Panandalian akong napatigil at napatitig sa kan’ya. “Ba’t mo to ginagawa ken? Pag ako talaga sinama mo sa mga babaeng niloko mo mapuputang*na ka talaga sa’kin.” mura ko sa kanya na kinatawa n’ya.

Pinitik nya ang ilong ko.

“Hindi mo ba talaga ako matandaan?!”
Tanong nya sa‘kin kaya ako nag taka.

Tila ba nagulo ang isip ko at sinusbukang isipin kung anong gusto n’ya iparating.

“Matandaan? Ba-bakit? Magkakilala naba tayu dati?”
Takang tanong ko sa kanya.

Tumawa naman sya.

“Hysstt!! Saka mo nalang isipin ’yan saka kuna ipapaliwanag pag nakalabas kana dito. Sige na mauna kanang umalis ako na bahala dito kay alex.”

He said. Kaya nag madali akong bumalik ng M.U nang mag isa.

End Of flashback.

”Anong plano mo kay Sk?!”
Tanong n’ya sa’kin.

”Mahal ko si Sk , ken! At kahit anong mangyari ipaglalaban ko sya at sana ganon din sya sa’kin.”

Sagot ko saka tumitig kay alex na ngayon ay tulog. “Ma-mabubuhay naman ang kaibigan ko diba?!” tanong ko.

“Oo naman,  basta madala agad sya sa private ospital.”
Sagot n’ya sa‘kin.

Hindi ko alam pero sa tuwing pinag uusapan namin si alex naiiyak ako. Ganito naba ako karupok pagdating sa mga taong mahal ko? O sinisisi kulang ang sarili ko kasi dahil sa’kin kaya nangyari ang lahat ng ito.

”Hindi bagay sa isang Ssg president na umiyak.”

“Napuwing lang ako.”

”Huli kana nga magpapalusot kapa.”

“Ba’t kasi nangyari to? Nag sisi na naman ako ah. Pinag sisisihan kung nakapatay ako. Pero bakit ganito padin? Ba’t ang daming nadadamay dahil sa’kin,  sabihin mo nga huh?! Dapat ba mawalan ulit ako ng alala para malimutan ko lahat ng sakit? Pero kahit ganon,  kahit nawalan ako ng alala bumabalik padin ’yong sakit,  ’yong sakit na nawalan ako ng bunsong kapated ’yong sakit na ayuko nang balikan pa. ”

“Oo nga pero ako hindi mo naaalala.”

“A-ano?!”

“huh? Ah wa-wala naman.”
Pag tatanggi n‘ya pero oo nadinig ko. At tama kayo ng basa nong namatay ang bunso kung kapated ,  pinatay kudin ang pumatay sa kanya. Alam kung mali ’yong ginawa ko kaya pinarusahan ako. Mas pinili kung mawalan ng alala hanggang sa nakilala ko si alex. Akala ko yong pagkamatay ng kapated ko ‘yon na ang huling masasaktan ako. Pero hindi pa pala mas malala ngayon at dahil sa sakit na nararanasan ko ngayon unti unting bumabalik ang mga nakaraan ko na gusto kunang talikuran.

“Ako na bahala kay alex,  Huwag kana muna mag isip ng kung ano ano. Isipin mo kung pano mo maliligtas ang buhay ni alex ngayon. Bumalik kana muna sa room gusto mo bang ihatid na muna kita? Madami kapa kasing aayusin na mga papers namin.”
Sabi nya.

Patayin nyo nalang ako.

Nahihirapan nanga ako , poproblemahin kupa mga papers n’yo. Sagad sa buto na pagpapahirap sa‘kin ng mga lukong to ah nakakabullsh*t na.

Lumabas kasi pareho ni ken sa Dispensary nakaramdam ako ng hilo kaya naman napa kapet ako sa kamay ni Ken pero nagulat nalang ako ng makasalubong namin si Sk na galit na galit.

“Sundan muna.”
Ken said.

Kaya mabilis akong umalis at hinabol si Sk.

“Kyle?!”

“STEPHEN KYLE?!”
tawag ko sa kanya.

“Galit kaba?!” tanong ko dito.

“Dapat ba magalit ako?”
Seryusong tanong n’ya.

“Hindi.”

“HINDI?!” sigaw nya sa‘kin.“Dapat ba hindi ako magalit? Kasi magkahawak kayo ng kamay? Dapat ba hindi ako magalit kasi kanina palang sa lunch counter napapansin kunang may something sa inyo. Now sabihin mo sa‘kin mystein? DAPAT BA HINDI AKO MAGALIT?!”

nanatili akong nakatitig sa kanya. Ito ang unang beses na makita ko syang galit na galit.

“Mali ka,  iba ang nakita mo.”

“Ma-mali ako? Tsskk!! Lalaki din ako Mystein at ramdam kung may gusto sa’yu si ken. Pinili kung mahalin ka kasi alam kung hindi ka tulad ng ibang babae. Pinili kung kampihan ka kasi mahal kita,  kaya kung ibuhis ang buhay ko para maligtas ka kasi mahal kita at sana pinapahalagahan mo ’yon.”

”Hindi ko hiniling na iligtas mo ako kyle,  kahit kailan hindi ko hihilingin ‘yon sa‘yu. Kasi buhay ko naman talaga ang pakay n‘yo diba? At kahit sabihin kung iligtas mo ako,  ako padin ang masasaktan kasi mahal kita. Diba sabi ko kung masasaktan ka kung mapapahamak ako mas masasaktan ako. Kasi ikaw ang nagsisilbing pader ko. Ikaw ang sandalan ko!”

”Let’s end this.”
Sagog nya na kinatahimik at kinabilis ng tibok ng puso ko.

Please naman Sk huwag naman ngayon.

___

Mysterious University  By Inskyte ||✔ [PUBLISHED IN IMMAC PUBLISHING]Where stories live. Discover now