Prologue

3K 114 202
                                    


--

A gloomy sunday here in the hospital. napaka busy ko ngayong araw dahil sunod sunod ang pasyente sa ward. I need to help all of them dahil hindi na kaya ng ibang nurse dito. mahigit triple ang pasyenteng hawak namin at kahit talagang inaantok ka na, ay hindi ka maaring matulog.

"Jururawat, bolehkah anda membantu ini?" at ito nanaman.

Ilang taon na ako sa Singapore pero napakabobo ko pa din sa lenggwahe nila. sabi ng isang nurse na tulungan ko raw siya sa ibang pasyente.

"Ok tunggu sekejap" tugon ko na sinabing teka lang. at chineck muli ang bawat isa. I asked them what they feel and thank God cause they were all fine.

Na food poison kasi ang karamihan sa kanila at naghalo halo na ang iba't ibang amoy dito sa loob ng ward. ang puting uniform ko nga ay namantsahan na, ngunit mamaya pa ang out ko dahil nag over time ang lahat sa amin.

"Everything's fine?" the doctor asked.

"Yes, doc" tugon namin, sinamahan lang namin siyang mag-ikot at magtala ng ibang detalye ng pasyente bago kami maglinis ng mga kagamitan.

"Kadiri 'no?" sambit ni Dhei, ang kasamahan kong Pilipinang Nurse dito.

"Oo" tugon ko at nagpatuloy sa ginagawa. totoo namang nakakadiri, pero wala kaming magagawa dahil ito ang trabaho namin.

"Magpapalit ka pa ng damit?" tanong nanaman niya at tumango ako. "Hay, kailan kaya ang day-off natin? gusto ko nang maranasan magpahinga!" aniya.

"Hindi ka ba nakikinig? sa isang araw. isang linggo yon, hindi siguro day-off kundi week-off ang tawag don" tugon ko.

"Ay ganon? saan ka pupunta sa day-off?" tanong niya.

"Bahay o baka...uuwi yata? ewan bahala na" sagot ko.

"Ah, buti ka pa kayang makauwi kahit anong oras gustuhin! samantalang ako heto at nagpapadala sa pamilya" sambit niya at nagtungo nalang kami sa locker.

Hindi ko alam pero kapag ibang tao ang kausap ko ay sobrang tamad kong magsalita. I never trust no one, except that one person. I never felt comfortable with anybody, except to that special person. ibang iba ako sa tuwing kasama ko siya, at ibang iba ako sa tuwing kaharap ko ang iba.

Buti nalang nga at mahaba ang pasensya nitong si Dhei at napagtitiisan niya ang ugali ko. kaming dalawa lang kasi ang Pinay dito sa ospital kaya wala siguro siyang magawa kundi makisama nalang.

Mahaba kasi ang pasensiya niya. hindi tulad ng sa akin.

"Hindi ka man lang ba dadaan ng mall para mamili ng pasalubong?" tanong niya habang nasa kabilang cubicle. nagbibihis kasi kami.

"Hindi" sagot ko. I wear a over sized shirt, tucked in my high waisted pants and paired with my white sneakers. inayos ko lang ang uniform ko na lalabhan ko mamaya pag-uwi.

"Ay wait lang pala, naiwanan ko yung bag ko sa labas!" sambit niya at pinahawakan sa akin ang uniform at dali daling lumabas.

I washed my face and comb my hair and put my perfume. ang tagal bago makabalik ni Dhei! uwing uwi na ako at gustong gusto ko na matulog.

"Jade, may naghahanap sa'yo!" sambit niya ng makapasok sa C.R.

"Huh? sino?" tanong ko.

"Basta! tara na, mukhang mag-isa lang akong maglalakad pauwi ah?" aniya habang nilalagay ang mga gamit sa bag at kumunot ang noo ko.

He is Vincent MarcosWhere stories live. Discover now