Nagulat ako ng biglang mag-ring ang landline ng bahay. Sabi ko nga, tahimik kasi ang bahay.

Agad na tumayo si Ate Jing para sagutin ang tawag na yun. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Tumingin ako kay Samraz, seryoso na uli ang mukha nya.

"Senyorita! May tawag po sa inyo. Ang Lolo nyo po." sabi ni Ate Jing.

Agad akong tumayo. At nagmadaling lumapit kay Ate Jing sabay abot ang telepono sa akin.

"Hello Lolo." nakangiting sabi ko sa kabilang linya.

"Kamusta apo pasensya na ngayon lang uli ako nakatawag sayo ngayon."

"Okay lang po alam ko naman na abala kayo."

"Nandito kami ngayon sa manila, kaya makakauwi kami ng Lola mo jan sa birthday mo."

"Talaga po. Aasahan ko po yun." Masayang sabi ko.

"Nga pala anjan ba ngayon si Samraz?"

"Opo bakit nyo po hinahanap?"

"Nakiusap sakin ang mommy at daddy nya, na jan muna tumuloy sa bahay."

"Ha! Bakit naman po?"

"Aayusin kasi ang bahay nila jan."

Kaya siguro ngumingiti at nagiging mabait ang mukha dahil may balak palang dito muna tumuloy.

"Okay po, sige po payag naman po ako, tutal tumira naman ako sa kanila ng ilang taon."

"Mabuti naman kung ganon. Alam ko naman na magkasundo kayo." bigla akong natawa sa sinabi ni lolo. "Bakit apo?"

"Wala po, totoo po, SOO.... BRANG..... Magkasundo po kaming dalawa."

"Okay kung ganon. Sige na, ibaba ko na ito. I love you apo."

"I love you too, Lolo." sabi ko at binaba na nya ang linya.

Bumalik agad ako sa dinning at tinapos ang pagkain. Nang matapos ay muli akong tumayo at nagpunta sa sala. Sumunod si Samraz.

"May gusto ka bang sabihin sakin?" Tanong ko.

"Wala naman." Agad nyang sagot.

"Sabihin mo nga sakin. Kaya ba nandito ang maleta mo kanina dahil dito ka tutuloy sa bahay?" nakapamewang kong tanong.

"Sana. Pero mukhang ayaw mo." Sagot nya na parang nahiya pa.

"Sinabi ko ba na wag kang tumuloy dito? Saka konsensya ko pa dahil umalis ka bitbit ang maleta mo."

"Ibig sabihin nakonsensya ka?"

"Kung aayusin ang bahay nyo, pwede kang tumuloy pansamantala dito, pero sa isang kondisyon!"

"Ano yun?"

"Wag mo kong tatawaging witch, pigtail! Assumera at feelingera! Tawagin mo ko sa pangalan ko. Mari-leigh." Sabi ko pa.

"Okay kung hindi mo rin akong tatawaging Dracula."

"Huh! Yun na nga lang ang nag-iisang tawag ko sayo. Saka.. Bihira lang kitang tawaging ganon, minsan nga sa isip na lang kitang tinatawag ng ganon. Pero sayo malala. Brutal pa ang pagkakabigkas pag inaasar mo ko." sabi ko at tumawa sya.

"Edi tawagin mo na lang ako sa ibang pangalan. Kung ayaw mo rin akong tawagin sa pangalan ko."

"Paniki na lang itatawag ko sayo." Pang-aasar ko.

"Tch! Kahit ano wag lang ganon." inis na sabi nya. Ang sarap nyang asarin. Pikunin kasi sya.

"Tulad ng ano?"

"Tulad ng, sweetheart, love, honey, baby, babe. Anong gusto mo jan?" bulong nya sakin, kinalibutan ako sa sinabi nya kaya tinulak ko sya.

"Ano ka hilo! Di bale na lang tawagin mo ko sa gusto mo kaysa tawagin kita ng ganyan! Tse!" inis akong tinalikuran sya at agad na nagpunta sa kwarto ko.

Ni-lock ko ang pinto ng kwarto ko. May kung anong kaba sa puso ko ng bumulong sya sakin. Ito yata ang unang beses na bumulong sya sakin ng ganon kalapit.

Shit ano ba itong nararamdaman ko. Bakit bigla naman akong kinabahan ng ganito sa Dracula na yun?

Dumaan ang maghapon na hindi ako lumabas ng kwarto. Maghapon lang ako nag open ng social account ko gamit ang laptop ko.

Sinubukan ko i-search ang pangalan ni Samraz, agad itong lumabas.

Mastalked nga ang dracula na ito.

Kahit sa social account hindi kami friend. Hindi rin sya nag suggest as friend sakin. Tinitigan ko ang profile picture nya.

"Ayos ah! Pang model pala ang dating nya dito. Hindi sya mukhang dracula dito." sabi ko pa sa sarili ko habang tumatawa.

Well, gwapo naman si Samraz. Kaya lang mukha lang syang dracula sa paningin ko.

"Gwapo nga wala naman jowa." sabi ko at nag logout na ako.

Lumabas ako ng kwarto at dumeretsyo sa sala. Naupo ako sa mahabang sofa. Tahimik talaga ang bahay.

Agad akong nagselfie at pinost sa social media.

#findingHangout
#SoBoring

Wala pang isang minuto may nagcomment na agad sa post ko.

Come to my place if you got boring. - Samraz.

Nanlaki ang mata ko ng bigla syang nag comment, nagulat pa ako na isa sya sa mga followers ko.

Hala! Follower ko pala ang dracula na to. Bwisit!

"Boring ka diba?" nagulat ako ng bigla may magsalita sa likuran ko. Agad akong lumingon si Samraz nga.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Diba sabi mo, pwede akong tumuloy dito pansamantala? Inaayos na kasi ang bahay, masyadong malikabok." dahilan nya.

"Eh ano naman kung malikabok sanay ka naman duon diba?" Mataray kong tugon.

"Anong sanay? May allergy ako sa alikabok. Hindi mo ba yun alam." sabi nya at hindi ko talaga yun alam

"So what! Saka may pa comment - comment ka pa sa post ko, eh wala ka namang place."

"Meron ah. May place ako dito sa cebu, yun ang hindi mo alam."

"Oo na wala akong alam. Kainis!"

"Gusto mo bang puntahan?" Yaya nya.

Ano bang meron at nakakapanibago ang pakikitungo ng dracula na'to sakin. Sya ba talaga to? O may kambal din sya na di ko alam.

"Wag na, baka horror house ang place mo hindi bale na lang."

"Tch! Hindi purket mahilig ako sa mga horror, eh pati ang place ko pang horror na din."

"Malay mo, ganon nga. Hay naku!"

"Maging mabait ka naman sakin minsan." sabi nya at umupo sa kabilang sofa kaharap ko.

"Ikaw nga hindi ka naging mabait sakin, ako pa kaya."

"Sabi ko naman sayo nuon, baka magsisi ka kapag naging mabait ako sayo."

"Sus Samraz! Bakit hindi mo gawin ng may pagsisihan ako?" hamon ko sa kanya.

"Sure! Kung yan ang gusto mo Madame." nakangiting sabi nya.

Hindi ko mahulaan kung anong iniisip nya at kung magiging mabait sya gaya ng gusto ko, isang malaking himala na talaga yun.

Kalokohan mo Dracula ka! Alam ko malabo yang sinasabi mo kaya wag mo kong sinusubukan jan.

To be continued...

Accidentally In Love with my FrenemyWhere stories live. Discover now