Nang di na siya nagsalita pa ay muli ko siyang tinignan. Tahimik lang siya habang nakatitig pa rin sa family picture namin.

Hindi ko sinabi sa kanya pero tinawagan ko ang hospital kanina habang mag-isa ako sa kwarto. Tinanong ko kung may naging pasyente ba silang "Mika" nitong mga nakaraang linggo pero dahil wala akong maibigay na apelyido nang hingin nila ay di rin sila pwedeng mag-disclose ng impormasyon. Nakiusap ako pero di talaga pwede kasi confidential rin daw ang mga pangalan ng naging patients nila.

Ayokong sabihin sa kanya kasi wala naman akong nakuhang impormasyon dun sa hospital. Ayokong nakikita ang lungkot sa mga mata niya.

-----------------

Napabalikwas ako ng bangon habang pinagpapawisan nang malagkit.

Napapadalas na ang mga pananaginip ko nitong mga nakaraang buwan.

Pagtingin ko sa wall clock ay alas kwatro palang ng madaling araw. Bigla akong nakaramdam ng uhaw kaya lumabas ako ng kwarto.

Agad kong napansin ang babaeng nakaupo sa couch sa sala habang nakatingin sa kawalan.

"Hindi ka ba natutulog?"tanong ko nang lapitan siya at naupo sa kaharap na sofa.

Hindi nakasindi ang ilaw kaya medyo madilim ang paligid kasi wala pa namang araw kaya kunti lang ang liwanag na nagmumula sa bintana. Pero kitang-kita ko ang hugis ng mukha niya, ang mahahaba niyang pilik-mata na mas lalo pang nagpapaganda sa kulay brown niyang mga mata, yung matangos niyang ilong at mapula niyang labi.

Parang nag-slow motion nga ang paligid nang dahan-dahang binaling ni Mika ang tingin niya sakin. Nakikita ko ang pagbuka ng bibig niya pero wala akong marinig na kahit ano. Nakatingin lang ako sa kanya.

Posible bang maging maganda ang multo, yung tipong pag tinignan mo di ka maniniwalang multo ang kaharap mo?

"Di ka naman yata nakikinig eh."

Namalayan ko na lang na nakakunot ang noo ni Mika habang nakatingin sakin.

"Ha? Ah ano kasi--"

Bigla namang tumunog ang phone ko na nakapatong sa mesa. Naiwan ko pala dito sa sala bago ako natulog.

Bang calling...

"Sagutin mo na yan.." sabi ni Mika nang di ko pa agad sinagot ang tawag.

Bakit kaya napatawag siya nang madaling araw?

"Hello?" tumayo ako saka nag-excuse kay Mika.

"Hon, how are you? Nakaistorbo ba ako? Naisipan kong tumawag nang maaga kasi alam kong gising ka na. I just wanna check on you kasi namimiss na kita."

"Im fine. Ikaw?" di ko na lang binanggit na nahirapan na naman ako sa pagtulog.

"Eto puyat. Kanina lang kasi natapos yung after party eh tapos isang oras lang yung tulog ko kasi di ko talaga feel dito. Anyway, how's you knees?" nag-aalalang tanong niya.

"Aww kawawa ka naman diyan.Haha. Ayos na ang tuhod ko. Mild MCL lang naman eh. By next week pwede na kong bumalik ng training."

Matagal na hindi nakasagot si Bang sa kabilang linya kaya nagtaka ako.

"Hello?"

"Hon, may sasabihin sana ako sayo eh."sa wakas ay sagot niya.

"Ano yun?"

"Ahm.. remember you also had Big Bone Bruise and MCL on the same knee two years ago beacause of the car incident..'

"I know.."

"Ah kasi naisip ko na.. what if next time di na kayanin ng tuhod mo.Worse could happen. Like ACL ganun. You know, meron ka namang trabaho... Baka pwedeng tumigil ka na lang sa paglalaro."

Hindi ako nakaimik pagkatapos magsalita ni Bang.

I understand her. Naiintindihan ko ang pag-aalala niya. After all, siya ang nag-alaga sakin noon after ng accident. Basta dun ko napatunayan kung anong klaseng kaibigan talaga siya at eventually nga ay naging kami na.

"I know mahirap yun sayo." patuloy niya. "Alam ko kaso nahirapan rin ako ng umalis ako sa paglalaro. Pero hon, please naman..."

"Bang..."

Hindi ko kayang iwan ang volleyball. Naisipan ko na rin noon na mag-focus na lang sa trabaho ko pero di ko talaga ma-imagine ang sarili ko na hindi naglalaro. Isa pa, there's something na pumipigil sakin na iwan ang paglalaro. Hilig ko yun eh. Gusto ko yun.

"Okay. I'll give you time to think. It's your life. Pero hon, pag-isipan mo."

Nang di pa rin ako nagsalita ay nagpaalam na rin siya.

Hindi ko in-expect na hihingin sakin yun ni Bang. Siya kasi yung klase ng tao na hindi demanding at hindi madikta.

Sorry Bang. Di ko talaga kaya.

------------
Thanks for Reading:)
------------

LOVE Over MATTER (Mika Reyes - Ara Galang)Where stories live. Discover now