Pangkatuwaan Mo Lang Ako

204 9 0
                                    

Oo Mahal Kita ano masaya kana?
Mahal Kita at inaamin ko na
Nahulog lang naman ang puso ko dahil sa pagbibigay mo ng motibong gusto mo 'ko ngunit di pala totoo
At ang nakakatuwa pa nun dahil umasa ako, umasa akong Mahal mo din ako kagaya nang pagmamahal ko para sayo
Ang tanga- tanga ko dahil naniwala ako sa mga biro mo
Biro mong ikaw lang ang naging masaya sa panloloko mo
Pero Alam mo yung kinaiinisan ko?
Dahil sa twing mga mata'y nagkatagpo
Di maiwasang umasang "SANA MAHALIN MO RIN AKO"
At sa twing nagkikita tayo nalilimutan ko lahat ng mga galit at inis ko sayo
Isang araw naglakas loob akong tanungin ka
Kung meron bang katotohanan at hindi sa mga chats mo
Alam ko namang sagot mo na joke lang Yun at hindi iyon totoo , abot langit ang kaba ko pero hindi ko namalayang
Kusang nagsalita nalang yung bibig ko at doon
Parang gumuho ang mundo ko nang narinig ko mismo sa bibig mo na " wala lang Yun ", "kalimutan mo na Yun", "sos, dati lang Yun" "wag Kang maniwala dun"
Gusto Kong lumuha pero Wala akong magawa dahil
Alam kong pampalipas oras mo Lang ako, pangkatuwaan mo lang ako sa twing offline yung Mahal mo
Wala akong karapatang magalit dahil unang una ni isang
Katiting Wala kang nararamdaman saakin dahil KAIBIGAN mo Lang ako
At kaklase mo Lang ako
Kahit wasak na wasak na yung puso ko sa  mga sandaling iyon
Tumawa lang ako at sinabing "sos nagtanong lang naman ako" sabay ng pilit na tawa
Kahit alam ko sa sarili kong dinudurog na ang puso ko
Kasalanan ko naman dahil umasa ako, nagpaka tanga ako
Hinayaan kong paglaruan lang ako at sa huli ako pa Ang katawa- tawa dahil assumera ako
Pasensya kana dahil nagmahal ako sa isang taong pangkatuwaan lang pala ako sa twing na bo-bored Yung taong Mahal ko.

Tagalog PoetryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora