“Yosef.” Sinamaan ko ng tingin ang lalaki. Paano na lang kung marinig siya ng mga kasama namin? Kainis talaga. Natawa siya sa sinabi ko at napairap na lang ako.

“You can do that huh?” aniya. Kumunot ang noo ko sa kaniya. Iniinis talaga ako ng lalaking ‘to.

“Bahala ka nga diyan,” sabi ko sa kaniya. Mahina pa siyang natawa kaya kinurot ko ang gilid niya. Kainis talaga.

“Okay. Sorry haha,” aniya.

Kumain na muna kami bago pumunta sa kaniya-kaniyang room namin. May ipapasa pa ako at sila naman ay ganun din. May quiz din sila Yosef ngayon.

My blockmates greeted me also. Nagulat pa ako doon dahil hindi naman sila ganun sa akin dati. Nagpasalamat na din ako, siguro ay sinabihan na sila ni dad na pumunta din sa bahay mamaya. Ang ilan kasi sa mga parents ng blockmates ko ay katrabaho din ni dad kaya sigurado akong pupunta din sila. Nakatanggap agad ako ng regalo mula sa kanila.

Nang matapos na ako sa mga activity ay agad ko naman iyong pinasa sa mga prof. ko. Nagtext na din sa akin sila Aria na magkita kami sa cafeteria. Mukhang excited na ata silang umuwi at pumunta sa bahay. Medyo kinakabahan nga ako, hindi ko alam kung bakit.

“Marami kang bisita?” Tanong sa akin ni Aria.

“Siguro. Karamihan naman ay katrabaho ni dad,” sabi ko. Ngumiwi si Aria sa akin, parang hindi pa makapaniwala sa sinabi ko. Ano pa nga ba, si dad kasi ang gumastos kaya siya daw dapat ang may pinakamaraming bisita. Napailing na lang ako.

“You eat,” ani Yosef sa akin. Kanina pa nga kami kain nang kain tapos papakainin niya ulit ako.

“I’m full,” sabi ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko pero agad din namang umayos ng upo. Kumain na ulit sila Aria habang nag-uusap ng mga mangyayari mamaya sa party ko. Uminom na lang ako ng milk tea at nakinig sa kanila.

Siguro naman hindi nila napansin na paika-ika ako kung maglakad. Kasi naman masakit pa din talaga ang hita ko lalo na ‘yung gitna! Bakit ba kasi kagabi iyon nangyari. Sakto naman na may pasok pa kami ngayon. Hindi pa din ako makapaniwala na nangyari na iyon sa amin.

“What’s wrong?” aniya sa akin. Tatanongin talaga niya ako nun. Talaga ba Yosef? Kainis talaga ang lalaking ‘to.

“Nagtanong ka pa,” sabi ko sa kaniya.

“Nagagaya ka na kay Aria. Ang sungit,” aniya. Kumunot ang noo ko sa kaniya. Sinabi ba talaga niya iyon. Hindi kaya ako masungit no. Siguro nga nahawa na ako dito kila Aria. Kasi naman, kung minsan kung ano-ano na ang mga sinasabi nila sa akin.

“Nag-aaway kayo?” Napatingin ako kay Venn na nakakunot ang noo sa amin. Napatingin din tuloy sa amin ang mga kasama namin sa table. Umiling agad ako sa kanila.

“No,” ani Yosef. Ngumisi si Troy na sinabayan ni Zymon. Ano na naman kayang iniisip ng dalawang ‘to. Puro kalokohan na naman.

“Kanina pa ‘yan ng bubulongan mahal, hayaan mo na,” ani Troy sa kaniya girlfriend.

“Inggit si Troy,” ani Caelus. Pabiro naman siyang sinapak ni Troy kaya napadaing ‘tong si Caelus at ngumuso. Tumingin pa sa kaniya g girlfriend na parang nagsusumbong.

“Ang mature,” ani Chelsie at umiling. Nagtawanan kaming lahat doon.

“By the way. May sakit ba ang birthday girl? Bakit paika-ika ka maglakad?” Tanong ni Naih.

Napahinto tuloy ako at muntik pang masamid dahil sa sinabi ni Naih. Napansin talaga nila iyon? Akala ko hindi. Bakit naman?

“H-Huh? Wala n-naman…” sabi ko at umiwas ng tingin. Sinamaan ko pa ng tingin si Yosef dahil feeling ko ay matatawa siya. Nag-iinit na tuloy ang pisngi ko.

Baka mahalata kami!

Mabuti na lang at hindi na nagtanong pa sila Chelsie. Natapos na din kami sa mga ginagawa namin at agad na pumunta sa bahay. May ilan ng mga tao at agad din naman akong pumunta sa kwarto ko para makapagbihis ng dress. Nang makababa ay nakita ko agad sila mommy. Tumingin agad sila sa akin at niyakap ako.

“Happy birthday anak,” ani mommy. Nagyakap ulit kami at ganun din si dad. Umalis din naman si daddy dahil may kausap siyang mga katrabaho niya. Hindi ko alam kung akin ba ‘tong party o sa kaniya.

Lumapit na din sa amin sila Yosef. Medyo nag-alangan pa ako dahil kasama namin si mommy. Baka mahalata niya kami ni Yosef.

“Happy birthday!” bati nila Aria sa akin at niyakap ako. Inabot na din nila ang mga regalo sa akin at pinalagay ko iyon sa mga maid sa isang table.

“Hi po tita,” bati ni Yosef kay mommy.

“Hi son in law.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mommy. Nagkatinginan pa kami ni Yosef pero agad din siyang umiwas ng tingin sa akin. Alam na nga ni mommy? Paano?

“Mom?” Tawag ko kay mommy.

“I know anak. Don’t worry, hindi ko sasabihin sa daddy mo. Nalaman ko na si Yosef dahil nakita kong hinatid ka niya sa bahay,” ani mommy sa akin.

Hindi pa din ako makapaniwala na alam na ni mommy. So, ang problema na lang ay si daddy. Napatingin tuloy ako kay daddy na ngayon ay nakikipag-usap pa din sa mga kaibigan niya. Ano kayang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang may relasiyon kami ni Yosef. Kinakabahan na tuloy ako sa kakaisip.

“It’s okay anak,” ani mommy sa akin. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya ulit.

“Thanks mom, you’re the best. I love you,” sabi ko sa kaniya. Ngumiti sa akin si mommy.

“Basta ikaw,” aniya. Nagtawanan kami nila mom at nagkukwentohan pa pagkatapos ay nagpaalam siya na pupunta muna sa ilan din niyang mga kaibigan.

Lumapit din ako sa ilan kong mga bisita para kamustahin sila. Nawala tuloy ang kaba ko dahil hindi naman galit si mommy. Si dad na lang ang walang alam at kailangan ko na ding mag-isip kung paano ko sasabihin sa kaniya ang relasiyon namin ni Yosef.

Bumalik lang din ako sa table namin nila Yosef at nakitang nag-iinom na sila. Tumabi ako may Yosef at humarap sa kaniya. Ang lalaking ‘to. Alam na din pala niya na alam ni mommy ang tungkol sa amin.

“Ikaw, hindi mo sinabi sa akin na alam na ni mom,” sabi ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya sa akin bago kainin iyong lemon na nasa tequila.

“That’s not my fault, tita Miles said that I’ll be quiet,” aniya.

“Talagang close na kayo ni mommy ah?” sabi ko at ininom iyong beer na nasa table.

“Goodluck na lang kay dad,” sabi ko pa. Napatigil tuloy siya sa sinabi ko at parang hindi alam ang sasabihin. Napatawa tuloy ako. Takot din ata.

“Are you afraid?” Tanong ko sa kaniya.

“What?” aniya at napatingin sa akin. Umiling na lang ako at kumuha ng steak at kinain iyon.

Naramdaman ko ang kaniyang kamay sa bewang ko. Tumingin ako sa kaniya at nakita kong nakangiti na siya sa akin.

“Happy birthday baby,” he said before giving me a soft kiss. “I love you,” he whispered.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon