Chapter 30

73 9 0
                                    

     

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     

Buong araw kaming hindi nag-usap ni Grayson pagkatapos n'on. Ni hindi kami sabay kumain ng late lunch. Buong araw lang din akong nasa k'warto niya at inaayos ang mga gamit na minadali kong inempake sa hotel kaninang umaga.

He wasn't around, though. Hindi ko rin siya nakita noong lumabas ako para pumunta sa pharmacy at kahit na kanina, noong nagluto ako ng para sa dinner.

Gusto ko sanang mag-sorry sa kan'ya sa pang-i-invalidate ko but it seems like he's not ready to talk to me, yet.

9:30 p.m. na pero wala pa rin siya. I've decided to eat alone and just wait for him in his room. Sure namang uuwi 'yon. He can't avoid me forever. Besides, it will contradict that thing that he told me earlier.

I can't lose you too, Summer.

Nag-init ang pisngi ko bago inubos na ang natitirang ulam sa plato ko na adobong pusit. Gusto ko pa sanang kumain dahil ang sarap dahil fresh ang seafood but it's lonely to eat in this house alone. Especially that every minute, I always remember Grayson's tone earlier when we had an argument.

He is hurt. I know. Bakit ba kasi ang hilig kong mang-invalidate? Bakit ba kasi hindi ko napapansin sa sarili ko 'yon?

I sighed as I took the dishes to the sink and cleaned them. Sakto naman na narinig ko ang pagdating ng motor niya. Pumunta ako sa harap ng bahay at sinilip siya sa bintana. Sa madilim na labas, nakita ko siyang binubuksan ang gate. Pagkatapos, ipinasok na niya ang motor at i-p-in-ark niya sa garahe.

Nang makitang papasok na siya sa loob, bumalik na ako sa kusina at tinapos ang hinuhugasan. Ilang sandali pa, narinig ko na ang pagbukas ng front door.

"N-Nand'yan ka na pala."

Napapikit pa ako nang mariin sa pagpapanggap na wala akong alam sa pagdating niya. This is fucking embarassing!

Itinaob ko na ang mga plato, baso, kutsara at tinidor sa lagayan bago naglakad papalapit sa kan'ya. He just looked at me as he glanced at the table where the foods I cooked are set.

"N-Nagluto ako ng dinner. Kaso, kumain na ako. Akala ko kasi, mamaya ka pa darating."

Lumunok siya bago yumuko. "I'm sorry, Summer, for keeping you waiting."

Bahagya akong ngumiti. "Okay lang."

Tumingin siya sa akin nang may maliit na ngiti. "Nalibang kasi ako kumuha ng pictures. I'm really sorry."

Umiling ako nang umiling. "Okay lang. Sige na, kumain ka na."

Lumapit ako sa table at ipinaghila siya ng upuan. Bahagya siyang tumawa bago naghila ng upuan sa harap nito, at inilahad ang kamay na parang pinauupo ako ro'n. Ngumiti ako sa kan'ya bago naupo.

"You should eat again, too. Sabayan mo na ako," sabi niya bago naupo na sa harap ko.

Umiling ako. "Hindi na. Busog na ako, eh."

If This Won't Last ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon