Nagulat na lamang siya na may pumaikot na kamay sa kanyang leeg at tumambad ulit sa kanya ang kutsilyo.

"Magdasal kana dahil ito na ang huling araw mo, tagapagmana ni Mr. Sy." Sabi nito sabay tawa.

"Sino kayo?! Pakawalan nyo ko!" Sigaw niya.

"Bago iyon, papahirapan ka namin." Misteryoso pa ring sabi ng lalaki sa kanya."Andito na pala si Boss." Sabi nito at napatingin siya sa pinto.

Dahan-dahan bumukas ang pinto ng kotse. Nakita niyang may nakatayong lalaki at an bumungad sa kanya si...

"Patayin na ba natin, Boss?" Nakangiting sabi ng lalaki habang nakatutok pa rin sa leeg niya ang hawak nitong kutsilyo.

"Papahirapan muna natin siya." Nakatingin ng seryoso sa kanya na sabi nito.

"Dylan." Sambit niya sa pagkagulat nang makita ito.

Naidilat na lamang ni Ros ang mga mata nang bumalik ang alaala niya. Nanlalaki pa rin ang mata na umangat siya ng tingin habang hawak pa rin niya ang kanyang ulo. Nakatingin lamang siya sa lalaking kausap ni Lady Beth na pamilyar sa kanya. Ang taong ito ay ang taong dahilan bakit wala siyang naaalala ngayon. Siya ang gusto pumatay sa Ros noon.

Doon naisip niya ang isang dahilan. Dahilan bakit lumalapit ito kay Elizabeth para mapalapit sa kanya at magtagumpay sa plano nitong pagpatay sa kanya. Hindi niya alam ano dahilan at paano  nakatakas sa kanila. Hindi rin niya malaman bakit siya pinapapatay nito at iyon ang aalamin niya.

Naging seryoso ang mukha na lumapit siya sa kinaroroonan ng mga ito.

"Nandito na pala siya." Turan ni Lady Beth nang makita siyang papalapit.

Nang makalapit siya ay tiningnan lamang niya ng seryoso si Dylan hanggang magkaroon ng tensyon sa tinginan nilang dalawa.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Kanina pa kong papalit-palit ng tingin sa dalawa. Ang tagal nilang magtitigan na akala mo sa Korean drama na matagal na mag-lovers na hindi nagkita. Hindi ko alam bakit ganito sila, siguro ito way nila para makipagkilala.

Di nagtagal, si Ros na tumigil ng katahimikan nila.

"Hi! I'm Ros." Pagpapakilala nito dito habang may malaking ngiti sa labi nito sabay lapat ng kamay

"I'm Dylan, Dylan Lorenzo." Nakangiting natural sabi ni Sir at tinanggap pakikikamay nito sa kanya.

Nawala nalang bigla ang ngiti sa mga labi ni Ros. Napalitan ng kakaibang ekspresyon. Di naman nagtagal, ngumiti na naman si Ros saka sila ng hiwalay sa pagshi-shake hands. Feeling ko tuloy may sayad si Ros. Nakangiti kanina tapos biglang seryoso tapos ngiti na naman.

Timang na ata siya.

"Salamat pala." Pasalamat ni Ros kay Sir Dylan.

Bahagyang nagulat naman si Sir Dylan."Marunong ka magtaga---I mean, wala iyon." Namali na sabi ni Sir. "So, tara? Pasok na tayo?" Yaya na nito sa amin sabay turo sa restaurant na nasa harapan namin.

MANDY YU POV:)

"Si ano yun ah?"

Nakita ko nalang si Johnser na kakalabas lang ng kotse. Nagulat pa kaming dalawa nang makita namin ang isa't-isa halos naituro ko pa siya. Ano ginagawa niya dito? Nandito rin ba siya para may i-meet ko makipagkita kay Dylan?

"Ginagawa mo dito?" Tanong ko kaagad at lumapit ako dito.

Imbes sagutin niya ako, dinaanan lang niya ako. Akala mo nanlilimos ako sa kanya tapos wala maibigay siya sa akin kaya iniiwan nalang niya ako. Kahit kailan talaga masyadong bastos si Johnser. Di na ko magtataka kung wala pa siyang jowa ngayon. Nakakatakot naman kasi ang ugali niya.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Where stories live. Discover now