Lumabas ako ng kusina ng makainom ng tubig bago bumalik sa sala. Tumabi ako kay Drake sa sofa para magsapatos. Si Konon na nasa balita pa rin ang pinapanood nya. Picture namin na magkausap ang nasa TV. Blurred ang mukha ko kaya palagi akong kampante na hindi ako basta susugurin ng fans nya.

"Kilala mo rin pala yan," mahinang usal ko. Nagulat ako nang proud syang tumango.

"Aba, oo! Lahat yata ng product na ini-endorse nyan ay binibili ko!" he said proudly. "Naiinggit ako kay Beau kasi kakilala nya pala yan!"

"Mukha nga," pagsang-ayon ko.

"May babae syang madalas i-post dati. Tinigilan bigla," aniya pa. Nilingon ko sya.

"Oh? Bakit?"

"Ewan ko. Puro stolen shots na ni-blurred na lang ang nakikita ko ngayon e. Mga galing pa sa management na kuha yon," masaya at curios nyang tanong. "Pangalan pa lang, amoy Baby Johnsons Powder na! Konon Dior! Baby powder na alahas!" he added kaya natawa na ako.

"Stop fanboying! Tara na at gutom na ako," pigil ko sa kaniya bago tumayo.

"Ganyang mga lalake ang di dapat sinasaktan! Good boy pa yan, Liah! Never nagka-girlfriend kasi ang gusto raw ay aasawahin na nya kung sakaling magkaron sya. Kapag nakita mo yan ay ihingi mo ako ng autograph!"

Naiiling ko na lang na hinayaan ang aking kapatid na mangarap ng gising bago ako lumabas ng bahay. Kalaunan nama'y nakasunod na rin naman siya sa akin. Mabilis ko namang binaba ang aking cellphone matapos mag-text. Akala ko'y tapos na sa pagfa-fanboy ang aking kapatid pero nagkamali ako.

"He's what? He's currently 33 years old yata!" kwento pa nya bago kami pumasok sa elevator. Tahimik akong tumango at hinayaan siya. "Golden boy yon, nag-iisang apo sa both sides ng magulang. Ang alam ko rin ay drummer pa rin sya sa church nila kahit sobrang hectic ng sched."

"Okay," I replied. Bumuntong hininga ako para bantayan ang elevator.

"Hindi mo manlang sya napopogian?" he asked. Mukha syang shocked sa reaction ko.

"Napopogian," pagsang-ayon ko na lang. Wala yata syang balak tumigil.

"Di ba? Idol na idol namin nila Jonah 'yon! Lalo na si Chano! Nung first time nilang magkita ay nagpa-picture pa sya... ay shit! Ano..." biglang napatakip sa bibig ang aking kapatid. Ngumuso ako at balewala siyang tiningnan. "Sorry, ang daldal ko."

"Ayos lang," tipid akong ngumiti sa kanya bago lumabas ng elevator dahil bumukas na yon.

"Pero hindi na ba talaga kayo nagkausap? You just broke up with him, Liah. We're all clueless," habol sa akin ni Drake.

"There are things that we have to let go. Not because we have them doesn't mean they're for us," natigilan kong sagot. Yon kasi ang payo sa akin ni Konon. He's right. Always.

Nang makarating kami ni Drake sa restaurant na kakainan namin ay naging tahimik kami. Akmang sa tabi ko pa sya uupo pero marahan ko syang pinigilan.

"Ouch, ha! Bawal na ba ako tumabi sa kapatid ko?" he then rolled his eyes. Umiling ako bago nilapag ang bag doon. "Man hater ka na ba ngayon?" habol pa nya. Ngumiti lang ako bago sinilip ang aking cellphone. Nakita ko ang reply ni Konon na may operation pa raw sya maya-maya kaya hindi sya makakasama sa dinner. Sayang naman, I saved a seat for him pa naman.

"By the way, may boyfriend ka na ba?" out of the blue na tanong ni Drake nang kumakain na kami. Umiling ako bilang sagot pero tinaasan nya ako ng kilay. "Weh? Mukhang in a healthy relationship ka based sa hitsura mo."

Bakit ba ang daldal nya?

"I don't have," I answered honestly. He nodded suspiciously.

"By the way, sana talaga makasalubong natin si Konon somewhere. Gusto ko makita ang bago nyang look. Ang chismis kasi ang nagpagupit at kulay daw ng buhok," pagbabalik nya ng topic sa pagfafanboy nya.

A Martial's Query (Saint Series #6)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum