CHAPTER THREE:

20 0 0
                                        

Paglabas ko sa SSC office, dumiretso ako sa library. Panigurado doon makakapagreview ako.

Habang naglalakad papuntang library, halos lahat ng estudyanteng nakatambay lang at walang klase, nakatingin sa'kin.

 

WAAAHHH! ! Please stop looking at me!

Nacoconcious na 'ko.  >_____

Wala naman akong ibang magawa kundi ang ngumiti at bumati.

Nauumay na nga ako sa ginagawa ko e'. aixt..

 

Sa Library. .

Student Librarian: Hello Jules, Kamusta?

Ako:  Ay. . Hello sayo. May available seat pa ba?

Luminga-linga si Ms. Librarian. I forgot her name. Sorry, minsan lang kasi ako mag-library kaya di ko matandaan ung name niya. Actually, naglilibrary lang ako kapag midterm tsaka finals o kaya naman kapag may research works kami. Hehe. .

Student Librarian: Ahm.. for the meantime, isa lang ang available seat e'. Dun oh ... sa tabi nung girl na may yellow headband.

Tiningnan ko naman ung direksyon kung saan siya nakaturo. Nabigla ako nang malaman ko kung sino ang makakatabi ko.

Siya! Siya ung girl sa hallway!

 

Ako: Ah. . . sige. Okay lang. magrereview lang naman ako e.'

Naglakad na 'ko papunta sa direksyon kung saan nakaupo ung girl sa hallway last week. Maybe I should give her a code name since hindi ko naman siya kilala.

CLG (Cute Little Girl) na lang total cute naman si Ate.

As usual, nakatingin sa'kin ung ibang mga estudyante dito sa library.

Minsan talaga sumasagi sa isip ko kung may mali ba sa'kin o sadyang eyecatcher lang talaga ako?? HAHA!  ^_^

Nang makaupo na 'ko sa tabi niya, nakatingin sa'kin yung mga kasama niya samantalang siya dedma lang. Aba, kahit side glance di man lang niya ginawa. Kakaiba talaga 'tong babaeng 'to.

Nacucurious ako sa kanya.  ?__?

Wala pang 10 minutes na katabi ko siya, nagyaya na ung mga kasama niya na lumabas na sila ng library.

"Ally, ung phone mo baka naiwan mo nanaman ah?", narinig kong sinabi nung isang babae na kasama niya bago sila makalabas ng library.

"Hala, wait. . Naiwan ko nga. Teka lang ha?"

"Hay, si Ally talaga."

Teka phone niya yata tong nasa table. Nakatalikod siya kaya di niya alam na nakatingin ako sa kanila. Bago siya makaharap ulet sa direksyon ko, tumingin na ako sa handouts na hawak ko.

"Excuse me. Kunin ko lang po ung phone ko.", sabi niya at yun, umalis na siya.

I didn't look at her nung lumapit siya. Focus lang kunwari sa pagrereview. HAHA!  :D

Hmm. . . so her name is ALLY.

I wonder kung anong course niya.






Thanks for reading this story. pavote naman po and share!

Leave some comments na rin if you want. THANKIE!!! :)

It started with a glanceWhere stories live. Discover now