CHAPTER 21: The Truth

Depuis le début
                                    

"Yeah! And besides kong sino man yan, alam din nya siguro ang sitwasyon natin tapos heto makikisabay pa sa atin? wala pa nga tayong comeback, at hindi pa tayo nakakapag fansign sa mga Bestfriends natin. Makita ko lang silang masaya na nakita nila tayo nawawala lahat ng problema ko dito"...Pag sang ayon naman ni Hyunseong oppa.

Tama nga naman sila. Maski ako hindi ko yun tatanggapin. Mababaw nga kung iisipin pero ipag papalit mo ba ang nakasanayan mong kaligayan kaysa sa isang trabaho na walang kahit isang minutong pahinga? Parang hindi naman ata tama yun.

"I want you to accept this project for the sake of our group! And whatever you accept it or not, makikipag collab tayo sa kanya."

"What?" sabay naming sabi na anim sa kanya.

"Bakit naman kami papayag? sa tingin mo ba basta basta nalang namin yun tatanggapin? paano naman ang side namin? wala pa nga kaming sinasabi sa kanya tungkol sa mga bagay na gusto namin na hindi pa nagagawa. Ano ba namang klaseng Presedente yan?!"...Sigaw ni kwangmin. This time marami ng tao ang nakatingin sa side namin. Agad ko syang pinakalma at kumalma naman sya. "S-sorry" pag papaumanhin nya.

" *big sigh* I know kong ano talaga ang gusto nyo lalo na ako. Pero wala tayong magagawa dahil tayo ang may utang na luob sa kanila lalo na sa kanya, dahil sa kanya nagagawa natin ang gusto natin diba? at isa pa hindi na tayo nag mumukhang kawawa, hindi katulad noon na parang mga tinatapunan tayo ng basura sa school natin dahil sa palpak nating banda, pero ngayon malaki na ang ipinag bago."

"Alam namin yun hyung eh. pero sana lang wag naman nyang e take advantage yung tiwala natin sa kanya, dahil nasa satin na ang pag asa nilang makaahon ulit ang kompanya"...Sabi ni Minwoo

"But we have no choice at saka pinaalala nya sakin yung tungkol sa three years contract"

Eh? three years contract? ano yun? na curious tuloy ako.

"Three years contract? para saan yun oppa?"

"Itong three years contract ay silbing ebidensya na kami ay sumasang-ayon sa kasunduan na bawal kaming makipag relasyon habang kami ay nag tatrabaho sa kanila"

H-hindi ako makapaniwala. Hindi pa kasi nila alam na kami na ni kwangmin tapos ngayong may contract sila ibig sabihin non.....

"A-ano ang mangyayari kapag.....kapag nakipag relasyon kayo ng hindi nila alam?"

" (yumuko) Mawawala ang lahat lahat na pinag hirapan namin, hindi na namin mababawi yun at malamang *sad smile* babalik kami sa nakaraan naming puno ng kalungkutan at pag hihirap sa buhay"

Hindi ko mapigilang mapaiyak. Nakakainis naman kasi! Kung kelan naging kami saka namang dumating yang kontrata na mag papahiwalay lang samin. Nagulat sila ng umiyak ako sa kinauupuan ko.

"Teka kate bakit ka umiiyak? anong problema?"...Nag aalalang tanong ni Youngmin.

"O-okay lang ako *sob* (sabay pahid ng luha) napuwing lang"

"May napuwing bang tao na almost mabasa na yang table napkin sa kakapahid mo?"

"Wag ka ngang ganyan! nakakainis ka naman eh!" palo ko sa braso nya.

"Ohh. Tama na yan, tutal nandito narin lang naman tayo bakit hindi pa natin lubos lubosin to?"...Sabi ni DH oppa. Haha nakakatawa naman. Nawala ang pag iyak ko dahil sa narinig ko.

"Sige! Ready ako dyan!" sabi ko. hehe malay natin manglibre sila? Aba wag na nating sayangin ang oras na ito noh! Minsan lang kaming mag kikita kita tapos mawawala pa itong chance? Nevaah!

"Aha! I have an alien idea!"

Bwahahaha lakas ng trip ni kwangmin ngayon ah! ano nakain nito?

"Hahaha! ALIEN idea? Naks naman kwangminnie parang hindi mo pa kilala sarili mo ah" pangasar ni Jeongmin.

My Sketch Boyfriend (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant