"Toni, I'm sorry." si Chin na naiiyak na.

"Sorry para saan? Bakit?"

"He's gone." Si Michael. Nakayuko ito nang binitiwan ang mga salitang iyon ngunit nagtaas agad ito ng paningin nang bigla siyang napaupo nang malakas sa tabi ni Chinchin. "I'm sorry."

Tumingin siya sa mukha ni Michael. Nang-aakusa. Pagkatapos ay binalingan niya ang kanyang mama. "Ma," Para siyang nagsusumamo rito. "Ma…"

Lumapit sa kanya ang kanyang mama. Niyakap siya. Wala siyang maramdaman. Sa sobrang sakit ay para siyang namanhid. Gusto na lamang niyang mahimatay. "Toni…"

"Totoo ba?" Para ba siyang papanawan ng katinuan at ng ulirat sa nararamdaman.

Tumango ang mga kausap niya. Kinagat niya ang nakasarado niyang mga kamay. Umiyak siya, umiyak siya nang malakas. Ngunit wala siyang ibang ingay na nalilikha. Parang mapapatid na ang hininga niya sa kanyang nalaman at sa sakit na nararamdaman. 

Was it true? Wala siyang maintindihan. Wala siyang gustong intindihin. "Ma… ma…" Paulit-ulit niyang tawag sa kanyang ina na yakap-yakap siya. "Masakit ma, ang sakit…" Sinusuntok niya ang mga binti dahil sa labis na sakit na nararamdaman. She could not believe  what was happening. "Lorenz…" Sa wakas ay nabanggit niya ang pangalan nito. Para siyang sirang plaka sa paulit-ulit na pagtawag sa pangalan ng binata. Ngunit kahit lumipas ang oras ay hindi nababawasan ang bigat na kanyang nararamdaman. Hinayaan lamang siya ng tatlong kasama na ilabas lahat ng kanyang nararamdaman.

Bakit kailangan itong mangyari? Kung hindi sila para sa isa't isa, bakit kailangan sa ganitong paraan pa? Hindi ba naghiwalay na sila? Hindi ba pwedeng hanggang doon na lamang ang sakit? 

Toni and all their co-teachers were there in Lorenz's last days. Alam niyang alam ng mga ito na sa araw na iyon ay dapat na magkikita sila ng binata. Na dapat ay mag-uusap sila. 

Lumipas ang mga araw, hindi tiyak ni Toni kung saan niya nakuha ang lakas upang pumasok nang muli sa paaralan.

Hindi siya pumasok nang maaga. Ayaw niyang mapag-isa sa loob ng faculty room. Hindi dahil sa takot siya sa multo, kundi dahil takot siya sa mga alaala. Takot din siyang malungkot. She didn't want to feel lonely. Para siyang mababaliw kapag inaalala ang nakaraan kaya mas pinipili niyang wag itong alalahanin. She did not give herself time to grieve nor to think about it. S

Marami na ang guro sa loob ng silid nang pumasok siya. 

"Good morning po." It felt different. Iniwasan niyang mapadako ang tingin sa mesa ni Lorenz. 

"Good morning." Ganting bati sa kanya ng ibang guro. Walang sigla sa loob ng faculty room. Wala ni isang gustong magbukas ng usapan. Ngunit pakiramdam ni Toni ay nakatingin sa kanya ang lahat. Napatingin siya sa pwesto ni Lorenz. Nandun pa rin ang mga gamit nito. Hindi niya napigilan ang mapaluha. Miss na miss niya na ang binata. Paano ba ang paraan upang mawala ang kalungkutang hindi lamang araw-araw kundi segu-segundo niyang nilalabanan? Pinalis niya ang luhang mabilis na nagpatakan sa kanyang mga damit. Hindi matapos-tapos kahit pinipigilan niya na ang sarili.

She longed for his presence, she longed for him. Nais niyang maramdaman muli ang init ng katawan nito sa tuwing yayakapin siya nito. Nais niyang maramdaman ang haplos ng mga kamay nitong parang laging nagsasabing ligtas siya. Nais niyang maamoy muli ang pabango nito kahit na nakaukit na ang amoy nito sa kanyang isipan.

Lumipas ang araw na iba ang pakiramdam ni Toni. Ramdam niya na iba ang pakikitungo sa kanya ng mga kasamahan. May mga usapan pa siya na minsan ay nauulinigan. Sinisisi ba siya ng mga ito sa pagkawala ni Lorenz? 

Alam din ng mga ito na dapat ay magkikita sila ng araw na iyon. Kung nandun ba siya, hindi mangyayari ang nangyari? Maybe yes, maybe no. Parang gusto na rin niyang sisihin ang sarili. Hindi, matagal na rin niyang sinisi at patuloy na sinisisi ang sarili. She should have not asked him to talk. 

Sa tuwing naalala niya si Lorenz ay para siyang sinasaksak. Madiin. Masakit. Nakamamanhid na sakit. Ngunit kahit anong tagal, kahit lumipas ang mga araw, nananatiling sariwa ang sugat na nilikha nito.

Habang nasa loob siya ng faculty room ay may nauulinigan siyang nagkukuwentuhan. Hindi niya alam kung sinasadya ng mga ito na iparinig sa kanya ang pinag-uusapan. 

"Ang masakit pa nun, hindi niya sinipot si Lorenz. Ganda ka 'te?" sabi ng isa.

"Kaya nga. Nauunawaan ko naman na nasasaktan din siya pero diba?"

"Tapos magpopropose pa…"

"Ano?" Lumapit siya sa mga ito. Tila hindi naman nagulat ang mga ito sa kanyang paglapit.

"Hindi mo ba alam, ah kasi hindi ka nagpunta." may pangungutyang sabi ng isa.

"Ano nga? Ako ang pinag-uusapan niyo, tama?"

"Nung araw na yun, magpopropose sayo si Lorenz."

Parang muling niyanig ang buong pagkatao niya sa narinig. Hindi niya alam kung totoo ang sinasabi ng mga ito. Mabilis na nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha. 

"Toni…" Si Sir Bary. Nakapasok na pala ito sa loob ng silid. "Are you okay, hija?" Inalalayan siya nito sa kanyang upuan. Hindi siya makapagsalita. Wala na rin siyang nasabi sa harap ng mga kasamahan, nanatili lamang siyang nakatayo roon na parang estatwa. Iniwan muna siya nito at tinungo ang dalawang guro na kausap niya kanina. Maya-maya ay lumabas ang mga ito.

Silang dalawa na lamang ang natira sa loob ng silid.

Nakatulala siya. Parang tumigil pati pagtibok ng puso niya --- tanging ang mga luha niya lamang ang patuloy sa pagbagsak mula sa kanyang mga mata.  Hindi niya alam kung paanong tatakbong muli ang kanyang buhay mula sa oras na iyon. 

"Toni…" may pag-aalalang simula ni Sir Bary.

"Sir, totoo po ba?" Tumango ang matandang guro. Tila alam na nito ang sinabi sa kanya ng kausap niya kanina.

"Hindi pwede? Hindi ganun ang nangyari. Nakipaghiwalay…"

"Nakausap namin ang mother niya, nagpaalam daw si Lorenz sa kanya na he will ask for your…"

"Bakit?" Naguguluhang tanong niya. "Hindi, Sir…" para siyang nanghihingi ng awa rito. "Sir, hindi ko alam."

"Hindi ka nagpunta nun dahil…"

Tumango siya sa sinabi nito kahit hindi niya alam ang karugtong. "Was it my fault?"

"Don't think that way, dear." Pang-aalo nito. 

"Pero… I should…"

"Toni, may mga pangyayari talaga na hindi natin inaasahan."

Umiyak siya nang umiyak. Mahina ngunit malalim ang sakit na nararamdaman niya.

"Ang sakit Sir, hindi ko na kaya." Para siyang batang dumadaing.

"Wag mong pigilan, Toni." Hinahagod pa nito ang kanyang likod. "Ikakagaan yan ng pakiramdam mo."

Umiling siya. Hindi niya alam kung ilang oras silang nagtagal sa ganoong sitwasyon.

Kinailangan ni Toni na humingi ng leave sapagkat hindi makatutulong sa kanya ang pagpasok araw-araw na sariwang-sariwa pa rin sa kanya ang mga alaala. Matagal-tagal ang hininging pahinga ni Toni. 


Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now