Chapter 10: Cheesy Flashback

41 8 1
                                    

Tsuna's POV

Leche ka Senpai! Alam mo namang 30 minutes ang byahe namin papuntang bahay niyo! LECHE!

Natulog na ako. Dahil hindi rin naman mababago ang katotohanan na kailangan ko siyang sunduin ng alas singko. Leche ka Senpai.

Bhea's POV

Pagkagising ko, wala pa si Tsuna. Eh 4:48 am na! Alam niyo bang pati ako nahirapang gumising ng maaga para malaman na 5:00 e nandito na siya! mahirap yown! Haaay. Wala e, sabi ko 5:00 am.

4:50 am...

4:52 am...

4:55 am...

Putakte! Ano ba ha Tsuna? May balak ka ba talagang madagdagan ng 1 month ang slave kuno mo?

4:58 am...

4:59 am...

*Ding dong*

Ah Tsuna! Akala ko hindi ka na talaga dadating! Pagbaba ko e... DAFUQ?!

"SINO KA! MAGNANAKAW KA NO!" Sino ba to? Ang kapal pa ng mukha na gayahin si Tsuna!

"Senpai! Ano ba! Hindi ako magnanakaw!" Sabi ni Sino? Si Tsuna ba ito?

"Sino ka? Hindi kita kilala!" Sabi ko dun sa tao sa gate.

"SENPAI! AKO SI TSUNA! ANO BA!" Woah. Ang haggard mo kasi meyn.

"Sorry na! Ang gara kasi ng itsura mo e." Sabi ko sa kanya. Tinitigan biya ako ng masama. Parang malulusaw ako.

"Kasalanan mo to! Kundi ba naman kasi nagpasundo ng alas singko! Sino ba namang tanga ang papasok ng alas singko sa school kung ang oras ng pasok e 7:15? Hindi ako nakatulog kakaisip kung anong oras gigising! Lechugas ka!" Ako talaga? Ako?

"Sus. Sinabi ko bang papasok ba tayo? Tara nga dito! Bwisit ka. Ang hirap mo kayang hintayin! Pero ano nangyari sa inyo ni Mica-san kahapon? Yiee! Yiee! Sila na! Sila na!" Biglang nag-blush si Tsuna! Ahe ahe!

"SENPAI! Todo ka ng kung makangiti." Pumasok na siya ng bahay. Kaya sinundan ko na lang siya. Aba!

"Hoy, Tsuna. Ikwento mo nga sakin." Tinitigan niya ako ng masama-nanaman.

"Ikwekwento mo ba o madadagdagan ng isang buwan ang slave kuno mo? Ha? Ha?" No choice siya, pahihirapan ko siya e.

"Ang sama mong sister-in-law. Aish. May magagawa pa ba ako?" Ano?! Sister-in-law?! Bakit kasal na ba kami ni Haru?! Pero sana... Hahaha.

"Anong Sister-in-law ang kinakana mo diyan ha! Ikwento mo na!" Sabi ko sabay upo dun sa lamesa.

Tsuna's POV

"Okay, ganito kasi yon." Ish. Can't help it! Leshe.

~flashback~

"Tsuna-kun! Sa-san tayo pupunta?" Tanong sakin ni Mica pagkahigit ko sa kaniya palabas ng room nila Senpai at Onii.

"Kahit saan! Bwisit si Senpai at Onii!" Asar na asar ako nun kay Senpai at Onii kaya napahilamos ako ng mukha.

"Totoo ba yung sinabi nila?" Tanong sakin ni Mica. Hindi ako makasagot, bakit? Kasi torpe ako? No! Kasi natatakot akong mareject? Baka? Pero irereject nya nga ba ako?

"Oo. Totoo yon, totoo lahat ng sinabi nila Onii at Senpai." Pagkasabi ko non e nagtakip ako ng mukha at tumalikod sa kanya. Bigla na lang akong may nafeel na yumakap sakin mula sa likod.

"Tsuna-kun. So-sorry kung hindi ako agad naniwala. I always wanted na magconfess ng feelings sayo pero natatakot ako, Sobrang natatakot ako." Sabi niya sakin. Lumuwag na ang pagkakayakap niya sakin kaya hinarap ko na siya, umiiyak siya.

"Shh... Mica-san, sorry. Natakot din kasi akong mareject mo." Niyakapa ko siya at lalo pa tuloy siyang umiyak. What? Ano nanaman ang ginawa ko? Nakakabakla na nga yung sinabi ko e!

"Sige tara, kain na lang tayo ng cake. Libre ko! Huwag ka ng umiyak ha? Pumapangit ka kasi e, pero kahit ganon. Mahal pa din kita." Shit. Eeeh. Nakakabakla na talaga!

"Sige! Tara! Gusto ko ng Choco-strawberry cake!" Tumakbo na siya at sinundan ko na siya.

~end of flashback~

"Kyahh! Nakakakilig! Yiee!" Kaya ayaw kong ikwento e. OA makareact.

"Tss. Tara na nga!" Hinigit ko siya palabas at sumakay na ng jeep papuntang school. Ish. Asar.

Si Mr. Torpe at si BestfriendWhere stories live. Discover now