Simula

200 120 43
                                    

KASABAY ng pag tunog ng alarm clock sa aking silid ay ang siya ding lakas ng pag sigaw at pagtawag sa aking pangalan ng aking tiya na daig pa ang announcer sa radio sa lakas ng boses nito na tuluyang nag pa gising sa aking diwa.

"Nayahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! Ano ba! Kay aga aga pinapainit mo kaagad ang ulo ko. Hindi tayo mayaman para magtulog tulugan ka lang diyan."

Yung feel na feel mo pang matulog lalo't medyo malamig ang panahon. Pero nako po hindi ata ako tatantanan ni Tiya hanggang hindi niya ako nakikitang nakatayo sa harap niya.

"Bumangon kana diyan at pumunta ka sa bayan para ilako itong mga paninda natin. Kailangan natin mag ipon ng pera para sa pang matrikula mo sa susunod na pasukan. Kong bakit ba naman kasi pumayag agad ang mga magulang mo na kunin agad sila ng Diyos, hayyyy nako pati si kuya na kalalaking tao hindi man lang pinaglaban na wag muna sila kunin ng Diyos, ehhhh....... hindi pa naman sila katandaan o uugod ugod. Naturingan pa naman na alagad ng Diyos, pero wala man lang nagawa. Buhay nga naman talaga! hayyy."

Every day that's what I always hear from my aunt's mouth that it seems like pabigat lang ako sakanya. But even my aunt like that on me, that way I know that she cares about me and she loves me.

Sinanay kona lang ang sarili ko sa mga palahaw niya. Minsan marami akong naiisip at what ifs? What if mama and papa never left me? What is the life I have now? What if the Lord didn't take them first that easy?

Edi sana masaya kami at buong pamilya na sinasalubong ang pasko at bagong taon at lahat ng masasayang pangyayari sa aming buhay pamilya. But I know that only in my heart and in a dreams will I experience the happy memories of being with them.

Muntik na akong mahulog sa hagdan sa panibagong sigaw na narining ko mula sa aking tiya. Ngayon ko lang din napansin na basa na pala ang aking mukha ng mga luhang tumutulo sa aking mata.

Ano ba Naya, wag ka ngang mag emote diyan, kaya mo yan! Bulong at saway ko sa aking sarili kasabay ng pag angat ng aking braso at pagbuga ng hangin na kanina ko pa pala hindi pinapakawalan.

Pagkatapos kong kumain ng umagahan, at mag ayos sa sarili ay pumunta na ako sa bayan dala ang mga ilalako paninda, gaya nga ng bilin saakin ni tiya.

"Aling Rosing magandang umaga po." Sabi ko sa nakatalikod na ginang na mukhang aligaga din sa pag aayos ng mga paninda nitong UK, ukay ukay kung baga. May sarili din itong clothing line sa tabi lamang ng bahay nito. "Pasensya na po aling Rosing nagulat ko po ata kayo." dahil bakas nga naman talaga sa mukha ng ginang ang pagkakagulat.

"O'h Naya, magandang umaga din saiyo, at maganda ka nga pa pala sa umaga." biro pa nito. "Halika pasok ka muna dito at wag kang mag alala bibili ako ng paninda mong turon at bananaque kahit ginulat mo ngang talaga ako. Ka'y ganda mo talagang bata ka. Mas maganda pa sayo mga artista." Pahabol pa nitong sabi.

"Aling Rosing naman ehhh, binibiro muna naman po ako."

"Hayyy nako Naya hindi kita binibiro pwede ka nga ding sumali sa mga pageant tiyak na hakot award ka dun sa talino at ganda mo ba namang......"
Naputol lang ang kulitan at sasabihin ni aling Rosing ng may isang imahe ng lalaki ang nakatayo sa harap namin na tila kanina pa ata kami pinagmamasdan ng hindi namin ito napapansin. Pano ba naman kasi tong si aling Rosing kung ano anong pangbobola ang mga pinagsasabi.

"Magandang umaga po Sir! Pasensya na't hindi ka namin napansin. Ano pong kailangan niyo? Aiii teka, halika ka pasok ka muna at ipapatikim ko sayo itong turon na tinintinda ni naya." Si aling Rosing na nagagwapuhan pa ata sa lalaking ito kaya wala na namang preno ang bibig kung magsalita.

Nag angat ako ng tingin sa lalaki, at laking gulat ko ng makitang deretso itong nakatingin saakin. Kasabay ng pagkislap ng mga mata nito habang deretsong nakatitig sa aking mga mata ay ang pag huhurumentado din ng aking puso sa hindi malamang dahilan kung bakit ang lakas lakas ng tibok nito na tila lalabas na.

"Naya ang gwapo gwapo, siguro crush mo noh, ang oppa masyado." Bulong bulong ni aling Rosing sa aking likod na talaga namang nagpapaka millennial na naman dahil sa panonood ng mga kdrama's. "Nakakahiya aling Rosing balik bulong ko din sa ginang."

"Ahhh'eh Sir, Hindi ka naman yata nagmamadali, tikman mo muna itong turon at bananaque na tinda nitong si naya, iyan ang pinakamasarap na natikman kong turon at bananaque sa buong buhay ko" Papuri na naman ni aling Rosing.

Tiningnan ko ang lalaki na nakatingin lamang din sa turon at bananaque na tila wala yatang balak tikman man lang ang mga ito. Isang tingin ko pa lang dito halatang mayaman at galing ito sa marangyang pamilya sa suot pa lamang nitong sapatos ay naghuhumiyaw na sa karangyaan. Sana all sabi niya sa sarili.

Hindi din maipagkakaila ang kagwapuhan nito with his thin heart shape lips, pointed nose with his jaw tight and very angled and his eyes were very vivid. Talaga nga namang mahuhumaling ang mga kababaihan at makalaglag panty ang itsura nito.

My soot pa itong wayfarers and we'll yeah his damn good looking na mukhang walangyang moviestar, hindi ko alam kong bakit lubos ang paghuhurumentado ng puso ko. Dahil ba sa good looking ito? Dahil ba ngayon lang ko nakakita na mukhang anak ng goddess? O dahil sa nakatoon ang mata nitong maaliwas na nakatingin sakin?

My ghaddd. Naya ano ba yang nasa isip mo wag mong pagpantasyahan ang lalaking yan ni hindi mo nga yan kilala. Hayyy magkakasala pa ako nito, erase, erase bulong bulong ko sa sarili.

"Sir, ahhh iho ako nga pala si nay Rosing at ito naman si Naya." Basag ni aling Rosing sa gitna aming katahimikan at walang ayaw ang gustong unang magsalita.

"Good morning too po ahh'mmm nay Rosing and ahm'mm Na, Naya."

Natigilan ko hindi lamang sa pagsasalita nito ng English pero my ghaddd ganon na lamang ang pagkagulat ko ng magsalita ang lalaki at banggitin nito ang aking pangalan na tila ba ngayon ko lamang narinig ang magandang pagkakabigkas ng pangalang Naya at galing pa sa lalaking itong nasa harap ko.

Kasabay ng pag lahad ng kamay ng lalaking ito ay ang mahihina ding panunukso saakin ni aling Rosing.

"I'm Jediah Limuel Silvestre pakilala nito at pag alog ng kanyang kamay,but you can call me Jed or Limuel, but it's up to you which of the two you want to call me.

"I'm Shekiniah Faith Fabricante but you can also call me Naya."

"Nice name", mahinang wika pa ng lalaki na tila ayaw pa yatang iparinig, and the side of his lips rose up, trying to stifle a smile.

_________________________________________________________________c...

THE CHOSEN ONE Where stories live. Discover now