Tiningnan siya ng babae saka ang direksyon na tinuturo n'ya. "Free shuttle to the city proper," 'yun lang ang sagot nito saka siya iniwan.

Ang laking tuwa ni Kam. Wala siyang pakialam kung masungit 'yung babae. Free shuttle daw!

Walang kahirap-hirap na binitbit niya ang kanyang mga bagahe kaya napapatingin sa kanya ang mga mortal na naroon. Iniisip siguro ng mga 'to na professional wrestler s'ya dahil sa lakas n'ya. Well, she was a Pureblood. Wala lang sa kanya itong mabibigat niyang mga maleta.

Hindi nagtagal ay nakita na nga niya ang limang nakahilerang mga shuttle. Pero bago siya nakasakay ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan at agad siyang nabasa. As in basang-basa. Nagtakbuhan ang mga tao kaya gumaya na rin siya, using a little bit of her vampire speed. Sumakay na siya sa shuttle na nasa unahan at umupo sa pinakadulo.

This was so exciting. Hindi pa rin nasisira ang mood niya despite everything that happened.

Eleven months ago, she begged her parents to send her to Sentry Academy. Bata pa lang siya ay pangarap na niyang makapag-aral doon. Naalala n'ya kasi kung paano sila sinagip ng mga Sentry mula sa nasusunog nilang mansyon. Her whole family and the people working for them survived the explosion because of the Sentries who just happened to be in the area.

At dahil mataas din ang tingin ng kanyang mga magulang sa mga Sentry, pinayagan s'ya ng mga 'to in one condition. She must do very well in school. Top one! Kung hindi siya top one, pauuwiin siya ng mga ito sa Chilakest at ipapa-aral ng business.

Kaya naman gagawin n'ya ang lahat para maging Sentry at 'yun ay sa pamamagitan ng pagkuha ng top one.

Tahimik ang buong shuttle hanggang sa sumakay ang isang grupo ng mga kabataang katulad n'ya. Lahat gwapo at magaganda. Parang mga supermodel.

"Teka. Bakit hindi sila basa?" bulong ni Kam sa sarili saka napatingin sa bintana sa tabi niya at nalaman niyang tumigil na ang ulan.

Gan'on lang? Gusto lang talaga nitong basain s'ya?

Coincidence lang ba o talagang malas lang s'ya?

Muli siyang napatingin sa grupo ng mga Purebloods na panay pa rin ang tawanan. Nagsiupuan na ang mga ito hanggang sa isa na lang ang natira.

Literal na napanganga si Kam nang makita ito. Itim ang kanyang buhok, asul ang mga mata na parang ngumingiti, perpektong ilong, magagandang mga labi, nakakamatay na jawline and he was tall.

Tumingin-tingin ito sa paligid and to Kam's delight, wala nang bakanteng upuan maliban sa tabi n'ya. She almost shrieked when he sat down beside her. Nasagi pa ng hita nito ang hita n'ya.

"Bloodworth, sarap mo talagang kasama 'pag maulan," sigaw ng isa sa mga kaibigan nito na tinawanan ng iba.

Pasimpleng sinulyapan ni Kam ang katabi n'ya at halos mahimatay siya sa perfect side profile nito. Wala halos makitang pores. At kapag ngumingiti ito ay sumasabay sa pagngiti ang mga mata nito.

"Stop using me, dude! Masakit sa heart," anang katabi n'ya at tila kiniliti ng maganda nitong boses ang puso ni Kam.

Napansin yata ng lalaki na nakatitig lang dito si Kam kaya lumingon ito sa kanya. Akala niya ay magagalit ito pero patuloy lang ito sa pagngiti at tinanguan siya bago muling nakipag-usap sa kaibigan na nasa unahan.

Kinikilig na tumingin si Kam sa bintana. Ang saya palang sumakay ng shuttle. Salamat nadukutan siya dahil kung hindi ay paniguradong nag-taxi na siya.

Natigil lang siya sa kanyang malanding pag-iisip nang nagsimula nang umusad ang shuttle at lumakas ang hangin mula sa air-condition. Dahil basa pa rin ang damit niya, bigla na lamang siyang nanginig sa ginaw.

Blood MenaceWhere stories live. Discover now