Prologue

2.2K 61 4
                                        



Hindi ko maintindihan ang mga lalaki. Ang hirap nilang basahin. May sarili silang mundo eh. Hindi ko maintindihan kung ano yung bro code na pinagsasabi nila.

Hindi ko rin alam kung ano yung number 1 rule na sinasabi nila. Yung rule na pilit ipinapaalala ni Kuya sa tuwing lalapit sa akin ang best friend niyang si Miko. Kapag tinatanong ko, ang sinasabi lang niya:

"Pinoprotektahan lang kita."

Pinilit kong pumasok sa buhay nilang mga lalaki dahil ako lang ang nag-iisang babae. Pinilit kong makisakay sa mga ginagawa nila. Pero sa tuwing gagawin ko yun, pakiramdam ko, magiging murderer ako dahil sa pang-aasar ng best friend ni Kuya.

Galit na galit ako sa kanya dahil palagi niyang ipinaparamdam sa akin na hindi ako nababagay sa mundo nila. Na hindi dapat ako sumasali sa kanila. Nagalit ako kasi wala akong makasama sa bahay kundi sila lang. Sinusubukan kong makisama sa kanila, pero ayaw niya akong pagbigyan.

Hanggang sa isang araw, may nagparamdam sa akin kung paano mahalin ng isang tao.

Kung paano magkaroon ng taong sayo lang ibibigay ang atensiyon.

Yung taong ipapa-ramdam sakin na worth it ako sa lahat ng bagay.

Masaya ako nang makilala ko siya. Minahal ko siya, pero inilihim ko dahil pinagba-bawalan ako nitong mag-boyfriend. Hanggang sa isang araw. . .

Nalaman ni Miko.

Nilayuan niya ako.

At hindi ko alam kung bakit. . .

Pero namimiss ko ang pang-aasar niya sa akin.

Namimiss ko. . .si Miko na kahit inaasar ako. . .pinapasaya ako.

At hindi ko maintindihan kung anong nangyari, na sa bawat pagbukas ng bibig niya kasabay ng tugtog, bumibilis ang tibok ng puso ko, na parang ako na ang pinaka-masayang tao sa mundo.

Sa istoryang ito masusubok ang pagkakaibigan, pamilya, pagmamahal, at ang paniniwala sa Kanya.

____________

(Prologue written in April 2015)

Author's Note;

*Edited
*Edited
*Edited

Hello!!! :) So, ayun. This is one of my new storiesss. Yeah. New story. Kung sa HBB, yung parehong bida ang mag-best friend, sa istoryang ito, ang mag-best friend ay ang bidang lalaki at ang kapatid ng bidang lalaki. ;)

So, dito mata-tackle ang pagiging protective ng mga KUYA. Haha. Wala naman akong kapatid na lalaki, pero I have my cousin na nagsu-sundo sa akin pagka-galing sa school. Ayun. Nararamdaman ko yung pagiging protective niya. And, may mga kilala at friends kasi akong guys na over protective sa sister nila so, ayun. I just want to share it.

Hindi ko alam kung hanggang ilang chapter ito. I will make this story a humorous one so you'll enjoy reading it, as much as you enjoyed reading His Boyish Bestfriend. :)

So. . .if you want to have an update of this story as early as possible and if you have any thoughts about this story, kindly put a comment below. That will help me for writing this story. I will surely enjoy writing it. So, sana mag-enjoy kayo sa pagbabasa nito when I have the time to update this story. :D Baka after ng HBB2 at RIMD, ito naman ang isulat ko. :)

Ayun lang. Sana nagustuhan niyo ang Prologue.

A Best Friend's Rule [2015 | unedited] ✅Where stories live. Discover now