Ikaunang kabanata

29 2 0
                                    

Paano kapag isang araw ay bigla nalang akong maglaho sa mundong ito, May makakapansin kaya? at kung meron man sino siya? Matutulungan niya ba ako? Kasi kung hindi ay para saan pa ang pagpansin niya sa akin kung hindi niya naman ako matutulungan.

Ayan ang mga katanungan na lagi kong tinatanong sa sarili ko, mga katanungan na malabong masagot ng nino man.

"Naelle, halika na malalate ka na sa schedule mo anong oras na oh" Sabay hawak niya sa braso ko.

He is dominic my ex, simula noong nagartista ako ay panay lapit nanaman niya sa akin, eh wala naman na kami and excuse me! siya ang nakipag break, napaka kapal naman ng mukha niya na magpakita pa sa harap ko.

"don't.touch.me" madiin na pagkakasabi ko sakanya, tinignan ko siya ng madilim at lumabas na sa office.

"Tara na, ihahatid na kita" nakangiting sabi niya, hah! Hahatid niya ako?! Sinapian ba siya ni Satanas, eh nung kami pa is never pa niya akong hinatid.

Hindi pa din ako makapaniwala sa rason niya noong nag break kami, masakit pa din pala akala ko ayos na ako.

'FLASHBACK'

"Naelle, let's meet sa park malapit sainyo i need to talk to you" bahagya akong nagulat dahil hindi naman siya nakikipagkita ng walang dahilan. It's either may problema siya at hihingi ng advice o paguusapan namin yung pinagawayan namin.

"Okay baby wait lang magaayos lang ako and then pupunta na ako diyan sa park okayy?? Bye love you." hindi ko alam pero may parte sakin na parang wag akong tumuloy, pinilig ko nalang ang ulo ko at nagbihis na.

Agad akong natuwa nung makita ko si dominic sa may swing, ang cute niya lalo na kapag naka pout, siya yung tipong ideal ng mga babae, nasa kaniya na lahat he is handsome, smart, ayon nga lang hindi siya ganon kabait dahil never niya pa akong hinatid sa bahay at hindi na ulit ako nakapunta sa bahay nila dahil tumatanggi siya at nagbibigay lagi ng rason para hindi kami pumunta sa bahay nila. Ewan ko kung bakit, ikinakahiya niya ba ako kasi mahirap lang kami? Pagdating talaga sa estado ng buhay talo na ako.

but most of the time tinitreat niya naman ako ng maayos, lagi niya akong iniispoil. ang tawag ko na nga minsan sakanya ay sugar daddy.

"Boo!!" Agad siyang napaupo sa may damuhan sa sobrang gulat.

"HAHHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAA MUKHA KANG PALAKA DIYAN DOMINIC AHHAHAHAHAHAAHAHA" Hindi ko na napigilan ang tawa ko dahil mukha talaga siyang palaka na nagulat.

"Jesus, Gwenaelle ano ba!! Hindi nakakatuwa" Hay nako kahit kailan talaga napaka pikon nito.

"Sorry it's just HAHAHHAHA nakakatuwa yung itsura mo kapag nagugulat nagmumukha kang frog HAHAHHAHAHAHAHAHA" Agad siyang tumingin sakin ng masama at tumayo sa damuhan.

Agad naman akong napahinto sa pagtawa ng tumingin siya sa akin ng seryoso.

"ahem, so anong paguusapan natin? May problema ba sa bahay niyo? Need mo ba ng-"

"Let's break up"

Teka, tama ba yung pagkarinig ko? O sadyang bingi lang ako haha pero ano daw sabi niya? Gusto niya daw pancit?

"Edi wow HAHAHAAHA nangpraprank ka nanaman! Siguro ginagantihan mo ko kasi ginulat kita noh tsktsk hindi mo ko madadaan sa ganyan mo heh!" Hindi ako tanga, pero ngayon magtatanga tangahan na muna ako, sana nga nagbibiro lang talaga siya.

Unlucky LifeWhere stories live. Discover now