"Sigurado po kayo, Sir?" Di makapaniwala bulalas ko.

"Oo naman." Nakangiting sabi nito sabay hawak sa balikat ko.

Ngumiti na rin ako dito. Ang bait talaga ni Sir! Pag ako rin maging mayaman tulad niya, di rin ako magdadalawang-isip na tumulong sa iba. Sa totoo lang, nakakahiya na talaga. Hinatid na niya si Ros sa hospital tapos siya pa nagbayad ng bill sa hospital. Di lang iyon, may inarkila pa siyang taxi bago siya umalis. Para pag nagising na raw si Ros, di na kami magko-commute dahil may service na kami pauwi.

Laking pasalamat ko talaga na kasing bait din ni Sir Dylan si Sir Johnser.

"Sige, may pupuntahan pa ko." Paalam niya.

"Sige, Sir. Salamat po ulit." Naglakad na nga ito paalis pero agad na huminto ito sa paglalakad nang bumaling ulit ito sa kanya na dahilan napatingin siya dito."Sa **** Restaurant nalang tayo magkita. Bye." Nakangiting paalam nito.

"Opo." Nakangiting sagot ko.

Naglakad na ulit ako para bumalik sa headquarters namin.

CEDRIC SY POV:)

"Sigurado kana bang si Johnser na ang papalit sayo?" Tanong ni Diego sa akin, ang butler ng anak kong si Clive.

"Oo." Sagot ko habang nakatanaw sa labas at lumalagok ng wine sa baso.

"Sir, may kutob akong di aksidente ang nangyari kay Clive. Sa tingin ko, pinlano ito tulad ng nangyari noon kay Ma'am Clara." Sabi nito na nagpaalala sa akin ng nakaraan.

**Flashbacks**

"Cedric! Cedric!"

Narinig kong tawag muka sa kwarto namin. Dali-dali akong pumasok nang marinig kong tumatawag ang asawa kong si Clara. Nakita kong hawak nito ang anak naming si Clive na tila natataranta.

"Ang anak natin!" Naiiyak nang sigaw nito sa taranta.

"Bakit?" Takang tanong ko at nilapitan ito.

"Di siya gumagalaw. Naninigas siya! Ano nangyayari sa kanya."

Nakita kong nagkukulay violet ang labi ng anak namin. Kinabahan naman ako sa nakita kong nangyayari sa anak naming mag-iisang buwan pa lamang.

"Diego!" Tawag ko.

Mabilis naman pumasok si Diego.

"Bakit, Sir? Ano nangyayari?" Tarantang tanong nito halos lapitan kami.

"Ang anak namin. Di ko alam anong nangyari basta pinainom ko lang siya ng gatas at naging ganyan na siya." Naiiyak paliwanag ni Clara.

Mabilis na kinuya ni Diego ang gatas na nakalagay sa lata at binuksan. Inamoy pa nito na tila sinusuri. Napapikit na lamang ito sabay layo ng gatas sa kanya.

"Nilagyan ito ng lason." Sabi kaagad ni Diego.

"Ano?!!" Gulat na gulat na bulalas ko."Kailangan nyo tumawag ng doctor. Bilis!" Tarantang sigaw ko.

"Honey." Tawag ko sa asawa ko habang nakatingin sa loob ng kwarto kung saan naka-confine ang anak naming si Clive. Madami nakakabit sa kanya at may oxygen pa sa bibig niya. Nandito kami sa hospital kasalukuyan.

Ang sakit makitang ganyan ang anak mo. Mas lalong masakit dahil bata pa at wala pang alam. Hindi ko alam bakit kailangan ring magdusa ang mga anghel tulad ng anak naming si Clive.

Lumuluhang lumingon naman sa akin si Clara. Agad naman niya akong niyakap halos humagulhol na naman siya ng iyak. Hinahalo ko lamang siya.

"Hon, hindi ko alam gagawin ko. Kasalanan ko bakit nangyari ito sa kanya." Mangiyak-iyak na pahayag nito.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now