PREFACE

16 1 0
                                    

Ang sabi nila, kapag daw nakita mo na ang 'the one' mo, tanging siya na lang ang nasa paningin mo. Babagal ang takbo ng oras. Maririnig mo ang paglakas ng pagtibok ng puso mo. Pansamantala ding titigil ang paghinga mo.

Pakiramdam mo ay nagbukas ang bakuran ng langit at kumakanta ang mga anghel sa malalamyos nilang mga tinig.

Unexpected.

Pwedeng mangyari habang kumakain ka sa turo-turo o sa isang mamahaling restaurant. Pwede rin namang nakatayo ka sa loading area habang naghihintay ng masasakyan. O, di kaya ay naglalakad ka sa kahabaan ng EDSA, Ayala ave., o kung saan pa man.

"Uy, Summer! Tira na."

Parang isang malakas na preno ang nagpabalik ng ulirat ko.

Naglalaro nga pala kami ni kuya Louis ng Chess. Siya lang kasi ang makulit kong maglaro ng chess eh.

Si Spring nagpapaka-Aurora ng sleeping beauty pa. Si Winter, ayun, busy. As usual. Si Autumn nasa taas. Nanonood na naman ng series 'yun sa laptop niya.

"Galaw-galaw. Baka mai-stroke!" Pangangantyaw pa ni kuya Louis.

Habang ako ay may hawak isang chess piece na-ititira ko na sana pero nabitin sa ere dahil sa presensya ng isang lalaking bagong dating lang.

"Teka, sino po siya?" Tanong ko sa kasambahay namin.

Lumingon na rin ni kuya Louis para tignan kung sino 'yung tinutukoy ko.

Sa labing-pitong taon kong nabubuhay, siya na ang perfect example ko ng gwapo para sa akin.

"Bisita ng ate Autumn mo." Parang kinikilig pa si manang na sagot sa akin pagkatapos ay tinawag na si Autumn.

Napatango na lang ako at tahimik na nananalangin na kaibigan lang siya ni Autumn.

"Oh, Pocholo! You're here na pala." Masiglang bati ni Autumn sa lalaki.

Nagpatuloy na ulit kami ni Kuya Louis sa paglalaro pero this time, wala na ang buong atensyon ko sa paglalaro.

"Dinaan ko na 'tong mga files na hinihiram mo. Tutal may pinuntahan lang din ako sa malapit dito." Dinig kong sabi nito kay Autumn habang pinipigilan ko ang sarili kong tignan siya.

"Oh my gosh! Oh my gosh! Thank you, Poch! Super hirap na hirap na akong hanapin 'to. Good thing meron ka! Thank you so much talaga!" Paghihisterya ni Autumn.

"By the way, meet my baby sister, Summer." Pagpapakilala sa akin ni Autumn kay Pocholo.

Nahihiyang kumaway lang ako.

"He's Louis, Spring's best friend, my other sister. Pero, tulog pa kasi siya. You'll meet her some other time." Naghandshake naman silang dalawang lalaki.

"That lady over there na mukhang busy, as always, our older sister, Winter." Sabi ni Autumn na tinuro si Winter na nakaupo sa den at nakatutok sa laptop na may nakasalpak na earphones sa magkabilang tengga.

"Guys, meet Pocholo, a very good friend of mine."

Gusto kong magdiwang at magtatalon sa tuwa nang sabihing good friend lang siya ni Autumn. Knowing Autumn, kapag kaibigan ang pagpapakilala niya sa isang tao, kaibigan lang talaga.

Hindi rin naman nagtagal si Pocholo dahil nga, napadaan lang naman daw talaga siya.

And this day, I will surely not forget.

***
Als' note: Comments are highly appreciated. Thank you! :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forever yours, SummerWhere stories live. Discover now