Bakit ba kasi nagkagusto ako agad sa kaniya? Alam ko naman na may fiance na siya. Ano na lang ang sasabihin ng iba? Pero hindi na naman ako lumalapit sa kaniya kaya wala na ding magaakala pa sa akin. Hindi ko na nga ipipilit ang sarili ko sa kaniya. I know that he’s happy with his fiance. Masaya naman ako para sa kaniya.

“I don’t like that girl! Ang arte,” rinig kong sabi ni Naih. Nagtangoan naman ang lalaki sa sinabi niya. Napapansin din ata ang ugali nung fiance ni Yosef.

“Same. Akala mo naman talaga mabait eh. Kapag kaharap na sila tita, ang bait,” sabi ni Venn.

“Hay naku, ewan ko ba kung bakit nagtitiis ‘yang si Yosef.” Iiling na sabi ni Chelsie. Nanatili lang ang tingin ko sa pagkain habang nakikinig pa din sa kanila. Hindi ko din naman alam kong anong sasabihin sa kanila kaya mas mabuting makinig na lang sa kanila.

Napansin ko ang pagtingin nila sa akin. Mukhang may sasabihin pero wala namang nagsalita sa kanila. Bumilis lang ulit ang tibok ng puso ko nang marinig na may nagsalita sa may likoran ko.

“Wow! Complete?” I heard Mikaela’s voice.

“Tss,” ani Aria at umirap pa. Naramdaman ko ang pag-upo nila sa may gilid ko. Hindi ko naman sila katabi dahil si Naih at Zymon ang katabi ko. Doon ata sila tumabi kay Zymon. Sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung aalis ba ako o mananatili ba ako dito kasama sila.

“Grabe nakakapagod ngayong araw. Mabuti na lang sinundo ako ni Yosef,” ani Mikaela.

Parang may ibang tono pa iyong boses niya. Ganun ba talaga siya magsalita? O baka may pinaparinggan lang siya ngayon? Hindi ko na lang iyon pinansin at uminom na lang sa milk tea ko.

“Ingay,” ani Chelsie.

Hindi man ako nakatingin sa kanila ay mukhang masama na nga ang tingin nila sa babae. Bakit ba kasi dito pa sila naupo? Pwede naman na pumunta na lang sila sa iba. Hindi iyong dito pa, baka makaistorbo pa kami sa kanila eh.

“What’s your problem?” Doon na ako napatingin kay Mikaela dahil mukhang galit na nga siya.

“What?” Kunot noong tanong ni Chelsie.

“Bakit ang init ng ulo niyo sa akin? For your information, I’m Yosef’s fiance!” galit na sabi ni Mikaela.

Okay?

“What are you saying? Baliw ka ba?” Tanong ni Aria na tumayo na para tingnan ang babae.

Nakakakuha na kami ng atensiyon dahil ang lalakas ng boses ng mga kasama ko sa table. Bakit ba bigla na silang nagsisigawan? Kanina ay maayos naman ang lahat.

“What?” Gulat na tanong ni Mikaela at kulang na lang ay saktan ang pinsan ko. “Yosef your friends are disgusting!” inis na sabi niya nang balingan ang lalaki.

Wala namang reaksiyon si Yosef at mukhang gusto pa ata ang nagyayari. Bakit ayaw niyang awatin iyong fiance niya?

“Stop, Mikaela,” aniya.

“Umalis ka na lang nga. Wag kang gumagawa ng eksena dito,” ani Naih. Akala ko ay magsasalita pa si Mikaela pero agad din siyang naglakad palayo sa amin.

Kanina pa ako basa nang basa dito sa library. Masakit na nga ang ulo ko pero okay lang din at may mga nabasa ako. May quiz kami bukas kaya kailangang magreview.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Where stories live. Discover now