"Grabe na miss ko po kayo sobra."

"Sayang nga at hindi ka namin nakita duon sa mindoro." sabi pa ni lola. Hindi ko alam na galing pala sila duon.

"Ano pong ginawa nyo duon?"

"Dumaan lang kami duon dahil may welcome party si Chairman Chavez. Bago kami nagpunta ng maynila." paliwanag ni lolo. Hindi rin nya iyon nabanggit lalo na si Samraz.

"Wala ka man lang nabanggit Samraz na galing na pala sila lolo at lola duon."

"Hindi ka naman nagtanong." sabi nya. Natigilan ako.

Hindi ko naisip na kailangan ko munang magtanong dahil hindi ugali ng lalaking ito ang magkwento ng kung ano-ano ng hindi muna tatanungin.

Umupo sina lolo at lola sa mahabang sofa. Umupo rin ako sa isang mahabang sofa kaharap nila at nagulat akong tumabi si Samraz sa akin kaya nag iwas ako sa kanya.

"Kamusta naman kayo dito?" tanong ni lola.

"Okay naman po."

"Hindi ba kayo nag-aaway?" muling tanong niya.

"Ha ha ha.. Hindi bakit naman po kami mag aaway." sabi ko kasabay ng isang pekeng tawa.

"Sigurado ba?"

"Opo naman po. Diba Samraz. Su......per close tayo." sabi ko at lumapit kay Samraz at inakbayan sya.

Muli na naman akong kinabahan ng maramdaman ko ang kaliwang kamay nya ay nasa bewang ko na.

Halos manlaki na naman ang singkit kong mata. Tinitigan ko sya at ngi-ngiti ngiti pa ito sa harap nila lolo at lola.

Stop Marileigh! Wag kang mag assume. Tigilan mo imagination mo. Tandaan mo. Plastic ang Dracula na yan.

"Close po talaga kami ni Marileigh. Bestfriend po kasi kami." nakangiting sabi nya.

Agad akong bumitaw at hindi mapigilan hindi maubo ng maubo, sa sinabi nya. Parang natuyo na yata ang lalamunan ko.

"Bakit apo? Masama ba pakiramdam mo?" tanong ni lola. Umubo lang ako, masama na agad pakiramdam ko? What the heck.

"Wala po. Kailangan ko lang po uminom ng tubig. Bigla pong sumakit ang lalamunan ko." dahilan ko.

Agad akong tumayo. Na-te-tense ako kay Samraz na hindi ko naman dapat talaga maramdaman. Kumuha ako ng malamig na tubig at agad na uminom.

"Relax Marileigh! Relax!" sabi ko sa sarili ko sabay hinga ng malalim at buga galing sa bibig.

Muli akong bumalik sa sala. Naroon pa rin sila na seryosong nag kwekwentuhan.

"Baka kailangan nyo na po magpahinga lola." tanong ko kay lola.

"Oo nga. Magpapahinga muna ako."

"Ate Jing. Pakihatid na po si Lola sa kwarto nya."

"Opo senyorita."

Tatlo na kaming naiwan sa sala. Mga kunot noo silang dalawa kaya ginaya ko na rin sila.

"Lolo. Kaylan po ba makakauwi sina Mommy at Daddy. Hindi na po kasi sila tumawag uli."

"Hindi ko pa alam apo. Masyadong busy sila."

"Birthday ko na sa linggo. Hindi na ako aasa na uuwi sila." malungkot na sabi ko.

"Tuloy pa rin naman ang birthday mo. May plano ka na ba?"

"Meron po. Marami akong plano lolo."

"Akala ko ba wala kang plano." kunot noo ni Samraz. Sinabi ko lang talaga na wala akong plano, pero ang totoo, nakapagplano na ako bago ako umuwi dito sa Cebu.

"Akala mo lang yun."

"Ano mga plano mo Apo?" muling tanong ni Lolo.

"Kakanta ako sa birthday ko, pero ang gusto ko. Masquerade party."

"Bakit naman ganon ang naisip mo?"

"Basta po lolo. Gusto ko ganon. Saka, sa dito lang din gaganapin. Na-invite ko na rin ang mga kaibigan ko."

Napakalawak ng front yard at back yard namin. Nasa ginta nito ang kinatitirikan ng bahay.

"Naplano mo na ba lahat?" tanong ni Samraz.

"Yes. Ano pa at naging manager ako ng hotel nyo. Kayang kaya ko i-manage mag-isa ang mga plano ko."

"Okay sige kung yan ang gusto mo. Ang mahalaga, ay maging masaya ang nag-iisang apo ko." sabi sa akin ni lolo. "Sige na kailangan ko na rin magpahinga. Sabay sabay na lang tayo maghapunan mamaya." sabi ni lolo at agad na ito pumasok sa kwarto nila ni Lola.

Ngayon. Dalawa na lang kami ni Samraz. Nakatingin sya sakin ng masama. Sanay na ako sa mga tingin nya.

"Anong tinitingin-tingin mo jan? Kulang na lang tusukin mo ko sa mga titig mo sa talas mong tumingin."

"Sino naman ang mga ininvite mong friend? Ngayon ko lang yata nalaman na marami kang kaibigan."

"Oo ah. Marami din ako naging friend. Saka mga classmates namin iyon ni Samira nung elementary. "

"Yun lang?"

"Of course. Meron pa ba? Eh taga mindoro na ang iba." paliwanag ko, pero bakit ako nagpapaliwanag sa kanya. "Teka! Teka! Bakit ako nagpapaliwanag sayo?"

"Aba. Malay ko sayo. At nagpapaliwanag ka." pabalang nyang sagot.

Inis akong tumayo. "Pch! Ang hirap talaga makipag-usap sa hindi totoong tao. Makabalik na nga sa kwarto." inis akong tumayo.

"Anong tingin mo sakin? Peke?"

"Oo. Peke ka. Bait-baitan kuno sa akin pero, ang totoo. Hindi naman talaga mabait. Plastik pag kaharap."

"Anong plastik. Hindi ako ganon."

"Kung hindi ka ganon. Minsan naman patunayan mo, na talagang totoo ang pinapakita mong kabaitan. At kung hindi mo naman kayang panindigan. Wag mo kong ituring na kaibigan. Mas okay pa sakin na lagi tayong nag aaway, dahil duon ako mas nasanay." sabi ko sa kanya.

Lumapit sya ng husto sakin. Nilalabanan ko ang mga tingin nya.

"Alam mo ikaw. Minsan hindi kita maintindihan."

"Wow ha! Ako pa ang hindi maintindihan ah. Ikaw kaya yun. Ang hirap mong spellengin."

"Bakit? Pag naintindihan mo ba ako. Kaya mo na ba akong basahin?" tanong nya na mas lalong nilapit ang mukha nya sa mukha ko. At konting konti na lang mahahalikan na nya ang labi ko.

Kinabahan ako. Sobrang kaba. Napahawak ako sa dibdib ko at nakailang lunok na ng laway. Pakiramdam ko, matutuyo na naman ang lalamunan ko dahil nailunok ko na ang lahat ng laway ko.

"Alam mo bang. GUSTO KITA, kapag nag aaway tayong dalawa." bulong nya, na may pagkakadiin sa salitang gusto kita. At tinalikuran na nya ako.

Heto na naman ako parang naistatwa. Iniwan nya akong, tulala. Walang may gusto sa away pero ang isang ito, gusto ako, kapag nag-aaway kaming dalawa.

Baliw! Sino bang may gusto ng ganon. Ako nga ayoko ng ganon. Pero tama ba? Gusto nya ako? O nabingi na naman ako.

To be continued..

Accidentally In Love with my FrenemyWhere stories live. Discover now