalubog na ang araw, dito samin, hindi nakakain kung hindi nagtatrabaho. Good luck pretty girl."



Humalakhak siya palabas ng kwarto ko at nanlumo ako. I heard that their food here is not that good.

Tumingin ako sa bintana at lumapit doon. Mula sa bintana ay kitang kita ko ang kanang banda, ang battle field.


Nanlaki ang mata ko ng makita si Delailah doon! She's here too?


Nakita ko kung paano siya sumuntok at tumama iyon sa babaeng ka tunggali niya sa araw na ito. Lumagapak ang babae at duguan ang ilong.


I shivered. Fuck!

Paano ako mabubuhay dito?

THANOS (Montediajo Series 1)Where stories live. Discover now